chapter 8

11 0 0
                                    

Last subject namin si Madam Catong kaya pagkatapos niya, uwian na namin. Thursday ngayon kaya kami ang nakatoka na maglinis sa room. Nasa labas naman na ng room sina Kath at Faith habang hinihintay ako dahil sabay raw kaming uuwi. Hindi ko pa nasasabi sa kanilang sasabay si Josh kaya kinakabahan ako.

Group four rin si Josh pero wala siya dito para maglinis. Ewan kung saan pumunta. Tinawag kasi siya ni Miss kanina dahil ipapatapon raw ang basura pero hindi ma bumalik. Baka may iba pang inutos.

In-arrange ko nalang ang mga upuan dahil ginagamit ng iba pa naming mga ka grupo ang mga walis. Nang matapos, kinuha ko na rin ang mga gamit ko at lumabas.

"Saan ka pupunta?" Bungad na tanong ni Josh nang makasalubong ko sa may pintuan. Mukhang tumakbo siya dahil hinahabol pa niya ang hininga niya.

" Uuwi? " patanong na sagot ko.

Tumango naman siya at dumaan na sa may gilid ko. Lumabas nalang din ako ng room at hinagilap sina Kath at Faith pero wala sila. Wala na rin ang mga gamit nila kaya nagtaka ako.

"Tara na." Napaangat ako ng tingin kay Josh. Suot na niya ang backpack niya at dala na ang plastic envelope, handa nang umuwi.

"Nasa'n si Yshmael? Hindi ba siya sasabay? Hintayin natin." Sunod-sunod kong tanong.

Umiling naman siya at umupo sa may gutter. Nakatitig siya sa akin kaya medyo nailang ako. Bakit ba siya nakatingin? Nakaka conscious tuloy. Baka kasi may dumi ako sa mukha.

Iniwas ko ang tingin ko at tinanaw ang school ground. May mga estudyante nang pauwi na may kan'ya kan'yang mga kasama. Hindi kami mag imikan ng ilang minuto. Nakatitig parin siya sa akin at parang sinasaulo ang mukha ko at ang bawat expression ng mukha ko.

Ilang minuto pa, naramdaman kong tumayo siya at pumunta sa harapan ko. Mas matangkad siya sa akin kaya dibdib niya ang kaharap ko dahil nakayuko ako.

Mahina siyang tumawa kaya napaangat ang tingin ko sa kan'ya. Anong iniisip niya? Nakaka curious! Baka pinagtatawanan niya ako dahil pandak ako at kaya siya tumayo sa harap ko ay para sukatin kung hanggang saan ako sa kan'ya!

Oo, tama! Napaka judgemental naman niya kung gano'n! Mas matangkad lang naman siya, 'no. At sakto lang naman ang height ko para sa edad ko. Hmpt!

"Anong iniisip mo?" Biglang tanong niya.

Umiling lang ako at kinuha na ang bag ko para umalis. Sumunod naman kaagad siya sa akin at sumabay sa paglalakad ko. Tahimik na ang ibang mga room at mas nakakabingi pa amg katahimikan nitong kasama ko.

Hanggang sa makalabas ng school at nasa may likuan na, tahimik parin siya.

"Hindi mo ba dinala ang motor mo?" Tanong ko nang hindi siya nililingon.

Umiling naman siya. "Bakit, gusto mong umangkas ulit?"

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kan'ya! "Napaka feeling mo!" Sabi ko na ikinatawa ng loko.

Ginulo niya naman ang buhok ko at hindi na nagsalita pero dinig ko parin ang mahihinang tawa niya.

"Inuwi ko pagkagaling sa bahay niyo kanina."

" Bakit? " I curiously asked.

"Para makasama kitang maglakad."

I bit my lower lip, trying to stop myself to smile.

"Uy, 'wag kang kiligin jan." Dagdag niya kaya masama ko siyang tiningnan.

Inirapan ko nalang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Epal, panira ng moment. Tsaka hindi naman ako kinikilig, ah! Napaka assuming!

Skies in Between (High School Series #1)Where stories live. Discover now