chapter 19

2 0 0
                                    

"Ahhh!!! OMG, OMG!"

Napatakip ako sa tenga ko dahil sa lakas ng tili ni Faith.

"Since when?!" Gulat naman na tanong ni Kath.

"Sinagot mo na ba?" Tanong naman ni Shaira.

Papalit-palit ang tingin ko sa kanilang tatlo. Nakapalibot sila sa akin at dire-diretso aking tinanong. Alam na kasi nila na nililigawan ako ni Josh dahil nagpatulong pala sa kanila sa Josh do'n sa marriage booth at nadulas si Josh kaya heto at ako ang inaatake nila ng tanonf dahil hindi manlang sumagot si Josh!

"More than two weeks na niya akong nililigawan at," tumingin ako sa kanila. " hindi ko pa siya sinasagot."

Sabay pa silang napahinga ng maluwag sa sagot ko at ngumiti sa akin.

"Pahirapan mo!" Biglang sabi ni Faith habang nakangisi.

"'Wag mo nalang sagutin." Sabi naman ni Kath.

"Ang epal niyo. Sin, pa'no ba manligaw si Pres.?" Napaisip ako sa tanong ni Shaira.

Paano nga ba?

"Hmm..., maayos naman. Caring naman siya at family oriented kaya okay na ako do'n." Tanging naisagot ko nalang.

Tumango-tango naman sila sa sagot ko.

"Edi sasagutin mo na siya niyan?" Mas nagulat ako sa tanong bigla ni Kath.

Umiling kaagad ako ng ilang beses habang may pa wagayway pa sa kanay niyan. "Hindi naman sa gano'n. I'm taking my time. Hindi naman niya ako minamadali." Diretsang sabi ko..

"Bale, ako nalang ang walang jowa or ka M.U. dito? Nakakahiya." Sabi ni Kath kaya sabay sabay kaming napatingin ulit sa kan'ya.

"What do you mean?" Kunot noong tanong ko.

"Wala. Si Faith, may kalandian. Si Shaira, may jowa pa yata. Tapos ikaw, nililigawan. Paano na ako?!"

Sabay kaming natawa nila Faith kay Kath.

"Kawawa ka naman," mapang asar na sabi ni Faith habang tumatawa.

"Mabubuhay ka parin naman kahit walang jowa. Pero mas masaya kung meron, kaso wala ka nun." Asar naman ni Shaira kaya mas lalong naasar si Kath.

Ilang minuto pa kaming gano'n nang marinig namin ang bell galing sa main campus. Napatingin ako sa relo ko at nagtaka dahil alas kwatro palang naman ngayon at alas sais pa ang uwian dahil may pa fireworks pa raw.

"May emergency ba?" Sabay naming tanong ni Shaira.

Umiling si Faith habang may kinukuha sa bag niya. Mga light sticks. Apat lahat at binigyan niya kami tig iisa.

"Aanhin namin 'to?" Takhang tanobg ni Kath sa kanya habang sinisipat sipat ang stick.

"Bago mag alas singko, kailangan naka gather na tayo sa ground dahil sabay sabay nating paiilawin ang mga light sticks na iyan." Paliwanag ni Faith. "Tara na." Nauna siyang lumabas ng room kaya sumunod kami.

Four thirty palang pero halos mapuno na ang buong ground dahil sa dami ng nga estudyante. Katulad namin, may mga hawak din silang light sticks para pailawin. Nasa gilid lang kami habang nakaupo sa steps. Nandito na rin pala ang iba pa naming mga kaklase at may light sticks din sila. Nakita ko ang boys sa may banda rin sa 'min pero hindi ko nakita si Josh. Hindi naman sa hinahanap ko, pero..., hinahanap ko talaga.

Four fifty-five na at nagsisimula nang dumilim ang paligid dahil lumubog na ang araw. Nasa stage na rin ang M.C. umalis na rin si Faith dahil sila ang magme-maintain ng kaayusan para sa event.

Skies in Between (High School Series #1)Where stories live. Discover now