Naga
"...she's fine now, na stress lang siya." Narinig kong boses ng babae. Bahagya kong minulat ang mata ko.
May puting kurtina na nakatakip sa paligid ko. Tumingin ako sa harapan ko at nakita ko ang dalawang anino ng tao na magkaharap. ".. to the front desk and fill up the forms." Tumango ang pigura ng lalaki sa sinabi ng babaeng kaharap niya.
Tumingin ako sa itaas ko at nakita ko ang dextrose bottle. Inangat ko ang kaliwa kong kamay at agad na hinugot doon ang dextrose.
Nakita kong naglakad pakanan ang pigura ng babae kasunod ng lalaki.
Tinignan ko ang suot ko at nakitang ayun pa din ang suot ko. Not a hospital gown but a jeans and a fitted black blouse.
Tumayo ako at kinapa ang sandals ko sa lapag, ng makapa ko iyon ay agad kong sinuot.
Hinawi ko ang kurtinang puti at naglakad palabas ng kurtina. Tumambad sa akin ang sunod sunod na kurtina ng kagaya sa pinanggalingan ko. Ng malapit na ako sa salaming pinto ay nakita ko ang karatulang 'Emergency Room'.
Nilagpasan ko iyon at hinanap ang daan palabas. Nang makalabas ako ay tumawid ako at naupo sa waiting shed.
Madaming dumaan na sasakyan sa harap ko hanggang sa may humintong bus. "Miss.. sasakay ka ba?" Ani ng konduktor.
Tumango ako at sumakay doon kahit hindi ko alam kung saan papunta iyon. Wala din akong dalang bag. Ang tanging dala ko lang ay konting pera at cellphone.
Pagpasok ko pa lang ay agad na dumikit sa balat ko ang lamig na nang gagaling sa aircon ng bus. Nag simulang umandar muli ang bus kaya nag lakad na ako papasok hanggang sa dulo.
Naupo ako sa dulong bahagi ng bus bago ko sinandal ko ang ulo ko sa salaming binta at tumingin sa labas. Medyo madilim na ang langit naglalahad na mag gagabi na, ang ilang ilaw sa mga street light ay bukas na.
"Miss? Saan ka po bababa?" Napatingin ako sa nagsalita. Nakatingin siya sa mga ticket na hawak niya. "Saan po ba papunta 'to?" Tanong ko sakanya kaya tinignan niya ako. "Sumakay ka nang hindi mo alam kung saan ka pupunta?" Gulat na tanong niya. Sinagot ko siya sa pamamagitan ng tango at napakamot siya sa batok niya.
"Papunta po 'to sa Laoag, Legaspi, Naga, Albay.. basta bicol." Aniya. Tumango tango ako. "Sa Naga na lang po." Sagot ko sabay dukot ng pera sa bulsa.
Inabot naman niya sa akin ang ilanh piraso ng ticket bago inabot ang bayad ko. Nang matapos ay naglakad na siya papunta sa harap.
Inabala ko naman ang sarili ko sa mga tanawin sa labas. Habang tumatagal ang biyahe ay lalong nanoot sa balat ko ang lamig ng bus. Niyakap ko ang braso ko sa katawan ko para kahit papano ay maibsang ang lamig na nararamdaman ko. Sumandal ako sa upuan at hinatak ako ng antok.
"Hihinto po muna tayo. Kumain po kayo o kaya ay mag c.r. basta bumalik na lang po kayo pagkatapos ng kinse minutos." Nagising ako sa boses na iyon tumingin ako sa labas pagkatapos ay sa relo ko. Alas diyes pasado na pala.
Naramdaman kong kumulo ang sikmura ko at naalala kong kanina pa pala ako hindi kumakain.
Tumayo ako at humikab bago naglakad palabas ng bus.
"Mani-mani kayo diyan." "Penoy bili na kayo ng penoy." Sari saring boses ang narinig ko galing sa mga nag bebenta. "Miss, tubig po." Biglang sulpot sa akin ng isang lalaki na nasa 30's niya.
Tumango ako at dumukot ng barya sa bulsa ko na sinukli ng konduktor kanina. Binigay niya sa akin ang mineral bottle. Nagpasalamat siya bago nilapitan ang ibang pasahero na pababa din ng bus.
BINABASA MO ANG
Way Back Then (Completed) TOL #2
General Fiction"I trust you, my mistakes." A short novel by: Myka Baladjay