Chapter 38: Bangka (SPG)

19.6K 565 216
                                    

R18+ Read at your own risk.

Khey's POV

"You want to wear a bikini?" Harm asked while showing me a pair of bikini. Napangiwi agad ako.

"No way," maarteng saad ko.

"Anong panliligo mo?" Tanong nanaman ulit nito. Nakalatag sa kama namin ang limang pares ng bikini. Mukhang napipilian s'ya, halos pare-pareho lang naman ang design, naiiba lang sa kulay.

"Rashguard," bagot na sagot ko. Narinig ko nalang bigla ang pagtawa n'ya.

"What do you think about this?" Tinapat n'ya sa sarili ang red lace-up bikini.

"'Wag red," I immediately answered.

"I want this," pamimilit n'ya naman. Tiningnan ko s'ya nang diretso sa mata. "They can see but they can't touch, Khey. It's all yours, come on."

I sighed in defeat. "Oo na, ginaganyan mo nanaman ako e. Palibhasa alam na alam mo kung pa'no ako kunin, isang kanta—"

She kissed me on my lips kaya napatikom agad ang bibig ko.

"Magbihis ka na." Paalala n'ya bago pumasok sa banyo dala 'yong bikini n'ya.

...

Nandito na kami ngayon sa tabing dagat at ready na magswimming. Mas gusto rin namin sa dagat dahil medyo crowded na ang pool sa resort.

Harm is wearing a see through-white, long, cover up dress. While I'm wearing a rashguard and cycling shorts.

I snaked my arm on her waist saka s'ya hinapit palapit sa'kin.

"Higpit ng yakap natin d'yan, Khey ah. 'Di naman mawawala si Miss Harm." Biglang sumulpot si Niks sa tabi namin. Nandito na rin pala sila. Nakasuot ito ng white polo na nagsisilbing cover up n'ya.

"Dami nakatingin eh." Naiinis na turan ko. Natawa lang si Niks. Maya-maya ay dumating na rin ang iba naming kasama. May kanya-kanya kaming mat na nakalatag sa buhangin.

"They're here na pala." Napatingin din ako kung saan nakatingin si Harm at Niks. Nandito na nga sila. Free, Miss Avilyn, Saji, and Mica. They are also the center of attraction habang naglalakad.

Si Miss Avilyn ay nakasuot din ng gaya ng kay Harm. Si Free din ay may cover up na something like Saji. Si Mica rin pero ang kaibahan ay naka maong shorts pa ito.

Agad nilapitan ni Niks si Free saka hinila sa direksyon namin.

"Bantayan mo na 'yan si Miss Avi, baka malunod ulit." Wika nito kay Free.

"She can swim, Niks. Nabudol ako dati." Sagot naman pabalik ni Free. Napangiti ako. May mga traits din talaga ang kambal na pang out of this world.

"Talaga? Nagamitan ka ng ipinagbabawal na teknik." Tumatawang saad ni Niks.

"Harm, let's swim na!" Ayaw ni Saji habang hinihila ang nakaupong girlfriend ko sa tabi ko.

"Khey?" She looked at me. Alam kong inaaya na rin n'ya akong maligo sa dagat.

"Mamaya ako," nakangiting sagot ko naman.

"Okay, Avi, let's go!" Si Harm naman ang nag-aya kay Miss Avilyn na mukhang tinatamad pang maligo pero napilitan na ring sumama dahil hinihila na ni Harm.

Si Mica ay naupo rin sa tabi nila Free. Apat kaming naiwan sa mat, nakaupo kami habang pinapanood ang tatlo.

"Damn,"

"Hoy, tangina,"

"Shit,"

Sabay-sabay pa kaming napamura nang sabay-sabay ding maghubad ng mga cover up nila ang tatlo. Ako ay sa girlfriend ko nakatutok, syempre, bakit pa ako titingin sa iba kung daig pa ng sikat ng araw ang hotness ng girlfriend ko. Shit.

 𝐓𝐡𝐞 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐢𝐧'𝐬 𝐇𝐞𝐫𝐨 [Herero Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon