Chapter 40

2.3K 65 0
                                        

Cassandra's POV

Nakatitig ako sa isang matandang babae na mahigpit na yakap si Mishka. Tiyak kong Lola nya ito.

"Apo! Akala ko'y may nangyari sa'yo," ang sabi niya, puno ng pag-aalala sa mukha, habang hinahaplos ang pisngi ni Mishka na para bang nawawala na't bumalik lang matapos na mawala ng ilang taon.

Ni-yakap siya ni Mishka, at ang matandang babae'y umiiyak lang. Biglang may lumitaw na babaeng medyo bata, tila mommy ni Mishka dahil sa kahawig nito. Nandoon din ang kapatid nito na hindi maganda ang tingin sa akin.

Nginitian ko ito at tinatarayan lang ako. Manang-mana sa ate niya. Pagkatapos ng kanilang eksena, agad kaming pinaunang pumasok ng Lola ni Mishka, habang nakatitig pa rin ang mommy niya.

"Apo, sino yang magandang kasama mo?" Tanong ng Lola, tila kati na kati nang malaman kung sino ako.

"Girlfriend ko po," sagot ko, at bigla namang hinimatay ang Lola sa gulat.

Buti na lang at nasa likuran namin, nasalo ko ang Lola niya, at ganoon din ang mommy niya. Alam ko namang napakaganda ko.

"Seryoso ka ba, ate?! Baka ginayuma ka lang niyan, balita ko sikat ang gayuma sa province," sigaw ng kapatid ni Mishka, gusto kong matawa pero pinigilan ko na lang baka tamaan pa ako.

Binuhat ko ang Lola ni Mishka at inilagay sa sofa habang sila ni Mishka ay nag-aasikaso sa mommy nila. Maya-maya, nagising ang mommy at Lola ni Mishka, nakatitig ito sa akin, kaya nginitian ko lang sila.

"Seryoso ka ba diyan, apo? Hindi naman sa ayoko sa batang ito, pero gusto ko pang magka-apo sa tuhod," sabi ng Lola, mukhang disappointed. Hindi ko napigilan ang tawa ko, may bumato pa sa akin bigla.

"Madame, don't worry, I can give your granddaughter a child. If you want, I can give her 10 children," nakangiti kong sabi, at bigla na namang lumilipad ang kamay niya.

"Ano ka ba, sampu ka diyan! Pilantod na nga ako, gagawin mo pa akong biik," galit na sabi ni Mishka.

Natawa nang malakas ang Lola at kapatid niya, habang ang mommy naman niya ay seryoso pa rin sa pagtingin sa akin. Bigla akong napuno ng kaba dahil sa paraan ng pagtingin niya.

"Mag-uusap kami ng babaeng 'yan sa sala," maikling sabi ng mommy ni Mishka.

"Mommy, may pangalan siya," sagot ni Mishka sa mommy niya at tinignan lang ito ng masama ng mommy niya.

"Oo na, and please don't hurt her."

Ano ako, bata? Tinignan ko ito at sinabing okay lang yun. Pumunta ang mommy niya sa kusina, kaya sinundan ko ito. Pagkapasok ko, kinwelyuhan ako ng mommy niya.

"Do you really think you can fool my daughter?" galit na sabi niya, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

Anong fool? Sa pagkakaalam ko, sinabi ko na lahat tungkol sa akin kay Mishka. Hindi ako nagsisinungaling sa kanya, at least ngayon.

"Uhm, ma'am, anong ibig niyong sabihin?" takang tanong ko sa kanya.

Mukhang natauhan siya at binitawan ako. Tiningnan niya ako ng maigi at napabuntong-hininga.

"Wala. Napakalamang lang kita," saad niya at kumuha ng tubig at iniinom ito.

"Wag mong sasaktan si Mishka. Nakikiusap ako bilang ina niya, ayokong makita siyang umiiyak. Hindi ko pa siya nakitang umiyak kahit kailan, hindi kagaya ng kapatid niya na iyakin," paliwanag niya at tumingin sa akin ng malamlam.

Ngumiti ako sa kanya, kumuha pa ng isang baso ng tubig at inabutan ito.

"Hindi ko hahayaang malungkot siya, ipapangako ko 'yan sa inyo," sagot ko saka inyukod ang ulo bilang respeto.

"Ako nga pala si Cassandra Fransin Mendoza, nice to meet you, Madame," magalang kong sabi.









TO BE CONTINUE.................

Ms. Psycho(COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon