Errors Ahead.
____________
"Ganda ng boses ni Pres.," Siniko pa ako ni Kath na parang nang-aasar.
May alam ka, sis?
Naguguluhan tuloy ako kung may alam ba siyang 'nililigawan' ako ni Josh o wala. Baka nahalata lang niya sa kilos ni Josh or baka sa kilos ko.
'Pagkatapos nilang kantahin ang Steal My Girl ng One Direction, umalis na rin ako nang hindi nagpapaalam kina Kath pero nakasunod pala sila sa 'kin dahil sobrang ingay daw at hindi naman nila makita ang kumakanta maliban sa narinig at pamilyar daw sa kanila ang boses ni Josh. Well, magkaklase na sila mula pa first year kaya hindi na ako nagtaka.
Medyo nagulat pa ako nang siya ang nakita kong kumanta dahil no'n ko lang din narinig ang boses niya habang kumakanta. Banda pa 'yon, sis!
"Sumasali pala siya sa mga banda," mahinang sabi ko pero narinig naman nila.
Naglalakad kami ngayon papuntang cinema para manood ng movie at puntahan na rin si Shaira.
"Oo. 'Di halata noh?" Si Faith .
Nag nod lang ako at hindi ma umimik. Nag-uusap sila about sa birthday ni Kath na next month na pala. Same month pala kami.March 1 siya at March 20 naman ako.
Ang daming tao sa cinema area! Nasa labas ang ilang mga SSG officers, namimigay at nagbebenta ng ticket para sa gustong manood. Nasa romance films pala sila Shaira kaya dumiretso pa kami sa dulo para lang mapuntahan sila.
"Nasa'n na ba sila?" Masungit na tanong ni Faith habang nagtitipa sa phone.
Biglang bumukas amg pinto ng romance cinema at may lumabas do'n na lalaki. Matangkad, moreno, at...gwapo! Diretso siyang nakatingin kay Kath pero umiwas lang ang isa. Hmm...may gamap!
Nilagpasan kami no'ng lalaki kaya medyo nakahinga ng maluwag si Kath. Sino kaya 'yon?
"Ang init!" Bumukas ulit ang pinto ng romance cinema at sa wakas, lumabas na si Shaira. Pinapaypayan niya pa ang sarili niya dahil sa init. Pawis na rin siya.
"Ang tagal mo!" Puna sa kan'ya ni Faith pero bumelat lang si Shaira.
" Nasa'n si Jenevieve? " takhang tanong ko, sinisilip pa yung likod niya.
"Nauna na kanina pa. Nga pala, Kath, nakita ko si Kivo eh. Nakasalubong niyo?" Tanong ni Shaira kay Kath.
" Sino si Kivo? " hindi ko napagilang magtanong.
Lahat sila natahimik while Kath is glaring at Shaira.
"Wala! Tara na nga!" Natatawang sabi ni Faith habang hinihila ako paalis.
Tumingin ako sa likod ko at parang nirarambol na si Shaira ni Kath kahit naglalakad.
"M-may nasabi ba si Shaira?" I curiously asked Faith .
"Pft. Bitter lang si Kath. Hayaan mo na. Bonding na rin nila 'yan."
I shrugged and continued walking. Pagbaba namin, nakasalubong namin ang ilan sa mga SSG officers kaya nahatak si Faith at sinama nila dahil kanina pa 'raw siya hinahanap. Nag-ayang mag CR si Shaira kaya sinamahan na ni Kath dahil gusto rin pumunta ng canteen. Dumiretso nalang ako sa room dahil mainit maglakad-lakad dahil alas tres palang ng hapon.
Walang tao sa room nang makapasok ako. Siguro ay nasa mga booths sila or nag-iikot-ikot sa mga stalls ng school. Open gate kasi ngayon at may mga taga ibang schools na rin ang pumapasok. Syempre, may bayad sa papasok na outsider. Na'ndo'n yata si Faith at baka nandoon na rin si Kath dahil sabi niya susunod siya kay Faith.
YOU ARE READING
Skies in Between (High School Series #1)
Teen FictionShe is his FIRST LOVE. He is her RESTING PLACE. But, what if his first love disappeared? What if she will forget her resting place? Will they meet again? Or love will separate them?