Previously...
"Alam mo namang mahal pa kita"
"Wala man lang natitirang pagmamahal sa iyo"
"Oo, mahal kita"
-----------++----------
Y/n: Eto kaya? Tanong ko sa Joven na pulot lang ng pulot ng mangga papunta sa bayong na Hindi ko alam kung saan niya na kuha. Ako'y nahihirapang pumili ikaw lagay lang ng lagay sa bayong na yan? Pagsesermon ko pa sa kaniya.
Joven: Remedios, Pumili ka na lamang riyan, ikaw ba Ang kakain? Sumbat niyang akala mo'y siya Ang uubos.
Y/n: Joven, huwag iyan ibalik mo yan, mabubulok na yan. Saad ko ng magulat ako sa boses na nasa aking tabi.
Felicidad: Tamang hinog lang naman, malayo pa to sa pagka bulok.
Y/n: Mahirap na, kelangang sariwa. Pagpaparinig ko.
Felicidad: Totoo, pero kailangang marunong tayong tumingin kung ano ba talaga ang hinog sa totoong bulok. Hindi kasi maganda yung tapon tayo ng tapon kahit di pa naman ito na bubulok.
Y/n: I side-eyed her, tapos bumulong ako kay Joven na pinapakinggan ang aming parinigan. Kaunti lang dito ang pwedeng ihain.
Felicidad: Lahat naman ng manggang ito, pinitas para ihain. Hindi naman sila pinitas para itapon lang... Huwag ka lang magpapatapon. Tumingin ako sa kaniya, nginitian siya ng peke at mag sasalita na sana ako ngunit, inunahan ako ni Joven na kanina pa tahimik.
Joven: Hindi naman siya mangga, binibini. Pabalang na saad ni Joven at saka hinila ako papalayo kay Remedios. Uuwi na tayo. Dagdag niya pa bago tuluyang umalis.
Nang maka-rating kami sa Hacienda ni Joven ay agad niyang binigay sa kasambahay ang hawak na mga mangga at saka ako hinila papuntang hardin ng makita sina Goyo sa sala.
Maraming tao sa loob, tumutulong para sa malaking piging mamayang gabi. a las tres na rin ng hapon kaya nag mamadali ng mag ayos ang mga tao rito sa Hacienda. Umupo kami ni Joven sa isang bangko, tinitigan niya ako at huminga ng malalim bago mag salita.
Joven: Ayos ka lamang ba binibini? Ang mga narinig natin kanina, maaaring mali lang tayo ng mga na dinig. Saad niyang nag aalinlangan. Hindi sigurado sa kaniyang mga binabatid.
Y/n: Wala iyon sa akin, Joven. At sino ba naman ako para makaramdam ng galit at selos sa kanilang dalawa? Isa lamang akong kababata at wala ng iba. Saad kong sinusubukang hindi lumuha. Sino nga ba naman ako? Ngunit di ko lubos maisip ang mga pagsisikap niya para sa akin-- kay Remedios nitong mga nakalipas na buwan. Panakip ba lamang niya ito habang wala si Felicidad sa tabi niya.
Joven: Ikaw ay nagdududa. Napatingin ako sa sinabi ni Joven, huminga ulit siya ng malalim at saka ako kinatusan sa ulo.
Y/n: Aray ko! Para saan iyon!? Saad kong asar sa kaniyang ginawa.
Joven: Ikaw ay nagdududa hindi lamang sa Heneral ngunit pati sa iyong sarili, Y/n. Bulong niya sa tunay kong pangalan. Matagal na ng huli kong narinig ang aking pangalan kaya nama'y naka ramdam ako ng kaunting pangungulila. Naniniwala akong mayroon pang katuloy ang sasabihin ni Goyo kanina, naniniwala akong maling pakahulugan lamang ang ating iniisip. At naniniwala rin akong hindi ka lamang isang kababata. Si Remedios ay hindi lamang isang kababata para kay Goyo, Y/n. Iyan ang lagi mong tatandaan. Sa dami rami nang ginawa ni Goyo para sa iyo nitong mga nakaraang buwan batid kong hindi ito pagkukunwari, sapagkat nakikita ko sa kaniyang mga mata at kilos na ginagawa niya ito ng buong puso para makuha lamang ang iyong sagot na oo.
Sa haba haba ng sinabi sa akin ni Joven, ako ay napaluha na lamang at agad siyang niyakap. Sumusumangong sana'y walang taong malisyoso ang maka kita sa min at nag papasalamat sa mga kapanapanatag na salita ni Joven. Sana nga totoo ang mga ito.
Y/n: Sana nga totoo ang iyong mga sinasabi. Dahil alam ko sa aking sarili na malalim na ang aking nararamdaman para sa Heneral. Ngayon ko lang sinabi ito ng malakas sa iba. Ngayon ko lang din inamin sa aking sarili na nahuhulog na ako sa Heneral.
Bumaklas sa aming pagkakayakap si Joven at saka ngumiti sa akin ng marahan.
Joven: Hindi na ako gulat sa iyong nararamdaman, Y/n. Bago mo pa palitan ang Remedios namin, alam ko ng makakabuo siya ng pagmamahal kay Goyo. At alam ko ring ganoon ang iyong mararamdaman.
-----------++----------
6:00 P.M.
A las seis na ng gabi napa aga ang dating ng Presidente kaya nama'y maaga nag simula ang piging. Nag yaya ang mga lalaking mag sayawan, puno ang sala ng mga magkasintahan at magkakaibigan na sumasabay sa tugtog. Habang kami ni Joven ay pinapanood ang aming mga kaibigan na paulit ulit na nabibigo mag yaya ng mga binibining kanilang isasayaw.
Yayayain na sana ako ni Joven upang sumayaw ngunit nakita namin si Goyo na papalapit sa aming kinauupuan. Ngunit nagtinginan kami ni Joven ng makita naming pinilit ni Felicidad si Goyo na huminto at sumayaw kasama niya. May mga babae rin pala talaga sa unang panahon na ganito kung kumilos sa harap ng mga lalaki. Tsk, desperada.
Y/n: Lalabas muna ako, kailangan ko ng hangin. Bulong ko at saka hindi na hinitay ang sagot ng aking kaibigan.
Dumiretso ako sa Veranda, malayo sa sala kaya nama'y hindi ako makikita ng iba at hindi ko na rin maririnig ang tawanan at musika. Tahimik, hangin lamang ang iyong maririnig. Napaka ganda ng langit, puno ng bituin at napaka laki ng buwan. Tumingin ako sa paligid. Ganitong ganito ang itsura ng Hacienda sa hinaharap, walang pinagbago. Mga puno naka ayos ayon sa mga prutas na ibubunga, mga gulay na may sariling pwesto at naka hiwalay malayo sa pangunahing taniman. Mga ilaw lamang ang nag bago, naging dekuryente at mas makulay pa sa hinaharap.
Napa isip ako kung ano ng nangyayari sa loob, ano na kaya ang ginagawa ni Goyo at Felicidad.
"Ano ang ginagawa mo rito binibini? napaka lamig." Gulat ako ng marinig ko ang boses ng heneral. Hindi ako humarap sa kaniya at hinayaan siyang tmayo sa aking likod. Nakararamdam pa rin ako ng tampo sa kaniya.
Y/n: Sinabi ko bang sundan mo ako? Saad kong may pait sa aking tono.
Goyo: Ano ang problema, Remedios? May nagawa ba akong mali? Tila'y kanina mo pa ako sinusungitan at hindi pinapansin. Tanong niyang puno ng pagtataka.
Y/n: Wala, bumalik ka na lamang sa loob at pasayahin si Felicidad. Hindi naman siguro halata na ako'y nag seselos.
Goyo: Sabi na at si Felicidad ang problema. Nabanggit sa akin ni Joven ang nangyari kaninang hapon. Kung saan ay nakita niyo kami ni Felicidad? Tanong niya at agad agad akong humarap sa kaniya, pinagdilatan ko siya ng mata, inuutusang ituloy niya ang kaniyang sasabihin.
Y/n: Ano pa ang mga sinabi ng lalaking iyon sa iyo?
Goyo: Huwag kang mgalit sa kaniya, pinilit ko siyang magsalita kaya ako ang pagalitan mo. He sighed, looking straight in my eyes and holding my hands in his. Gusto ko lamang linawin, ang mga nangyari kanina.
Septiembre 23, 1899 (Kanina)
2:30 P.M.Goyo: Oo, mahal kita, ngunit noon iyon, hindi na maibabalik ang kung anong mayroon tayo noon. Matagal ko na iyong kinalimutan. Ni siquiera recuerdo la última vez que te amé.
Napatingin sa ibaba si Felicidad, tila'y pumapasok na sa kaniyang kokote na matagal na nga silang tapos ng Heneral.
Felicidad: Paano mo nasasabi ang mga-- Pinutol uit ni Goyo ang kaniyang sasabihin
Goyo: Alam ko kung sino ang aking mahal, binibini. Hindi na dapat ito kwinikwestyon. Paumanhin ngunit kailangan ko ng umalis. Saad ni Goyo at saka umalis.
...
Goyo: Sana malinaw na ang lahat sa iyo, mahal ko. Pagtatapos niya sa kaniyang kwento. Ikaw lamang ang aking nililigawan, ikaw lamang ang aking mahal.
Agad kong niyakap ang lalaking nasa aking harapan. Tahimik akong humihikbi at nag sisising pinagdudahan siya kahit sandali. Tama si Joven, totoo ang Heneral at hindi ko dapat siya pinagdudahan.Y/n: Paumanhin at pinagdudahan kita. Kinabahan lang ako sa mga galaw na pinapakita ni Felicidad. Alam kong hindi iyon sapat na dahilan, kaya humihingi ako sa iyo ng tawad. Saad kong tahimik na humihikbi at saka ko na ramdaman ng pagdapo ng mga labi ni Goyo sa aking ulo.
Goyo: Ayos lamang binibini, hindi naman kita masisisi, sa gayong mayroon nga kaming nakaraan ng kapatid ng Presidente. Saad pa nito at sabay haplos sa akin likod. Maaari na ba kitang isayaw aking binibini?
Tinignan ko siya at saka tumongo na may kasamang malaking ngiti sa aking mga labi na kaniya namang ikinatawa.
Inilagay ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib, itinapat ang aking tainga kung saan tumitibok ang kaniyang puso and I started humming a song.Your hand fits in mine like it's made just for me
But bear this in mind, it was meant to be
And I'm joining up the dots, with the freckles on your cheeks and it all makes sense to me
I held his left hand tightly, much bigger than mine but it sure does fit perfectly with mine. And felt his right hand tighten its grip on my waist.
I know you've never loved
The crinkles by your eyes when you smile
You've never loved your stomach or your thighs
The dimples in your back at the bottom of your spine
But I'll love them endlessly
We smiled at each other, eyes crinkling as his fingertips traced my back. I continued humming, the song filling our ears as we swayed our bodies perfectly on beat. Tila ba'y tumutugma ang aming galaw sa lirico ng kanta kahit hindi ito alam ni Goyo.I won't let these little things slip out of my mouth
But if I do, it's you
Oh, it's you, they add up to
I'm in love with you
And all these little thingsI hugged him tightly as my humming stopped, remembering the things he said to me in the past months, totoo ang mga lumalabas sa kaniyang bunganga hindi basta sabi sabi sapagkat, pinapatunayan niya rin ito sa gawa. He kissed my forehead and hugged me back as much as I did.
Mahal ko na nga ang lalaking ito, gaya nga ng sabi sa kanta, mahal ko siya pati rin ang mga maliliit na bagay na nakapaloob sa kaniya.
Goyo: Napaka ganda ng iyong boses at ng kanta, ngayon ko lamang ito na rinig. Saad niyang naka ngiti sa akin at muli akong inindayog ng marahan at aking ipinagpatuloy ang kantang hindi pa na tatapos.
...
Nag sayawan ulit ang dalawa hindi na mamalayan ang babaeng pinapanood silang may mapapait na ngiti sa kaniyang mga labi.
She admits defeat.Continuará...
Translation: Spanish to English
Spanish: Ni siquiera recuerdo la última vez que te amé.
English: I don't even remember the last time I loved you.
Thank you for reading!
This is a complete work of fiction.
"Choose to be kind. Choose to do one good thing every day. Don't choose to be negative if you see somebody in need. Lend them a helping hand because ultimately, the best thing that we can do is to create a better world that's worth living"
-Michelle Dee, Miss Universe Philippines 2023
YOU ARE READING
History
Historical FictionA Young lady from the present was sent to the past, finding out the real story about the del Pilar pair's History. Y/n Ingrid Enriquez, Apo ni Col. Vicente Enriquez. Magagawa niya kaya and kaisa-isang bilin sa kaniya? Ang bilin na makapagdedesisyon...