Previously...
Goyo: Napaka ganda ng iyong boses at ng kanta, ngayon ko lamang ito na rinig. Saad niyang naka ngiti sa akin at muli akong inindayog ng marahan at aking ipinagpatuloy ang kantang hindi pa na tatapos.
-----------++----------
Septiembre 23, 1899
A las once ng gabi
Patapos na ang piging, nakauwi na ang Presidente at ang kaniyang kapatid sa bahay nila Telesforo, ang ibang panauhin ay nagsisimula na ring umuwi kaya nama'y nasa labas kami ni Joven at sumasagap ng sariwang hangin.
Marahang humahampas sa aming balat ang lamig na dulot ng hangin, malalim na ang gabi malapit na ring mag a las dose, walang mga bituin na nag niningning, naka tago rin ang buwan na tila ba'y uulan. Tahimik kami ni Joven nang dumating ang Kuya Vicente at saka tinapik si Joven sa Balikat at tinaasan ako ng kilay.
Ilang minuto pa ang lumipas ng maputol ang katahimikan naming tatlo ng mag salita si Joven. Tila ba'y hindi siya ang ginoo na aking nadatnan ng mapadpad ako sa panahong ito. Ang masayahin at loko-lokong Joven ay tila bang nag laho sa mga oras na ito dahil sa mga salita at tanong na lumalabas sa kaniyang bunganga. Ang boses ay tila punong puno ng kabiguan.Joven: Naalala ko nanaman ang pag-uusap nating tatlo noong papunta tayo sa palengke. Paninimula niya. At saka ko nanaman napag tanto na tila'y walang pake ang President sa mga nangyayari at mangyayari pa lamang. Napadpad nga siya rito sa Dagupan ngunit kinamusta niya lamang ba ang mga tao kung ayos pa ba sila sa mga nangyayari?
Nagkatitigan kami ng aking Kuya at saka tumingin ulit sa likod ni Joven.
Joven: Sa bagay, paano nga siya mag kakaroon ng pake sa atin kung ang kaisa isang pinuno na alam ang takbo ng bansang ating kinatatayuan ay kaniya'y inagawan ng buhay?
Katahimikan ang naisagot namin ng Kuya kay Joven, tama siya at walang bahid ng kamalian ang mga binibitawan niyang salita. Hindi ko magawang mabuksan ang aking bunganga, tinignan ko ang aking lolo na nag sisilbing aking kuya sa panahong ito. Mapupungay na mata na tila ba'y nawawalan na rin ng ningning dahil sa mga sinasabi ni Joven. Alam kong nais niyang mag salita, ang matalas nitong isipan ay hindi matatahimik kung hindi niya rin nailalabas ang kaniyang mga saloobin. Alam ko, sapagkat ang lolo kong ito ay parang isang replika ng aking kuya sa hinaharap mapa labas man at mapa loob.
Joven: Gusto kong maalala ulit na may pinaglalaban tayo. Totoong tahimik ang mga nakaraang buwan, pero ayokong makalimot, ayokong mag bulag bulagan.
Napatingin ako sa ibaba dahil sa mga saad ni Joven ng biglang nagsalita ang kuya Vicente.
Vicente: Naisin man nating hindi mag bulag bulagan ay wala tayong magagawa, Joven. Mahina ang hustisya sa ating bansa, pipito tayo at ang ating kalaban ay ang Presidente mismo.
Joven: Ngunit gaya nga ng sabi ni Heneral Luna, Walang sinuman ang pinakahigit na nakatataas sa batas.Vicente: Tama ang katagan, Joven. Ngunit pati ang mga katagang iyan ay ginamit ng Presidente laban sa Heneral. Bulong ni Vicente at wala ng mas tatama pa sa kaniyang mga saad. Nais ilaban ni Goyong ang nangyari sa namayapang Heneral, paborito man ng Presidente si Goyong ngunit tulad ni Heneral Luna, isa lamang din siyang Heneral, nasa kamay siya ng Presidente isang maling galaw ay maaaring siya ang isunod. Puno ng kalungkutan at tila'y kabiguan ang boses ng aking kuya gawi upang mapahawak ako sa kaniyang kaliwang braso at makapaghatid man lang ng kaunting suporta.
Tumikhim si Joven at saka kumunot ang noo, hinawakan ng kuya Vicente ang aking kamay na naka kapit sa kaniyang braso senyas na para bang sinasabing nakuha niya nag nais kong iparating at naninigurado na magiging mabuti rin ang lahat. Ilang minuto pa ang lumipas ng bigla na lamang kumulog ng malakas kasunod nito ang kidlat at biglang pagbuhos ng ulan para bang sinasabayan nito ang aming emosyon.
Nagtinginan kaming tatlo at saka nagmadaling tumakbo papuntang Manor habang hila hila ako ng kuya. Pagka rating namin sa Veranda naroon si Goyo palabas pa lamang at para bang nagmamadali na may dalang sombrero, siya'y nasa kaniyang uniporme pa rin.
Goyo: Buti na lamang at narito na kayo, kailangan niyong magpalit ng damit, lalo ka na aking binibini hindi ka pwedeng matuyuan. Saad niya at sabay hila sa akin papasok ngunit napahinto kaming apat saglit ng nag paalam na uuwi na ang huling bisita sa piging
Pagkapasok namin ay nandoon naka abang sina Manang Lusing at dalawa pang kasambahay sabay abot sa amin ng mga twalyang hawak nila. Pagkapasok namin ng sala, naroon naka upo sina Julian, Juan at Telesforo na sabay sabay na tumingin sa amin.
YOU ARE READING
History
Ficción históricaA Young lady from the present was sent to the past, finding out the real story about the del Pilar pair's History. Y/n Ingrid Enriquez, Apo ni Col. Vicente Enriquez. Magagawa niya kaya and kaisa-isang bilin sa kaniya? Ang bilin na makapagdedesisyon...