Previously...
Y/n: Tama, Tama. O siya tayo na't bumalik sa Hacienda at mag handa ng merienda para kanila Goyo at sa iba pang mga sundalong kasama sa pagpupulong.
Saad Kong naglalakad na pabalik sa Hacienda at sabay kuha ni Joven sa aking kamay na may hawak ng aking mga nabili. Nagpasalamat ako sa kaniya at sabay kaming naglakad.
-----------++----------
Las Islas Filipinas
Dagupan, Pangasinan
Septiembre 23, 1899
10:30 A.M.
Y/n's PoVAndito kami ngayon sa bayan sa harap ng simbahan Upang makuhanan na ng litrato Ang limang sundalong kaibigan namin ni Joven, ngunit anong oras na at Wala pa rin si Juan at Telesforo. Nawala ako sa malalim Kong pag-iisip ng marinig ko Ang bwiset ng boses ni Joven.
Joven: Lagi na lang Wala sa oras ng Pictórico (Pictorial) Ang dalawang lalakeng iyon! Mamaya ko na lamang sila kukuhanan, bahala sila sa buhay nila, tanghali na! Sigaw niya sa inis at nagsimulang ayusin Ang tatlong lalakeng nasa harap namin Wala ng gagalaw!
Vicente: Wala ng gumagalaw Jo--
Y/n: Manahimik, Kuya. Pampuputol ko sa kaniyang sasabihin.
Joven: Kanang kamay sa iyong bewang, Koronel Julian at sa espada naman sa iyong tagiliran, Koronel Vicente. Posisyin! Isa... dalawa... tatlo! At sa bilang niyang tatlo tumunog Ang camera.Tumingin ako sa paligid ay marami na palang nanonood sa amin, mga bata, matatanda, at karamihan mga binibining nakatitig Kay Goyo. Tsk.
Julian: O siya, Tara na at bumalik sa Hacienda para mag-ayos. Asaan ang mga guwárdiyáng may hawak ng ating mga Kabayo? Sabay na lumapit Ang Sarhento Pérez at Korporal Asensio at isa pang sundalo ng masabi niya Ang mga ito dala Ang Kabayo naming Lima
Nagsitabi Ang mga tao ngunit patuloy pa rin kaming pinapanood. Sumakay na Ang Kuya Vicente at Kuya Julian sa kanilang mga Kabayo sumunod naman si Joven pagkatapos niyang maibilin Ang kaniyang cámara sa sundalong kasama nila Sarhento Pérez at Pagkatapos non ay tinulungan ako ni Goyo na umakyat sa sarili Kong Kabayo. Nagsimula Ang bulong bulongan, bagamat Hindi normal sa babae Ang mangabayo sa panahong ito. Ito pa lamang siguro Ang unang beses nilang maka kita ng babaeng nangangabayo rito sa bayan.Ang mga matatanda Ang nagbubulong bulongan patungkol dito ngunit Ang mga Binibini naman ay pinagbubulungan Ang pagtulong sa akin ni Goyo, simpleng bagay Hindi nila mapalagpas. Sumakay na si Goyo sa kaniyang Kabayo at Saka nagsalita Ang Kuya Vicente.
Vicente: Tapos na po Ang panood, maaari na tayong bumalik sa ating mga tirahan Upang makapag handa! Paniguradong Malapit ng dumating Ang Presidente pati na Rin Ang mga kalapit na bayan!
Julian: Brigada del Pilar, mag patrolya at magsikalat! Korporal Asensio, hanapin mo Ang Kapitan del Pilar at Teniente Carrasco paki sabing bumalik na sila sa Hacienda at maghanda na.
"Masusunod Koronel!" Sabay-sabay na sigaw ng mga sundalo at nagmadaling pumunta sa kani-kanilang tungkulin.
Maganda palang magkaroon ng ayudante de campo, Hindi masasayang Ang Boses mo dahil may magsasalita para sayo.Goyo: Tayo na. Saad ni Goyo na nakatingin sa akin na naka sakay na sa kaniyang Kabayo paraan Upang magsitabi Ang mga tao. Muli siyang tumingin sa kaniyang harapan at sinimulang patakbuhin Ang kaniyang Kabayo na sinundan ko at ng tatlo pa naming kasama.
Ako'y naka titig sa likuran ni Goyo habang pinapatakbo kasunod sa kaniya Ang sarili Kong Kabayo. Ngayon ko lang napansin na Saka lang siya nag sasalita kung may lalapit na sibilyan sa kaniya at Yun lamang. Hindi siya nakikipag usap sa iba kundi sa aming mga kaibigan niya lamang, Kay Nanang Amanda, sa mga tauhan sa Hacienda, at sa kaniyang mga sundalo. Misteryoso sa iba ngunit kalog pagdating sa kaniyang pamilya.
Pagdating namin dito sa Hacienda agad Kong sinabayan ng lakad si Joven para siya'y matanong tungkol sa aking iniisip kanina.
Joven: Hindi ba't nasabi niya na ito sa atin noong tinanong ko siya nung panahong nalaman nilang ikaw Ang nawawalang kapatid ni Vicente? Kunot noong tanong niya sa akin.
Y/n: Tonta. Wala pa ako sa panahong ito nang mangyari iyon, ako si Y/n at Hindi si Remedios noong mga panahong iyon! Bulong ko sa kaniya at sabay kamot niya sa kaniyang ulo ng Ito'y mapagtanto niya.
YOU ARE READING
History
Historical FictionA Young lady from the present was sent to the past, finding out the real story about the del Pilar pair's History. Y/n Ingrid Enriquez, Apo ni Col. Vicente Enriquez. Magagawa niya kaya and kaisa-isang bilin sa kaniya? Ang bilin na makapagdedesisyon...