Chapter 39: Confirmed

15.9K 546 129
                                    

Khey's POV

I woke up, my head is still aching, pumipitik na parang mabibiyak na, tapos pakiramdam ko ay nanghihina ang katawan ko. I opened my eyes. Unang bumungad sa'kin ang puting kisame. Saka ko nilibot ang tingin ko, halos puri puti tapos nasa isang side ang mga kaibigan namin. Alam ko na, nasa ospital ako.

Lumapit agad si Miss Avi sa'kin.

"Khey, how are you feeling?" Bungad na tanong n'ya sa'kin.

"Masakit lang po ang ulo ko, Miss Avi. Where is Harm? What happened?" Magkasunod na tanong ko. Nandito silang lahat pero wala si Harm.

"You lost consciousness. Harm is talking to the doctors, she'll be here soon." Sagot naman nito saka ako nginitian kaya ngumiti rin ako pabalik.

Nakakapanibago sila dahil ang tahimik nilang lahat. Parang mga nasa lamay e. Mamamatay na ba ako?

Tama nga si Miss Avi, biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Harm na medyo namumula pa ang mata at ilong. Napakunot agad ang noo ko. Akmang babangon ako nang binilisan n'ya ang paglakad at inalalayan ako.

"Harm, labas muna kami." Paalam ni Saji saka sila sabay-sabay na lumabas.

"Baby, what happened?" Tanong ko. Tinaas ko ang kanang kamay ko para damhin ang pisngi n'ya. Nagsimula muling mamuo ang luha sa mga mata n'ya. "May umaway ba sa'yo?" Masuyong tanong ko ulit.

She suddenly hugged me. "Meningiomas, Khey.. meningiomas.." bulong n'ya habang unti-unting humihikbi.

"I can't understand, baby. What's meningiomas and why are you crying?" Masuyong tanong ko. I slightly pushed her para makita ang mukha n'ya. I wiped her tears.

"I-it's a brain tumor, Khey.." tears rolls down her cheek. "You have a m-malignant brain tumor.." nagsunod-sunod ang pagtulo ng luha n'ya.

Sandali akong natutula sa wika n'ya. I have a brain tumor?

"Is it real?" Hindi parin makapaniwalang tanong ko. "Hush, baby, calm down.. we can still have a second opinion, right? The doctors might be mistaken it for something-I don't know, maybe it's just a normal headache. Stop crying.." I hushed her by pulling her closer again for a hug.

What the fuck? Brain tumor? May brain tumor ako? Meninfuckery, what the fuck was that? But I can't deny na habang tumatagal ay palala nang palala ang pagsakit ng ulo ko. To the point na gusto ko nalang iuntog sa pader para mamanhid.

"Uwi na tayo, please? I need to talk to our mommies about this.. we'll find a way.. we'll get through this, right? Right, Khey?" She asked for assurance. Hinigpitan ko lang ang yakap sa kanya.

"Opo, baby. Tahan na.." hinaplos ko ang likod n'ya. Kung totoo man, matatapos din ito. We already conquered so much. From those poisons up to this. Kaya namin 'to.

Mas maaga kaming umuwi dahil sa nangyari. We're supposed to leave the place at night pero maaga palang ay umuwi na kami.

Halos lahat ay tulog ulit sa byahe. It's seven hours and it's a good time to sleep because it's slightly raining.

"Baby, kanina ka pa tutok sa phone mo. Have a sleep muna." I patted my shoulder signaling her to lean but she just shake her head. "May important ka bang inaasikaso d'yan?"

"I'm doing my own research." She simply said saka tinuloy ang pagpindot sa cellphone n'ya.

"About?" Parang batang pangungulit ko. Hindi n'ya ako sinagot kaya sumilip nalang ako sa cellphone n'ya. Malignant melingiomas. 'Yon ang nasa search bar n'ya.

"It says here that melingiomas can be benign or malignant. The doctor says you have m-malignant which means it's cancerous.." pahina nang pahina ang boses n'ya. She left out a deep sigh before she continue to talk. "Although it can be removed by surgery, and treatment, it is still life threatening."

 𝐓𝐡𝐞 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐢𝐧'𝐬 𝐇𝐞𝐫𝐨 [Herero Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon