Chapter 17: Cruel

12.8K 536 170
                                    

⚠️TW: Sexual Assault⚠️

Khey's POV

Parang ayokong pumasok. I don't have the energy to get up and attend school. Tamad na tamad ako. I just want to lay in bed all day.

"What's the reason of attending school kung walang magandang professor?!" I exclaimed to myself. Nababaliw na ako. Ganito pala epekto kapag may nagustuhan ka tapos hindi mo manlang nagawang magconfess. "Aaah!"

Tinatamad man ay napilitan parin akong pumasok. Masyado na akong maraming absent. Before going outside the house, dumaan muna ako sa mini altar kung saan nakalagay ang ashes ni papa.

"Miss you, pa. Gagraduate ako para sa'yo." I said then went out. He's one of the reasons why I keep going. If I ever achieve my dreams, I'm sure magiging proud si papa, sila ni mama.

Bukod sa misteryo kung anong balak ng mga babaeng gusto akong kausapin ng manager daw nila, isa pang ipinagtataka ko ang madalas na pag-alis ng mag-iina. I'm curious kung anong pinagkakaabalahan nila. Malalaman ko rin 'yan at kung may ginagawa man silang anumalya, 'di ako magdadalawang isip na isumbong sila. I only respect them because I respect my father.

Pagpasok ko sa classroom ay tahimik na klase ang nadatnan ko. Late na ako pero walang teacher sa loob. Dahil umalis na nga si Miss Harm. Hihintayin nalang namin kung sino ang papalit sa kanya. Hindi manlang nagpaalam si Miss Harm sa block namin, but atleast nagsabi siya sa'kin. I'll chat her later to know if she arrived safe to her destination.

Pero natapos na rin ang first period ay wala paring professor na dumating na ipinagkibit balikat ko nalang. Mas mabuti na rin 'yon para walang gagawin.

The whole time, hindi rin ako kinikibo ni Sky. I tried to talk to her pero hindi niya ako pinapansin kaya hinayaan ko nalang. Hindi siya gold para pilitin kong kausap niya ako.

Mabilis na lumipas ang oras, hindi ko namalayan ay lunch break na pala.

"Usap tayo, Khey." Ngayon lang nagsalita si Sky mula kanina. I immediately turned to her.

"About what?" Masungit na tanong ko. Kanina ayaw niya akong kausapin tapos ngayon bigla s'yang ganyan.

"Miss Harm." Maikling sagot niya. I look at her with serious expression.

Nagpunta kami sa likod ng building para makapag-usap nang maayos. Lunch break kasi at pakalat kalat ang mga students.

"What do you wanna talk about?" I asked coldly. She leaned her back against the wall of the school building.

"Anong mayro'n sainyo?" Seryosong tanong n'ya, matalim ang mga titig sa'kin.

"Miss Harm?" Tanong ko.

"Sino pa ba?" Sarkastikong tanong n'ya. "Do you like her? Ano s'ya, flavor of the month mo?" She even smirked with her filthy question.

"Ano naman sa'yo? Kailan ka pa nagkaro'n ng pake?" Sarkastikong tanong ko rin. Why is she even acting like that. Alam kong gusto n'ya si Miss Harm pero she doesn't have the right to meddle with my business.

She walked palapit sa'kin. Naglebel ang matatalim na tingin namin.

"Minsan lang ako magseryoso sa babae, Khey. Stop your nonsense with her." Madiing wika niya. I clenched my jaw.

"'Di ba, nireject ka na? Tangina, ba't 'di mo pa tigilan?" Tumaas na ang boses ko. Naiinis na ako, konti nalang ay sasabog na ako sa inaasta niya. Sino ba s'ya para pigilan ako?

"Ikaw, bakit ayaw mong tigilan? Kasi 'di mo pa natitikman?" Singhal niya habang may suot na nakakalokong ngisi. Tangina.

I grabbed the collar of her shirt and blow her face with a punch. Buong lakas ang suntok ko kaya napaatras s'ya at muntik mawalan ng balanse. Mabilis din ang naging bawi niya, susuntukin n'ya sana ako pero nakailag ako at saka sinuntok ulit siya sa tiyan.

 𝐓𝐡𝐞 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐢𝐧'𝐬 𝐇𝐞𝐫𝐨 [Herero Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon