Chapter 20: Duet

13.5K 567 158
                                    

Khey's POV

Itinungga ko ang laman ng bote ng beer pagkatapos ay pinunasan ko ang gilid ng labi ko gamit ang braso ko. I lit a cigarette.

"Ahh, this is my home!" I exclaimed matapos ibuga ang unang usok sa sigarilyo ko. Ngayon lang ulit ako nanigarilyo. Akala ko nga maitutuloy-tuloy ko na e. Bigla kong hinanap.

"Siguro nga tama s'ya, 'no?" Tanong ko sa bote ng beer na hawak ko. "Duwag talaga ako." Natawa pa ako matapos magsalita. Nilagok ko ulit ang natitirang laman ng beer. Sarap.

"Duwag talaga ako kasi hindi ko kaya ipursue 'yong babaeng gusto ko. Tangina kasi, sino ba naman ako? Kapag humalo ako sa buhay n'ya, para lang akong langaw na dumapo sa kalabaw." Masarap palang kausapin ang sarili. Atleast, hindi ako ijujudge ng sarili ko. 

"Sayang, pa, 'di manlang kita nakasamang mag-inom." Wika ko habang nakatingin sa kawalan. "Tapos sasabihin ko sa'yong may natitipuhan akong babae, baka bigyan mo pa ako ng tips kung pa'no manligaw." Natawa ulit ako sa sinabi ko. Kahit corny jokes ni papa, sabi n'ya dati habulin daw s'ya ng chix.

"Si mama rin, s'ya sana nagluto ng pulutan natin. Baka kasali pa s'ya sa usapan tas sasabihin n'ya kung anong mas gusto ng mga babae kapag nagpapaligaw." Napangiti ako habang iniimagine ang pigura naming tatlo na nagtatawanan. "Kaso wala e, madaya kayo, iniwan n'yo 'ko." 

Nagsimula nanamang mamuo ang luha sa mga mata ko. Kapag tungkol sa kanilang dalawa, ang lambot ng puso ko.

Nag-inom lang ako nang nag-inom, hoping to drown this stupid feelings. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na ako.

Fuck, ang sakit ng ulo ko. Parang may construction site sa loob ng ulo ko. I realized na nasa sala ako and my mess from last night was still here. Napangiti ako nang mapait.

Bakit ba ako umaasang paggising ko malinis na 'tong lugar ko tapos may isang babaeng lalapit sa'kin at sasabihing "you were so drunk last night"? E pinagtulakan ko na palayo.

Wala akong choice kundi ligpitin 'yong mga kalat ko. Pagkatapos non ay naisipan ko namang icheck ang cellphone ko. My notification was flood with Caleb's messages. May iilan din naman kay Vera at Jordan, pinakamarami lang talaga 'yong kay Caleb.

From Lebleb:

You didn't attend
your class?

Where are you?

Nag-aalala na
ako, Khey.

Saan ba kasi
'yang cabin mo?
Para mapuntahan
kita d'yan.

Reply ka agad if
you read this.

Ilan lang 'yan sa mga messages n'ya. Mostly ay kahapon pa 'yon dahil absent ako. I typed a reply.

Me:

Unfortunately, buhay
pa ako. See you on
monday.

Sunod kong tiningnan 'yong kay Jordan.

From Jordan:

Nasa'n ka ba?

Hoy, nag-aalala na
prince charming mo,
tsk.

Napailing nalang ako sa ilang message n'ya kaya nagreply nalang ako, gano'n din kay Vera. Kay Sky wala, nilalangaw na talaga conversation namin.

Ano bang pwede kong gawin ngayon? Saturday at walang pasok. Magpapabulok nalang ba ako rito sa loob ng cabin ko?

A fucking idea crossed my mind. Pupunta ako sa bahay namin to get some of my things. After the incident kasi, hindi na ulit ako umuwi ro'n. Kaunti lang din ang gamit ko rito sa cabin. I'll just sneak to my window. Nakadetain naman si Stanley so safe naman siguro.

 𝐓𝐡𝐞 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐢𝐧'𝐬 𝐇𝐞𝐫𝐨 [Herero Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon