Chapter 16: Surreal

12.9K 584 264
                                    

Khey's POV

"Miss Harm.." masuyong tawag ko sa pangalan niya. Nakailang buntong hininga pa ako. Nakatingin lang siya sa'kin, seryoso ang mga mata niya. "Gusto k-" napatigil ako bigla. Tangina, sige na, Khey. This is your last chance. Nagpakawala pa ako ng isang buntong hininga bago ituloy ang sasabihin ko. "Gusto ko ng pasalubong kapag nagbakasyon ka rito sa Pilipinas." Tuloy-tuloy na wika ko.

Putangina naman, Khey.

Napaiwas pa ako ng tingin out of embarrassment. Fuck, Khey! Nakakainis naman! Gusto kong sapakin sarili ko ngayon. Nando'n na e, nasayang ko nanaman 'yong chance.

My forehead creased when I heard Miss Harm's chuckle that turned into a hearty laugh. Natulala nalang ako habang pinagmamasdan siya. She's gracefully laughing. Eyes are closed while her head is slightly turned up. Napalitan ng ngiti ang nakasimangot kong labi. Atleast I made her laugh, right?

I took my phone out of my pocket and capture the sweet moment. Nakailang picture pa ako, ang huli ay nakangitin siya sa camera while smiling. Ang ganda, sakto pa 'yong liwanag ng langit na kulay kahel.

"Hey, that's illegal!" She exclaimed at inagaw sa'kin ang cellphone ko.

"Ma'am, 'wag mong burahin!" Pigil ko naman agad sa kanya. Sayang kasi. Natural na natural pa naman 'yong tawa at ngiti niya do'n.

Umawang ang bibig ko nang nagsimula siyang kumuha ng selfies gamit ang cellphone ko. Ang dami, iba't ibang pose at anggulo. Bigla siyang lumapit sa'kin and took a photo of us pero mangha parin akong nakatingin sa kanya.

"Look at the camera, dali!" Excited na wika niya kaya sinunod ko nalang at ngumiti sa camera. Lumapit pa ako sa kanya para mas maganda ang maging kuha naming dalawa. Kahit mapuna yata storage ko ng puro picture namin, ayos lang.

Bago pa siya magsawa sa kakapicture ay lumapit ako nang sobra sa kanya and kissed her cheeks na sakto sa pagpicture niya.

"Miss Khey!" Sigaw niya sa gulat kaya akma n'ya akong kukurutin so I flinched. Hindi ko naramdamang dumako ang kamay nya sa balat ko. Biglang nawala ang ngiti sa labi niya.

"Sorry na, ma'am. For remembrance lang naman." Palusot ko pa habang dahan-dahang kinukuha sa kamay niya ang cellphone ko. Tinignan ko ang mga kuha namin. Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang ganda niya at ang ganda niya lalo kapag kasama ako.

"It's getting dark already.." she said while looking far.

"Gusto mo na bang umuwi, ma'am?" Tanong ko. Although labag sa loob ko pero hindi ko naman s'ya pwedeng piliting mag-stay. Halos dalawang oras lang itinagal namin dito.

"Can we spend the night here?" Mahina ang boses na tanong niya. Nagulat naman ako.

"You want to spend the night here, ma'am?" Gulat na tanong ko.

She nod her head. "Yup, kung ayos lang sa'yo but if not-" pinutol ko na s'ya sa sasabihin.

"Gusto ko, ma'am. I want to spend the night here, with you.." halos pabulong nalang ang huling dalawang salita.

Pareho nanaman kaming natahimik. Nagpapakiramdaman. Padilim na talaga ang paligid. Nagsisiuwian na rin ang mga taong kasama namin dito kanina. Kaming dalawa lang yata ang maiiwan.

"Khey," mahinhing pagtawag n'ya sa'kin. Automatiko naman akong napalingon na may halong gulat sa mukha. Did she just called me by my nickname.. "Thank you for this." She said and I felt how sincere it was. Diretso kasi ang tingin niya sa mga mata ko.

"Hindi, ma'am. Thank you for spending your day with me." I replied, also full with sincerity while looking at her intently.

"Harm," she said. Kumunot agad ang noo ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit niya sinasabi ang pangalan n'ya. "Call me Harm, just for today." Dugtong niya. Nag-iwas pa s'ya ng tingin, naaninag ko ang pamumula ng pisngi niya.

 𝐓𝐡𝐞 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐢𝐧'𝐬 𝐇𝐞𝐫𝐨 [Herero Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon