Starting from this chapter the places' routes and events are not going to be historically correct and accurate. This is a work of fiction made by the author's imagination. Enjoy!
...
Previously...
Y/n: Koronel José, rito ka na sa Hacienda mag gabihan. Sampung minuto lamang ang ibibigay ko sa inyong apat bago maka rating sa hapag. Hindi pinag hihintay ang gracia. Saad ko at saka lumabas na ng silid.
-----------++----------
Octubre 1899
Sin fecha exacta (No exact date)
Joven: Naalala mo ba noong septiembre nang maparito sa Dagupan si Koronel Leyba upang mag ulat kay Goyo sa mga nangyayari sa San Fabian?
Tanong sa akin ni Joven habang aming nilalakad ang daan patungong labas ng Hacienda. Paano ko malilimutan ang nakakapikon na gabing iyon? Nagpakalasing ba naman ang magkapatid na Del Pilar at balak pang idamay ang Koronel na kinabukasan ay lilisan pabalik sa San fabian? At ayaw pa talagang sumunod ni Goyo sa mga sinasaad ng aking Kuya patungkol sa kapalpakan ng isa niyang sundalo. Tsk.
Nang maalala ko ang tanong sa akin ni Joven ay bumalik ako sa aking wisyo at saka ko siya tinignan at tumango na lamang para sumagot.
Joven: Napag alaman kong patikim lang pala ng mga Amerikano ang pag papaulan nila ng bala noong nakaraang buwan at ngayo'y susubukan nanamang sugudin ang san fabian. Saad ni Joven na nag aalinlangan na nagpalaki ng aking mga mata at halatang ang takot ay na-muo sa aking pagkatao.
Y/n: Saan mo nalaman!? Paano ang tatlo nating kaibigan na nagparoon kaninang madaling araw? Sunod sunod kong tanong sa lalaking aking katabi nang punong puno nang pangangamba sa aking boses. Tinignan niya ako nang malalim at saka huminga ng malalim.
Joven: Narinig kong nag uusap si Tisoy at Juan kanina. Nakita ko rin kaninang madaling araw ang pag alis ng sangkapat na sundalo ng brigada Del Pilar at pagsundo ni Tagunton at Koronel Leyba sa kanila. Marahan na pag uulat sa akin ni Joven na para bang nag iingat sa mga sinasabi niya sa akin upang ako'y di kainin ng aking takot.
Y/n: Kaya ba't hanggang ngayon ay wala pa ring natatanggap na balita sila Juan sa San fabian at ni isa sa tatlo nating mga kaibigan ay wala pa ring naipadadalang sulat sapagkat may nangyayaring laba-- Hindi ko natapos ang aking sasabihin sapagkat pinutol agad ito ni Joven.
Joven: Huwag muna tayong mangamba sa ngayon, umasa tayo na makakauwing walang galos at buo ang mga kaibigan natin dito sa Dagupan. Magaling mamuno ang Heneral Del Pilar lalo na't walang nangingialam sa mga plano niya sa ngayon. Saad ni Joven na may kasiguraduhan sa kaniyang boses sabay yakap sa akin ng panandalian at ito'y pinanghawakan ko na lamang muna. Malaki ang tiwala ko sa pagiging Heneral ni Goyo, siya'y maaasahan at puno ng serbisyo. Si Joven nga na magaling mag overthink ay positibo ngayon, ako pa kaya?
Pero Lord... Gabayan niyo po ang aking mahal pati na ang aming mga kaibigan.
Pagdating namin ni Joven sa puerta nang binuksan ito ng isang guwárdiyá ng Hacienda habang ang isa naman ay nakita namin ni Joven na pilit na may pinaaalis sa tapat nito. Nang natanaw namin kung sino ang natatakpan ng guwárdiyá agad namin itong tinakbo ni Joven at sinabihang kami na ang bahala sa paslit na umiiyak.
Madungis ang bata, may sugat din ang kaniyang mga paa at kamay. Kung siya'y aking tititigan masasabi kong limang taong gulang pa lamang ito dahil sa kaniyang tangkad. Grabe ang kaniyang pagtangis at hindi namin siya magawang pagsalitain ni Joven. Nang bubuhatin na sana namin siya paloob ng Hacienda papuntang manor ay agad naman kaming tinulungan ng guwárdiyá na parang kanina lang ay ipagtabuyan ang bata.
Nang kami'y makapasok ng Manor agad namang tinawag ni Joven sina Manang Lusing upang makapaghanda ng pampaligo at gamot na maaaring gamitin sa mga sugat ng bata. Habang ako'y narito pinapatahan pa rin ang paslit na kanina pa tumatangis. Napuno nang awa ang aking naramdaman at tila sumikip ang aking dibdib sa gawi ng batang nasa aking harapan ngayon. HInaplos ko ang kaniyang mukha at pinunasan ang mga luhang pumapatak sa kaniyang mga mata at saka ikinulong sa aking bisig habang hinihintay sina Joven.
YOU ARE READING
History
Historical FictionA Young lady from the present was sent to the past, finding out the real story about the del Pilar pair's History. Y/n Ingrid Enriquez, Apo ni Col. Vicente Enriquez. Magagawa niya kaya and kaisa-isang bilin sa kaniya? Ang bilin na makapagdedesisyon...