chapter 14

4 0 0
                                    


A/N:

NOT EDITED! Expect typographical grammatical errors and so on.

Announcement!

Weekly update nalang po tayo. Next week, pasukan na kasi at you know, masipag tayo. Charot! Magiging busy lang po dahil sa sched. Susubukan ko namang mag update ng mga 2-3 chapters every week or kapag pagod talaga, maybe 1 chapter lang, peace. Mwaps!

IMissYou kittens! *sending hugs to everyone.

———

"Chika minute! Anong ganap n'yo sa weekend?" Ganadong tanong ni Kath sa aming lahat.

Huwebes na ngayon at walang teacher na pumasok sa last two subjects namin kaya heto kami at nasa sahig nakaupo. Si Kath, Faith, Shaira, Janna, Joerardine, Daimy, Cedric, Elhomer, at ako. Naka circle ang porma namin habang naka indian sit, nagilid naman na namin kanina ang mga upuan at nag-uusap-usap nalang kami tungkol sa gagawin namin sa weekend.

"Wala ba kayong mga practice sa music video ninyo?" Nakataas-kilay na tanong ni Faith habang tinitingnan kami isa-isa.

Magka-grupo naman kami kaya okay lang.

"Wala! May two weeks vacation naman tayo kaya 'yon nalang ang panahong gagamitin namin. " sabi naman ni Shaira kaya nagtaka ako.

"Two weeks vacation?" Takhang tanong ko. Hindi pa naman Halloween or Christmas break para sa two weeks vacation . Napakalayo pa no'n.

Pumalakpak si Cedric kaya napatingin ako sa kan'ya.

"Oo, meron! Para raw 'yon sa darating na SK election dito sa baranggay natin." Sabi pa niya sa 'kin kaya tumango-tango ako.

May gano'n pala? Bakasyon para sa election?

"Akala ko December pa ang SK election," nasabi ko nalang.

February na ngayon at sa susunod na linggo ay Valentine's day na.

"Late yata, hayaan niyo na. " Si Shaira ulit.

"'Wag n'yo na nga pag-usapan ang SK! Registered naman na tayong lahat, 'di ba?" Umikot ang tingin niya sa amin, "Ano na kako ang ganap niyo sa weekend?" Singit ni Kath.

" Bahay lang ako, " simpleng sagot ni Faith.

"May church activity kami." Tinuro ni Janna si Joerardine.

" Gagala yata kami ni Jenevieve. " sagot naman ni Shaira.

"May laro kami ng basketball." Si Cedric.

"Bahay," bored na sagot naman ni Elhomer.

" Oh, ikaw Kath? " tanong ni Joerardine kay Kath kaya lahat kami ay napatingin sa kan'ya.

"Si Sin muna, " tinuro niya ako kaya nalipat ang tingin nila sa akin.

Sasabihin ko na na may lakad kami ni Josh?  Pero baka mag-isip sila ng kahit ano kaya..,

"May,.." Lumunok ako bago nagsalita ulit. " M-may pupuntahan kami ng kuya ko, " nagpilit ako ng ngiti para kapani-paniwala.

Mukha naman silang naniwala sa kasinungalingan ko kaya napanatag ako kahit papaano.

"Pupunta kami'ng bahay ni lola." Sagot ni Kath sa tanong niya.

Matapos ang meeting-meeting namin na 'yon, may isang oras mahigit pa kami bago mag-uwian kaya napag-desisyunan namin na mag canteen nalang at bumili ng snacks. Binalik muna namin sa pwesto ang mga bangko namin bago lumabas.

Nasa tabi ko si Cedric. Nakasimangot pa at halatang napilitan lang na sumama dito sa'min dahil nahatak ni Janna at Kath.

"Bilhan n'yo nalang kasi ako!" May pa-padyak pa siya ng paa niya habang nagrereklamo.

Skies in Between (High School Series #1)Where stories live. Discover now