Chapter 23: Contented

15.9K 554 212
                                    

Khey's POV

"Let's just go to my cabin?" Tanong ko sa kanya. Nakasakay kami sa kotse ko, nasa likod ang maleta n'ya. Pwede ko na s'yang ibahay.

"Hm-kay," she answered, nodding her head while hugging herself. Ako rin, nilalamig na.

"Magpalit ka muna kaya ng damit? Nand'yan naman ang maleta mo." I suggest. Ang tindi na kasi ng yakap n'ya sa sarili, halatang lamig na lamig na. Umiling lang s'ya kaya hindi ko na pinilit.

Binilisan ko nalang magmaneho. Sa tuwing titingin ako sa kanya ay mapapalingon s'ya kaya sabay rin kaming napapangiti. Binabalik ko nalang ang tingin ko sa daan while biting my lip.

Pagkarating sa Cabin ay nagbihis muna kami. Pinauna ko na si Miss Harm dahil iisa lang ang cr dito. Pagkalabas n'ya ay pinanupunasan n'ya ang buhok n'ya sa bagong towel na pinahiram ko. She's wearing an oversized shirt.

"Wala kang shorts?" Takang tanong ko. I'm keeping my eyes on her face.

She stopped from drying her hair. "I'm wearing short shorts, can't find my pj's e. You're uncomfy ba?" Concerned na tanong n'ya.

Umiling naman ako. "Hindi naman.. maligo na ako." Paalam ko dala-dala ang towel at mga damit ko. Tumango lang s'ya.

Pagpasok ko sa cr ay napasandal nalang ako sa pinto. Shet. Bakit ngayon pa kami nagkakahiyaan? O ako lang itong nahihiya sa kanya? She seems okay with it naman. Normal lang ba 'yong ganito? 

Binilisan ko nalang ding maligo. Kumakalam na ang sikmura ko dahil hindi ako nakapagdinner. Tangina, wala nga pala akong stocks. Ang bobo, bakit ba ako nag alok na dito nalang kami magstay.

Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko s'yang ginagamit ang phone n'ya. Pumunta muna ako sa kusina para maghanap ng pwede naming makain.

Noodles, noodles lang ang mayro'n ako. Hays. Mukhang kailangan ko na talaga bumili ng healthy foods para may makain s'ya.

"You'll cook?" Medyo nagulat ako sa bigla n'yang pagsulpot. Humarap ako sa kanya.

"Noodles lang, kumakain ka ba nito?" Nahihiyang tanong ko. A sweet smile formed her lips.

"Yup," nakangiting tanong n'ya.

"Magpainit lang ako ng tubig. Gutom ka na ba?" Tanong ko habang nilalagyan ng tubig ang electric kettle. Instant noodles lang kasi 'yong kakainin namin.

"Not really, I had an early dinner." She answered sweetly. I faced her again. "Do you feel it too?" She suddenly asked.

Alam ko agad kung anong tinutukoy n'ya. Nagkakailangan kami. Hindi naman ako ganito sa exes ko, siguro dahil hindi ko naman sineryoso lahat. Iba talaga 'tong sa'min ni Miss Harm.

Naglakad ako palapit sa kanya. Magkatapat ang mga tingin namin. Nilagay ko ang takas na buhok sa gilid ng tenga n'ya. "Yeah.. pero makakapag-adjust pa naman tayo." Masuyong wika ko.

"I've never into any relationships.. if I'm doing something that upsets you, just let me know, 'kay?" She softly asked. Napangiti agad ako. I put my hand on her cheeks and caress it using my thumb.

"I bet wala ka namang magagawa na ikasasakit ko." Wika ko habang hinahaplos ang pisngi n'ya. "Bakit ka pala aalis? Was it because of me or you have something important to do abroad?"

"I was accepted to teach to this university.." mahinang wika n'ya. What the..

"Bakit hindi mo sinabi? Ang laking opportunity non." Nanghihinayang na wika ko.

"It's fine, I can still apply for another job here." Wika naman niya. This girl.. I can't believe her. Ang daming nasayang na opportunity at ticket dahil sa'kin. I promise to make her feel na worth it lahat ng 'yon.

 𝐓𝐡𝐞 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐢𝐧'𝐬 𝐇𝐞𝐫𝐨 [Herero Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon