Chapter 9: Cracked Head and Jokes

13.1K 579 242
                                    

Khey's POV

The race started. Mabilis ang patakbo ko, kasalukuyan akong nauuna ngayon kaysa kay Miss Harm so I'm confident to win this game. I looked back, nakasunod lang siya sa 'kin kaya gumigitna ako para hindi niya ako malagpasan.

I smirked and drove faster. Wala akong suot na helmet dahil abala lang 'yon kaya madali kong malingon si Miss Harm sa likuran. Huling lingon ko ay biglang humarurot ang big bike niya at naungusan ako nang ganon kabilis. Fuck.

Mas binilisan ko pa ang pagpihit sa manibela pero may biglang dumaang aso causing me to avoid hitting it. Tangina. Lumiko ako sa ibang direksyon para iwasan 'yon pero dahil sa bilis ng patakbo ko ay nawalan ako ng kontrol. Tangina, tangina. Nagpreno ako but it's too late, bumangga ako sa isang bakod and I lost consciousness.

...

I groaned when I felt the pain all over my body. Fuck. Naaksidente ako. I opened my eyes only to see Sky's face na sobrang lapit sa mukha.

"Uy gago–ouch! Fuck!" Napasigaw ako sa sakit dahil parang hinahampas ang tagiliran ko nang akma kong itutulak si Sky palayo. Tangina, bakit kasi ang lapit ng mukha niya.

"You lost teeth." She said as if she can read my mind. Nasagot naman ang tanong ko kung bakit malapit ang mukha niya but what did she say? I lost teeth?!

Kinapa ko agad ang ngipin ko kahit masakit na itaas ko ang kamay ko ay pinilit ko. My eyes widen when I felt that I really lost some teeth. Tangina, sa taas mismo, sa harapan. Kinapa ko kung ilang ngipin ang nawawala sa 'kin. Isa, dalawa, tatlo.. tatlong ngipin.

"Tangina ka. Karera pa ha." Natatawang usal ni Sky nang makita niya ang reaskyon ko.

Tangina, tangina. Nabungi ako, hayop. Pa'no nalang ang killer smile ko? Pa'no na ako ngingiti sa harap ni Miss Harm? Oo nga pala, where is she?

"Nasa'n si Miss Harm?" Tanong ko kay Sky. Sumisingaw ang letter s sa pagbigkas ko, nakakainis. Kailangan ko pa ipaayos 'to.

"Papunta na raw." Sky answered. The door opened, akala ko si Miss Harm na, 'yon pala ay si Caleb lang na may bitbit na mga prutas at makakain.

"Alam na na ni papa?" Tanong ko ulit kay Sky.

"Hindi pa pero pinuntahan na s'ya ni Jordan at Vera." Sagot niya.

"How are you? Anong masakit?" Bungad na tanong naman ni Caleb matapos ibaba ang mga dala niya. Naupo siya sa isang silya na malapit sa hospital bed.

"Masakit tagiliran ko and I lost teeth. Medyo masakit din ulo ko." May benda rin ang ulo ko at ramdam ko ang kirot mula doon. Nauntog yata ako. Buti hindi ako nagka-amnesia, sayang naman kung makalimutan ko si Miss Harm.

"Should we call a doctor to see her?" Caleb asked Sky. Kibit balikat naman ang sagot ng isa.

"'Wag muna." Pigil ko kay Caleb. "Sky, 'di ba you told me papunta na si Miss Harm? Pag pumasok siya labas muna kayo. Sabihin n'yo malala kalagayan ko, nacoma ako ganon."

"Baliw ka. Paanong maniniwalang macoma ka ni wala ka ngang oxygen." Sky said then rolled her eyes. Oo nga. Tanginang benda lang sa ulo, benda sa taas ng tyan at mga sugat ang mayroon ako.

"Just stop your games, Khey." Caleb warned me with his authoritative voice but as the usual hardheaded me, hindi ako makikinig sa kanya.

"Sabihin niyo nalang 'di pa ako nagigising." Pakiusap ko ulit. I just want to hear her thoughts, kung may sasabihin man siya habang akala niyang tulog ako.

As if on cue, someone knocked on the door.

"This is Miss Harm. Can I go inside?" Siya nga. Tumingin pa muna sa 'kin si Caleb bago lakarin ang daan patungong pinto.

 𝐓𝐡𝐞 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐢𝐧'𝐬 𝐇𝐞𝐫𝐨 [Herero Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon