Prologue

27 2 0
                                    

A/N:

This is the EDITIED version.

ERRORS AHEAD!

-kitten.
——————

I took a deep breath. This is it! New school, new environment, new people.


Pinagmasdan ko mula sa labas ng gate ang school na papasukan ko. Third year ko na ng high school pero lumipat ako ng school. Bakit? Dahil sa impaktitang step mother ko. The school is huge! Kahit nasa labas palang ako, nararamdaman ko nang mapapagod ako sa lalakarin ko.


Kabado man, I took a step in. Dumiretso ako sa dean's office para kunin ang schedule at para na rin mahanap ang room ko. Nakailang tanong pa ako bago nakarating. At dahil newbie, naka civilian ako kaya damang dama ko ang titig ng ilang nadadaanan kong estudyante. The judging looks, disgusted, and others. Well, I don't care. Buti nalang talaga at mabait ang napagtanungan ko kaya nahanap ko kaagad.


"Ms. Alcontin, you will be at section Anthurium." I nodded at the school principal. Ibinigay niya sa akin ang schedule at uniform ko bago ako lumabas.


Hindi ko alam kung saang room! Nahihiya din akong bumalik sa office of the principal dahil may pumasok din doon na teachers kaya sariling sikap kong hinanap ang room. Mula sa baba, tinanaw ko ang taas ng main building. May Limang palapag at may mga nakadungaw ding estudyante mula sa kani kanilang lobby.


"Josh! Patulong nga nitong sako."


Napalingon ako sa pinaggalingan ng malakas na boses na iyon. Galing sa room na malapit sa school garden. Nakita kong walang imik na tumulong ang lalaki at binuhat ang sako na puno ng mga dahon na inalis sa may maliit na garden sa gilid ng room. Nadaanan niya ako pero hindi niya ako pinasadahan ng tingin. Hmpt! Attitude.


"Hi! Ikaw yung bagong magiging classmate namin, 'di ba?" A girl greeted me. Siya yung sumigaw kanina.


" Ako? " I pointed myself, confused.


She chuckled. "Oo! Nakita ko no'ng in-add ka ni miss sa gc."


"Doon yung room natin." She pointed the room near the garden. Tumango nalang ako. Hinigit niya ako at dinala sa room. Hindi ko pa siya kilala pero hindi ko maitatangging feeling close siya. Nagmumukha tuloy plastic. Nakita ko ang pagtataka ng ibang mga nasa room nang makapasok kami.


"Hoy, Kath! Sino na naman 'yang hinihigit mo?! Napaka plastic mo!" A girl shouted. Nang lingunin ko siya, mukha naman siyang mabait at ka close nitong humigit sa 'kin.


"Manahimik ka, Faith!" Nakita ko ang pagkaasar ni Faith pero parang wala lang 'yun kay Kath. "Halika, doon ka umupo sa may likod." Kumuha siya ng arm chair sa may likod at pinaupo ako.


" 12:45 na.  "


I looked at the door, only to see the guy earlier, entering. Dumiretso siya sa may tv at kinuha ang remote. May kinalikot siya doon at nag flash sa screen ang prayer.


"Guys! I welcome naman natin ang new classmate natin!" May pumunta sa harapang babae. Singkit, maputi, tama lang ang tanggkad.


"Welcome to our school." Paupo na sana ako matapos ang School Hym nang i greet at winelcome nila ako. It warmed my heart . Atleast, dito sa school na ito, welcome ako.

Skies in Between (High School Series #1)Where stories live. Discover now