Tell him
Marahan kong minulat ang mga ko na agad ko ding ipinikit dahil sa pagkasilaw. Nang idilat kong muli ang mga mata ko ay pumikit pikit ako hanggang sa masanay ang mata ko sa liwanag na nakamulatan ko.
Tumingin ako sa kisame na puti at sa paligid ko. Nakita ko ang isang babae na nakaputi na abala sa pag aayos ng dextrose sa gilid ko. I try to open my mouth and speak but words won't came out kaya itinaas ko na lang ang isa kong kamay na malapit sakanya kahit na ang bigat bigat nito, inabot ko ang dulo ng laylayan ng damit niya kaya naagaw ko ang atensyon niya. Tumingin siya sa kamay ko at sa mukha ko. Ibinaba ko ang kamay ko. "Wait I'll call your doctor." Aniya at lumabas.
Pilit kong inaalala ang nangyari. Bakit ako nasa kwartong ito?
Sa gitna ng pag iisip ko ay pumasok ang isang babae na naka white coat at agad akong ineksamin.
"So.. Venice, pakiramdaman mo ang sarili mo, ano ang masakit?" Tanong niya habang may isinusulat sa hawak niyang papel at panaka nakang tumitingin sa akin. Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko, at napahawak ako sa puson ko ng iyon ang naramdaman kong mas masakit iyon. "I-i-iyong p-puson ko..." nahihirapang sambit ko. Tumango tango siya pero hindi nagsalita. "A-ano pong nangyari?" Tanong ko.
"Na aksidente ka and you suffered a miscarriage.." nag i ingat na banggit niya. Bigla kong naalala ang nangyari. Company party. Kenzo. Graciella. 506. Accident. Blood.
"W-what do you mean? Buntis ako?" Naguguluhan ko pa din na tanong. "Buntis ako at nalaglag iyon? How? My baby... no.. nooo..." nag hi- historical na sabi ko. This can't be right?
Hindi ko namalayan na may pumasok na mga nurses, hinawakan nila ang mga paa ko at kamay na nagpupumiglas at naramdaman kong may tinurok na kung ano sa balikat ko na naging dahilan ng panghihina ko at pa konti konti kong pagpikit.
Nang idilat kong muli ang mata ko ay napahikbi ako. Nawala ang sa akin ang matagal ko ng inaasam. Napahawak ako sa puson ko na pinagtirhan ng anak ko. I lost my baby.
Bumukas ang pintuan at pumasok doon ang doctora na huli kong nakausap. "Tama lang ang tansiya ko na magigising ka sa ganitong oras." Aniya.
"Doktora, i-ilang buwan po?" Tanong ko sa gitna ng hikbi ko. She sighed bago sumagot "Two months."
Natulala ako sa sinagot niya. Im bearded my two months baby and I lost it.
"Miss Venice, can we have a number of your husband or parents? We will discharge you after a week pagtapos ka namin obserbahan in three days." Tuloy tuloy niyang sabi.
---
"Venice!" Sigaw ng isang babae pagkabukas niya ng pintuan. "Lex..." naiiyak na banggit ko sa pangalan niya.Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "A-alam ba 'to ni Kenzo?" Tanong niya habang yakap yakap ako agad ko siyang nilayo sa akin. "No.. don't tell him. Please Lex wag. Hindi na niya kailangang malaman." Nagmamaka awang sabi ko. "Wala siyang karapatan na malaman." Dugtong ko pa. Hinaplos naman niya ang likod ko, kinakalma ako.
Pagkatapos ng tatlong araw na obserbasyon ay nakauwi na ako pero hindi sa bahay namin ni Kenzo kungdi sa unit ko na ini regalo sa akin nila papa ng maka graduate ako ng kolehiyo.
Sinamahan ako ni Lex doon tuwing umaga. Pinipilit niyang paga anin ang pakiramdam ko dahil halos ayaw ko ng bumangon sa kama ko. Gusto niya ding malaman ang nangyari pero walang lumalabas sa bibig ko. Wala pa akong lakas para i kwento iyon.
"Ven... gusto mo ba dito ako matulog ngayon?" Nag aalalang sambit ni Lexine isang araw. "No.. you should go home nag hihintay sayo ang mag ama mo." Pagtatanggi ko sakanya. She sighed.
BINABASA MO ANG
Way Back Then (Completed) TOL #2
Сучасна проза"I trust you, my mistakes." A short novel by: Myka Baladjay