chapter 17

1 0 0
                                    

Short update but surely worth it!

———

"HAPPY VALENTINE'S DAY!" Sigaw ng MC sa stage.

Valentine's day na at kagaya ng sabi ni Faith kahaon, may program nga. Mamaya pang alas dos open ng mga booths kaya na'ndito kami sa quadrangle para makinig sa mga sinasabi ng MC rito.

"Boring naman. Sana si Niña ang nag MC or si ate Sandra kaso wala na siya rito." Bored na sabi ni Shaira habang sumusubo ng chitchirya.

"Sa true. Solid 'yon si Ate Sandra." Si Faith.

"Tara na nga sa room." Aya naman ni Kath. Pansin kong wala siya sa mood at bugnot ang mukha kaya sumunod nalang kami sa kan'ya nang umalis na siya.

"Nako, may bitter." Parinig ni Faith habang nagalakad kami.

"Walang jowa." Si Shaira.

Mahina nalang akong natawa. Nasanay na yata ako sa mga asaran at pikunan nila kaya hindi na ako nagtaka.

Kath's mouth has no filter. She would say any words that can insult or may hurt you, A LOT! Pero minsan, she knows how to control. Siya rin ang pinakapalaaway sa magkakaibigan.

Si Faith ang may angelic personality pero katulad lang din ni Kath na vulgar pero hindi matindi. She's smart and always active at school.

Si Shaira ang pinakamaliit. Literal na maliit. Kapag magkakatabi kaming lahat, mapapansin mo talaga siya. Siya ang neutral. She's very cute and adorable.

Ako, wala. Tao lang, humihinga.

'Pagdating sa room, halos wala nang tao. Mostly kasi sa mga kaklase namin ay naglilibot dahil walang klase. Malapit naman na mag alas dos kaya inaabangan na nila ang mga booths na mag-o-open.

"Pahuli kaya tayo sa jail booth?" Masiglang suggestion ni Shaira na ikinangiwi namin.

"Gaga! Amoy kamatayan ang jail booth. Naghahalo-halo do'n 'yong mga amoy, teh. Ayoko!" Reklamo ni Faith habang pinupunasan ang bibig. Nasamid kasi siya.

"Siya nalang ipadakip mo. SSG ka naman." Bored na sabi ni Kath habang nakadukduk sa arm chair niya.

Napasimangot nalang si Shaira dahil hindi naman niya mapipilit ang dalawa.

"Ikaw, Sin, ayaw mo?" Tanong niya sa akin na inilingan ko kaagad.

"Mainit."

Wala na kaming magawa kaya kan'ya kan'ya na kami ng pagpapaaiw sa mga sarili namin habang pinapalipas amg oras. Nagtataka nga ako dahil nandito si Faith. Busy ngayon ang mga SSG officers dahil may program pero siya, kasama namin at naglilibot lang kanina kung saan-saan.

"Wala lang ginagawa sa SSG, Faith?" Tanong ko.

Nagkibit balikat lang siya at tumingin na ulit sa cellphone. "Meron naman. Tinatamad lang talaga ako. Tsaka, representative lang naman ako." She answered in a bored tone.

Napatango nalang ako. Cool.

Nag bell na, hudyat na open na ang mga booths. Lumabas na rin kami ng room at dumiretso sa room sa gilid ng office, sa area ng music booth. Magpapade-decate raw sila at magpaparequest ng kanta.

"Ako na magbabayad." Inabot ko ang bayad habang nagsusulat sila ng kanta sa maliit na papel na binigay ng handler ng booth.

Kinuha ko muna ang sukli ko bago sila binalikan sa may lamesa. 2 pesos lang naman ang bayad sa isang kanta at kapag tatlong kanta ang ipapa-play mo, limang piso lang ang bayad.

"Angas ng design. Feel na feel ko ang music. " sabi ni Kath at tumawa.

She's right. Ang ganda talaga ng design dito. May mga symbols ng music ara sa decorations at para ka ring nasa concert dahil may pa mini stage sila para sa banda.

"Sino vocal?" Tanong ni Faith kay Kath.

"Ewan ko. Pero nabalitaan ko, ka level daw natin."

Tumango nalang si Faith at kumain ng popcorn. Madilim din at tanging mga disco lights lang ang nagbibigay liwanag sa buong room. Konti lang naman ang mga estudyante rito.

"Mic test."

Napalingon kami sa mini stage nang mau magsalita. Nandoon na pala ang mini band na tutugtug. Hindi ko sila masyadong kilala pero mas ahead sila sa amin, 'yon ang rinig ko kay Kath na—syempre, parang politiko da dami ng kakilala.

"Gagi si Ian yata 'yon. " rinig kong sabi ni Faith.

"Kilala niyo?" Tanong ko.

Tumango naman sila. "Oo, fourth year 'yan, eh. Pogi." Si Kath.

"Ang tagal ni Shaira, baka hindi na siya makapasok." Nilingon ni Faith ang entrance ng room. May mga bantay na ro'n na mga officers ng YES-O. ( youth environmental science- organization)

"Kasama niya si Jenevieve. Hindi na raw siya makakasama, nasa cinema sila." Si Kath habang nagtitipa sa phone.

Napatango nalang kami at hinintay nang magsimula silang kumanta.

She'd been my queen since we were sixteen,

We want the same things,

We dream the dreams, alright...

Alright.

Napatitig ako sa kumakanta sa stage. Nasa may likuran kaming bahagi kaya napatayo pa kami para lang masilip ang kumakanta. Ang ganda ng boses.

"Full package kana talaga!"

"Ang galing mo!"

" Forda singerist ang ferson! "

Ilan sa mga sigawan ng mga estudyanteng kababaihan.

"Ano ba! Respesto! Nanonood din kami!" Pasigaw na reklamo ni Kath pero hindi siya napansin kaya patingala-tingala ang kami.

"Hindi ko makita." Bulong ko.

I got it all 'cause she is the one,

Her mom calls me love,

Her dad calls me son, alright...

Alright.

Sumiksik pa ako hanggang sa makarating ako sa unahan, malapit sa banda. Nagulo pa ang buhok kong magulo na nga kaya inayos ko pa dahil nakakain ko na.

I know.., I know.., I know.., For sure..,

Everybody wanna steal my girl..

Everybody wanna take her heart away.

Couple billion in a whole wide world,

Inangat ko ang ulo lo para makita na ang kumakanta no'n at gano'n nalang ang gulat ko nang makumpirma na sa kan'ya nga ang pamilyar na boses na iyon.

Find another one 'cause she belongs to me.

Kinanta niya 'yon nang magtama ang paningin namin. Para bang sinasabi niya 'yon sa lahat ng tao habang nakatitig sa mga mata ko—habang nakatitig kami sa isa't-isa.

Mine..

He mouthed while smiling at me directly.

Para akong nabingi. Parang wala akong marinig maliban sa lakas ng kabog ng puso ko habang nakatitig sa mga ngiti niya na ngayon ko lang nasilayan sa buong araw na ito.

Am I...., Falling for Mr. President?

Skies in Between (High School Series #1)Where stories live. Discover now