Chapter 25

4 0 0
                                    

CHAPTER 25

ERRORS AHEAD!
_________________________________

"You didn't tell me na Solon ang surname ng may ari ng lupa!" I hysterically said while walking back and forth inside my office.

Calvin looked so confused with my actions. I didn't tell him that Josh was my boyfriend and my ex! After that dinner, I instantly went off and drove away. Hindi ko napirmahan ang papeles dahil sinadya niyang iwan 'yon sa office niya. Is he playing games with me? Taking revenge for me leaving him like that before?

"What's wrong with him? Do you know him?" I stopped with his question.

Umiling kaagad ako at umupo sa swiveling chair ko at tumingin sa view sa labas.

"He was my colleague." I gulped.

"A friend that you hate back then?"

Do I hate him?

I closed my eyes and relaxed myself, not answering him.

"You can leave now." I stated and let myself sleep.

"It's been a while. How have you been?"

His deep voice froze me. I picked myself and straightened my body.

"I-I'm good. How about you?" I tried to act casually. My eyes can't stand to stare at him so I looked at my hands playing with the wine glass' handle.

"We are okay." I could hear his bitterness by the way he speak. Alam ko naman na ang 'we' na tinutukoy niya ay ang mga kaibigan ko noon.

Sa kawalan nang masabi, tumango nalang ako ako sakto naman na dumating ang pagkain.

"Miss,"

Naalimpungatan ako nang gisingin ako ng secretary ko. I looked at my watch and it was already six in the evening. Nagpaalam siya na aalis na kaya tumango nalang ako at nagsabing mag ingat dahil gabi na.

Mas lalong tumahimik nang maiwan ako mag isa sa office. I was planning on having a fine dinner by myself pero hindi na ako nag aksaya ng oras dahil matatagalan lang ako magpa reserve.

Niligpit ko na ang mga gamit ko at nag drive lang hanggang sa makakita ako ng isang maliit na karinderya. Maraming tao ang kumakain at nakakatakam ang mga tindang pagkain kaya bumaba ako at nagpasiyang doon nalang kumain. I found an empty seat near the window and sat there. May lumapit sa akin na babaeng naka apron and to my shock, it was my classmate while I was still in college, Coleen.

"Alexine?" Shock was visible on her face. Inayos pa niya ang sarili bago tumayo ng maayos. "A-ang ganda mo na! Halatang mayaman kana ah."

I smiled at her but before I can utter a word, a little girl approached her qnd called her 'Mama'.

"Ah, Sin. Anak ko nga pala, si Celine."

"She's so cute. Ilang taon na siya?"

"Four years old palang. Napakakulit nga, eh." She laughed and brushed the girl's hair with her fingers. "Ano nga pala ang order mo?"

I looked at the mini paper she gave me and ordered some rice and caldereta. Soft drinks nalang din ang panulak ko dahil namiss ko rin 'yon. Umalis na sila at sinabi naman niyang hintayin ko nalang daw ang pagkain. The little girl waved goodbye so I did the same.

Mas lalong dumami ang mga taong kumakain ng around seven P.M. na kaya nagbayad na ako bago umalis. I also gave Coleen a little tip para sa kanila ng anak niya. She's too young to be a mom.

Umuwi na rin ako sa condo pagkatapos at naligo para makapagpahinga. Nag check din muna ako ng emails sa phone at laptop ko para in case may nakalimutan ako, pwede ko pang magawa dahil medyo maaga pa naman at hindi pa ako inaantok dahil nakatulog ako sa office kanina.

Tinapos ko lang ang report na kailangan para bukas bago umupo sa sofa sa sala dahil plano kong manood mmg movie pampalipas ng oras. Bago ko pa man ma on ang TV ay may nag message sa phone ko kaya chineck ko muna.

It was from an unknown number.

'The papers.'

It was as simple as that.

Nagreply ako ng question mark pero ilang minuto pa ang lumipas ay walang response kaya nanood nalang ako ng movie at natulog.

Eight A.M. na ako nagising pero feeling ko ayoko pumasok. Nakatulala lang ako sa kisame ng kwarto ko na para bang may hinahanap ang mga mata ko. Bumangon na ako makalipas ang kalahatong oras at dahil tamad nga ako, itetext ko nalang ang secretary ko na hindi ako makakapasok. Wala naman siguro akong important meeting dahil natapos ko na yon kahapon at ang iba ay sa mga susunod na araw at linggo pa.

Uminom muna ako ng tubig at naghilamos. Dead batt pala ako kaya nag charge muna ako at nagluto ng almusal. 3 in 1 coffee, bacon, eggs, some toasted bread. Ayoko sa brewed coffee kaya kapag nag g-grocery ako ay dapat yung mga kape na naka sachet lang para pwede kong madala sa office.

Past 9 A.M. na nang matapos ako dahil pinagsabay ko pa ang pagchecheck at pagsagot ng emails sa laptop ko. I don't have much friends. Maybe Calvin, but I'm not that comfortable with him that I share with him every details of whatsgoing on with my life.

Nakipag FaceTime nalang ako sa secretary ko dahil sa kwarto pa naka charge ang cellphone ko. Wala naman daw akong pending meetings except sa isa. 'Yong may ari ng lupa, si Josh. Kung may choice lang talaga ako, eh! Kung hindi ko lang talaga gustong magkabahay ay hindi ko bibilhin 'yon. Maganda kasi ang lugar at hindi hasle. Malayo sa city at payapa.

Bukas pa naman naka schedule 'yon kaya sinabi ko nalang sa kaniya na hindi ako makakapasok dahil pagod ako at tumawag nalang kako siya kung may problema sa opisina.

'You're not going? Are you sick?'

I was in the middle of watching a TV show when my phone beeped. Galing na naman 'yon sa unknown number na nag text kagabi. I know the situation is getting creepier kaya tinawagan ko na ang number. It took me 5 times for him to answer the damn phone.

"Hello?"

My whole system froze as I heard that voice. It was Josh!

"Josh?!" Napalakas ang pagkakasabi ko no'n kaya narinig ko pa siyang napa aray.

"Yeah, why? I was sleeping when you called then you'll just shout on my ear?"

Wtf.

Skies in Between (High School Series #1)Where stories live. Discover now