Chapter 8

2.4K 94 0
                                    

Mishka's POV

"Isa nanaman pong bangkay ang natagpuan malapit sa M University hindi matukoy ng mga kapulisan kung sino ito kahit ang mga cctv camera ay walang nakita, ano nga ba ang ng yayari sa school na ito? Ligtas paba ang mga estudyante dito? Ako si Daeshim nag uulat para sa pang umagang balita" Rinig kong sabi ng tv kung ganun may isa nanamang namatay akala ko rumor lang

Nakakapag takang di kumikilos ang mga kapulisan ilang lalaki na ang namamatay pero wala silang pake kainis lang ganun o sadyang hindi lang talaga nila alam kung sino ang killer?

"Tama na kakanood nyan. Wala din naman silang gagawin kumain na kayo at maaga pa kayong papasok" Malamig na sabi ni tita habang nag kakape at nag babasa ng dyaryo

Kagaya ng sabi ni tita kumain nalang kami nila zora. Umuwi na kasi sila tito kagabi pero pansin ko may kakaiba kay sol at tita diko lang alam ah may nasesence lang akong kakaiba

Pag katapos kong kumain ay sumakay nako ng bike at pumunta na ng University nauna nako kay zora kase may aasikasuhin paraw syang impotante kaya pumayag nalang ako since nag mamadali din ako pumasok dahil ayoko malate

Maya maya ay nakarating nako sa university at nakita kong maraming naka paligid na pulis sa paligid diko nalang sila pinansin at pumasok na. Nakuha ni ma'am Cassandra ang pansin ko may kausap kase syang babaeng pulis pula ang buhok at mukhang kasing edad nya lang

Maganda sexy pero mas nakalalamang si mam cass WTF?!! Di bali baka nagagandahan lang ako aaminin kong bading ako pero yung mag kagusto sa katulad nya? Nah..... Pang hampas lupa yung itsura ko tapos sya ang ganda ganda

Napansin ko si andrei yung isa sa mga classmate ko kaya nilapitan ko sya at niyakap naman ako nito ng makalapit ako. Don't think that were in a relationship gay si andrei at may relasyon sila ni sir aaron

Ako lang ang nakakaalam nun at may tiwala naman sya saakin kaya ayos lang kahit anong sikreto pa yan diko ipagkakalat

"Hi bestie!!!" Sigaw nito kaya tinakpan ko ang tenga ko napaka lakas kase nakakabingi

"Shhhh... Wag ka ngang maingay may ikweikwento ako sayo" Sabi ko sakanya at nag ning-ning ang mata nito pag dating sa chismis ang galing ng lalaking to

"So ganto yun kahapon alam mo bang may natanggap akong text at ang sabi nya see you tomorrow my love bla bla bla..." Sabi ko at umakting pako sa harap ni bakla at sya nitong ikinatawa

"Bruha ka talaga HAHAHHA pero sino kaya yun nakakatakot makatanggap ng ganun mas maganda sigurong ireport mo sa pulis lalo na maraming pinapatay dito" Nag alalang sabi nito kaya umiling lang ako imposibleng isang killer yun paniguradong napag tripan lang ako

Actually naisip ko rin yun kahapon pero diko alam di ako nakakaramdam ng takot parang relax lang ganun normal na tao matatakot na sa ganung mga gawain 

Pero diko naramdaman yun mas pinaniniwalaan ko parin ang instincts ko kesa sa iba kase dipa nag kakamali ang instincts ko pero kung.... Papatayin nya nga ako handa naman akong labanan sya baka taekwondo master ako hmpp!!

"Sige irereport ko kapag nakatanggap ulit ako ng ganung text wag kana mag alala" Ngiting sabi ko kay andrei at kita ko sa mukha nyang nabunutan sya ng tinik sa lalamunan.

I wonder who is C?



































To be continued...................

Ms. Psycho(COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon