Chapter 23

2.2K 78 1
                                        

Mishka's POV

Naka tingin ako kay mam cassandra habang pinapainom sya ng gamot ng mga nurse. Sobra ang kabang naramdamanan ko ng malaman ko ang nangyari sakanya

Nang matapos ito painumin ay agad na lumabas ang nurse at tumingin naman ng may ngiti saakin si cassandra napabuntong hininga ako kase akala ko kung ano na nangyari sakanya

Lumapit ako dito at inayos ang kama nito habang sya ay nakatingin lang sabi kase ng doctor bawal pa syang mag gagalaw kaya ako na muna ang gagalaw para sakanya wait bakit parang dalawa ang meaning nun?

Nang matapos ko ayusin ang kanyang kama ay pinag balat ko iyo ng apple wala akong masabi dito ngayon kase bukod sa nalaman ko na nabaril ito nalaman kodin na sya ang killer pero hindi sya yung gumawa kay Samantha nun

Sa palagay ko eh nung umalis sya nung umaga eh para tulungan ang detective na mahuli silang dalawang killer sa totoo lang eh ayoko ng idea na huhulihin sya. Bakit?. Dahil mapapalayo sya saakin at hindi ko gusto iyon aaminin kong sa sandali naming pag sasama ay nahulog na ako sakanya

Kahit pa nung malaman kong sya ang isa sa killer akala ko mag babago ang nararamdaman ko pero hindi may kakaiba kase akong pakiramdam kapag kasama ko sya feeling ko safe ako sa tabi nya

Pakiramdam na sya lang ang may kayang gawin. Nagising ako sa aking pag iisip ng may pares ng kamay ang humawak sa pisnge ko at nakita ko si cassandra na nakatayo sa harap ko habang hawak ang mag kabilang pisnge ko

"Your spacing out so i did this" Nakangiti nitong saad

"Bumilik kana sa higaan fransin mabibinat ka" Sabi ko dito diko pinansin ang kanyang sinabi kanina

Agad naman itong bumalik nakatingin lang ito saakin nangungusap at nag tatanong ang kanyang mga tingin

"Lalabas lang ako" Walang emosyon kong saad

Diko pa sya kayang komprontahin dahil diko alam kung ano ang aking sasabihin.

-
-
-
-
-
-
-

Maya maya lang ay bumalik nako sa kwarto at may hawak na pagkain dahil hapunan na at alam ko naman na hindi yun kakain ng wala ako

Nagulat ako ng makapasok ako dahil wala sya sa loob. Hindi ako nag panic pero kinakabahan ako dahil baka iniwan na nya ako gusto kolang naman malinawan muna

Tinignan ko sa cr pero wala nag tanong din ako sa mga nurse pero hindi raw nila nakita si cassandra. Hinalughog ko ang buong ospital pero wala talaga sya

Kinakabahan ako ng sobra dahil baka kung saan na to pumunta at di na sya bumalik saakin. Napayuko ako at naiiyak na ng may kumalabit saakin

Si detective nikolai pala walang emosyon ang mukha nito at para akong nakatingala kay kamatayan pulang pula ang mga mata nito parang dugo at ang mga labi nito ay pulang pula din

"She's not here?" Tanong nito at tumingala

Bumuntong hininga ito at tumingin saakin ngayon ay mas maaliwalas na ang emosyon nito hindi katulad kanina para syang papatay na ewan weird

Nasaan kana ba?

Pakiusap sana bukas nasa tabi na kita


















TO BE CONTINUE...........

Ms. Psycho(COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon