Capítulo Cinco: Baliktanaw at Liham

342 12 5
                                    

Previously...

Vicente: O siya sige, Remedios huwag kang gagawa ng kalokohan. He stated while ruffling my hair while I grunted at his turning back.


-----------++----------

Las Islas Filipinas
Dagupan, Pangasinan
Septiembre 10, 1899

1:30 P.M

Y/n: Batid kong nagpadala nanaman ng sulat ang Presidente, patungkol saan ito? Tanong ko sa apat na sundalong naglalaro ng sungka at Goyo at Joven na nagbabasa ng libro, patungkol ata sa isang libro ni Dr. Jose Rizal at ewan ko naman kung ano ang binabasa ni Goyo...Tumingin sa akin si Goyo at magsasalita na sana ngunit naunahan siya ni Kuya Julian.

Julian: Aalisin na sa pagiging sundalo si Enteng. Saad nitong nakangisi habang naka tingin pa rin sa kanilang nilalaro. Sinipa ng Kuya ang paa ni Kuya Julian dahilan upang mapasigaw ito sa sakit at saka kumuha ng cáscara (shell) upang tumira.

Tinawanan ko na lamang sila habang pinapanood ang Kuya Vicente na isa isang hinuhulog ang cáscara sa bawat butas na kaniyang nadadaanan habang paikot pakanan ang kaniyang kamay.

Tinignan ko si Goyo upang tanongin ulit kung patungkol saan ang sulat, ngunit nang ako'y tumingin ay naka titig na siya sa akin habang may naglalarong ngiti sa kaniya labi. Tinaasan ko siya ng kilay dahilan upang mamula ang kaniyang mga pisingi at saka nagslita.

Goyo: Magpaparito ang Señor Presidente, Remedios, ngunit hindi pa niya sinasabi kung kailan ito. Isang malaking piging ang ating gagawin sa araw ng kaniyang pagdating. Nginitian na lang namin ang isa't isa at saka siya bumalik sa kaniyang pagbabasa.

Kung ganoon ay malapit ko ng makita ang Kapatid ng Presidente na si Felicidad na ex ni Goyo, tsk, at saka ang unang Presidente mismo ng Pilipinas na nais kong sapakin dahil sa ginawa niya sa napakagaling na Heneral ng Pilipinas na si Antonio Luna at sa nangyari sa Pilipinas dahil dito.

Nawala ako sa loob ng aking isipan ng marinig namin ang napakalakas na sigaw ni Juan dahilan para magulat kaming mga kasama niya.


Juan: ¡mierda! Saad ni Juan sa sungka na nilalaro nila ni Telesforo.

Joven: Ang sungka ay malalaro ng walang sigaw, Juan, ito'y ginagamitan ng utak hindi bunganga, kaya manahimik ka riyan. Saad ni Joven na hindi pa inaalis ang tingin sa kaniyang binabasa sabay bato ni Juan sa kaniya ng tatlong Pirasong cáscara.

Sungka:

Google©

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Google©


 -----------++----------

Ilang minuto pa ang nakalipas at ako'y nababagot na dahil wala man lang namamansin sa akin ng dumaan si Manang Lusing na mukhang nagmamadali kaya pinigilan ko ito. O diba tanga, kitang nagmamadali ang tao.

Y/n: Manang Lusing! Saan po kayo pupunta? Mukhang nagmamadali ata kayo.  Tanong ko sa nagmamadaling Mayor-Doman ng Manor.

Manang Lusing: Bibili ako ng mga gulay na hindi makukuha rito sa Hacienda, Hija. Tayo'y naubusan na ng surtir (supply). Ngumiti ako sa kaniyang sinabi.

HistoryWhere stories live. Discover now