Annulment papers
Venice Ella A. Paredes
Nakaupo lang ako sa isang upuan habang hinihintay na dumating si Atty. Villaluz, ang napili kong lawyer para sa pag papa annul ko.
Habang naaalala ko ang nangyari ay lalo lang umuusbong ang galit ko sakanya.
Pinilit kong huwag tumulo ang nagbabadya kong luha sa hilam kong mata. Pero nabigo lang ako ng mapadako ang paningin ko sa kabilang side ng restaurant na 'to. Bumalik ang mumunting ala-ala sa isipan ko...
It was our second anniversary and my birthday also, June 25, 2014. Dapat ay isang simpleng dinner date lang ito pero nagawa niyang pabongahin sa pamamagitan ng pagkanta niya ng 'happy birthday' habang may hawak na cake at may kagat na flowers.
It was one of a moment to remember. I was so happy back then, never thought that it would end.
I wiped my tears as I throw away that memories.
Hinanap ko ang phone ko sa sling bag na dala ko at tinignan ko kung may message doon si Atty. Villaluz nang wala akong makitang mensahe doon ay binalik ko ng muli ang phone ko sa sling bag.
I looked at my wrist watch. Maaga pala ako ng kinse minutos sa usapan namin. Kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa pag dungaw sa labas ng restaurant.
"Mrs. Paredes?" I bite my lower lips because of what he called me. Bumaling ako sakanya.
Atty. Villaluz is at his mid 40's, kagalang galang ang itsura niya sa suot niyang tuxedo, may hawak din itong attached case.
I stand up and give him a forced smile. "Im Venice Ella Paredes." pakilala ko kasabay ng paglalahad ng kamay.
This is the first time we met. Nang mga nakaraang nagdaan na araw kasi ay sa phone lang kami nagkaka usap.
"Atty. Francis Villaluz." aniya at tanggap ng kamay ko.
Inanyayahan ko siyang umupo. Yayayain ko din sana siyang omorder pero nag salita na agad siya.
"Let's talk about the case. Annulment is a long time case to process." Aniya.
I swallow the lump in my throat. "I-I know attorney ..." nahihirapang wika ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa ma proseso sa utak ko ang nangyari at gustong kong mangyari. Masaya naman kami but that was way back then. I sighed deeply as I remember what happened that day. Kulang ang salitang galit para sa nararamdaman ko sakanya.
Attorney cleared his throat. Pumikit pikit ako upang pigilin ang nagbabadyang pagbasak ng luha ko. "I'm sorry." Paumanhin ko.
Pinagpatuloy niya ang pagsasabi ng mga bagay bagay ukol sa annulment. Nang matapos kami ay nag paalam na siya dahil may client pa daw siyang pupuntahan.
Pinaalala ko din sakanya na gusto ko sa araw na rin na ito mismo ay maibigay sakanya ang annulment papers.
I want to end this as soon as possible. Kasi kapag pinagpatuloy namin 'to ay naglolokohan nalanh kami.
Hindi ako umalis sa pagkaka upo ko sa loob ng restaurant. Kinuha ko ang phone ko at tinext ang isang tao na alam kong makakaintindi sa akin.
Ilang saglit lang ay dumating na siya. Agad siyang umupo sa bakanteng upuan na pinag upuan kanina ni attorney. Tumingala ako at nakita ko ang nag aalalang niyang mukha. "Lex..." I called her. Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mesa. "Don't cry, Ven. I'm here. Shh.." alo niya sa akin. I wiped my eyes. Ilang minuto kaming hindi nagsalita. Ako kinakalma ko ang sarili ko siya naman ay hinihintay akong kumalma upang makapagsalita na.
"Nasaaan si Jarrel?" I asked and touched my tummy. Jarrel is her one year old son."Iniwan ko sa papa niya. Do you want to go? Saan mo gustong pumunta?" Tanong niya.
Sinabi ko sakanya ang gusto kong puntahan at iyon ay sa bahay nila. I want to see her son.
Pumayag naman siya agad kahit na nakikita ko sa mga mata niya ang pag aalala.
Nang makarating kami sa bahay nila bumungad sa amin si Jarred na pinapalitan ng diaper ang anak. Nasa sala sila at may nakalatag na goma doon.
Nagprisinta akong, ako na ang magpapalit ng diaper tatangi sana si Jarred pero sinenyasan siya ni Lexine. Nang matapos ko iyon ay agad ko siyang nilagay sa kandungan ko.
---
Yakap yakap ni Jarred si Lexine mula sa tagiliran habang nanonood sa television, nasa kandungan ko naman si Jarrel at nilalaro.
Mabilis na tumakbo ang oras at hindi ko namalayan na gabi na pala. Niyaya ako nila Lexine na doon na maghapunan ngunit tumanggi ako at sinabing uuwi na ako para doon mag hapunan.
I hugged Jarrel tight at humikbi naman ito. Ayaw niya kasing niyayakap siya at hinahalikan sa pisngi. I smiled at ginulo ang buhok niya. Nagpaalam na din ako kila Lexine and Jarred.
Nang umuwi ako sa condo ko ay nagulat ako nang may nakaupo sa sofa ko.
Nang makita niya ako ay tumayo siya at lumapit sa akin. May hawak din siyang papel sa isang kamay niya at halos malukot na iyon. "Venice what is this? Bakit ka mag papadala ng annulment papers? Maayos pa natin 'to. She's nothing. It was a mistake." Paliwanag niya. Sawang sawa na akong makinig sa sinasabi niya. I just want to end this.
Hindi ko siya pinansin at naglakad papasok sa kwarto ko. "Venice!" Tawag niya sa akin pero pinagsaraduhan ko lang siyang ng pintuan, nang i-la-lock ko na iyon ay bigla bumukas iyon at nabitawan ko ang door knob.
Tinignan ko siya gamit ang pagod kong mata. Pero inalis ko din iyon. I can't look at him. Hindi ko kaya! Sa tuwing tinitignan ko siya ay naaalala ko ang lahat. Naalala ko ang pagkakapatong sa kanya ng babaeng iyon. Naalala ko ang lahat .. naaalala ko ang lahat at sobrang sakit non.
"Ven.." aniya gamit ang malambing na boses. "Don't do this please? Mahal kita alam mo iyon. I was under in drugs that time, hindi ko alam ang nangyari." Paliwanag niya at hilamos sa mukha niya.
Hindi ako nagsasalita at tinitignan ko lang siya gamit ang blankong ekspresyon at tumatagos ang tingin ko sakanya. How can be a one person make me felt so loved and pain after.
Huminga ako ng malalim upang pigilin ko ang pag luha ko. Gusto ko siyang sampalin pero alam ko that won't changes anything. Wala na. The damaged has been done.
"Ven..." tawag niyang muli sa pangalan ko at hinawakan ako sa magkabilang braso, nandidiring inalis ko iyon at inilahad ang palad ko. "The keys. Give it back." I said pero umiling siya. "No. I won't unless kakausapin mo ako." Sabi niya. "Okay then. Sa iyo na iyan. Papapalitan ko na lang door knob ko bukas." Sabi ko at naglakad papunta sa walk in closet.
Nang buksan ko iyon ay napakagat ako sa labi ko. Bakit may mga damit siya dito? Pero imbes na itanong iyon sakaya ay nag kunwari na lang akong walang nakita at naglakad patungo sa banyo.
I changed clothes pagkatapos ay lumabas na ako at nahiga sa kama. I shut my eyes and ready myself to sleep when someone knocked on my room's door kasunod noon ay ang baritonong ngunit natural na namaaos na boses niya. "Ven, nagluto ako. Kain na tayo."
Hindi ko siya pinansin at pinanatili kong naka pikit ang mga mata ko. He keep on calling pero hindi ako sumasagot.
Nakatulugan ko ang pagkatok niya at sa bawat katok at tawag niya ramdam kong gusto niya akong kausapin. Pero ayoko na. kahit kausapin niya ako sarado na ang isipan ko, Mas lalo lang kaming magkakasakitan na dalawa.
BINABASA MO ANG
Way Back Then (Completed) TOL #2
General Fiction"I trust you, my mistakes." A short novel by: Myka Baladjay