Kabanata 3

2.6K 63 15
                                    

Just

Humahangos ako ng idilat ko ang mga mata ko. Inihilamos ko ang dalawang palad ko sa mukha ko at naramdaman kong basa ang parte ng mga mata ko.

Pumailanlang ang pamilyar na kanta sa buong paligid ko hudyat na may tumatawag sa cellphone ko. Kinapa ko iyon sa paligid ko gamit ang isang palad ko habang ang isang palad naman ay inabala ko sa pagpupunas ng mga luhang kumawala sa mata ko ng dahil sa panaginip ng nakaraan.

Nang makapa ko ang pakay ko ay agad kong pinindot ang answer key kahit na hindi ko pa nababasa ang pangalan ng tumawag.

"H-hello?" I asked with a husky morning voice. "Ven I miss you." Ani ng sakabilang linya na agad kong nabosesan. "Mom.. Miss you too." I said and smile kahit na hindi niya ako nakikita. Nawala ang takot ko dahil sa panaginip ko ng marinig ko ang boses. ni mama na malambing. "Honey, uwi ka dito mamaya ah. I'll cook your favorite picadillo." Aniya sa masiglang boses. "Sige mom. See you later." Sagot ko din gamit ang masiglang boses. "Sama mo ang asawa mo ah." Aniya na nagpatulala sa akin. Wala nga palang alam si mama. Hindi niya alam. Walang nakaka alam kung hindi ako lang. Sasagot na sana ako ng 'hindi makakasama si Kenzo.' nang naunahan ako ni mama. "Sige na Ven. Mamimili pa ako para mamaya. Bye." Paalam niya bago naputol ang kabilang linya.

Napahinga ako ng malalim at tumingin sa kisame ng kwarto ko. Napakunot ako ng noo at ginala ang pangin ko sa kwarto. Paano ako napunta dito? Sa pagkakatanda ko sa sofa ako natulog ah!? Tinignan ko ang suot kong damit na ikinapagtaka ko din. Im wearing my pajamas. How come?

Ganoon na ba ako kapagod kagabi at hindi ko na maalala na tumayo pa ako para makapag palit ng damit at lumipat sa kwarto?

Kinapa kong muli ang phone ko at tinignan kung anong oras na. Nang makita ko iyon ay agad akong bumangon, tamang tama ang gising ko para may mahigit isang oras pa ako para makapag prepare sa pagpasok sa trabaho.

Pagkababa ko sa unit ay agad akong tumawag ng taxi. Hindi na akong makapag manehong muli after that incident.

Hindi ko kayang buksan ang pintuan ng kotse dahil kapag ginagawa ko iyon ay bumabalik ang napakasakit na pagyayaring iyon sa buhay ko.

Nang makarating kami sa building na pinagta trabahuhan ko ay agad akong nagbayad sa taxi driver at inayos ang suot kong white polo na nakatack in sa suot kong black pencil cut na pangibaba.

Buong maghapon kong iniisip ang mga nangyari kagabi. Pilit kong inaalala kung tumayo ba ako at nagpalit ng damit ngunit kahit anong halughog ko sa bawat sulok ng utak ko ay hindi ko talaga maalala na tumayo ako para lumipat sa kwarto ko and worst para makapag palit ng pangtulog.

Nang saktong alasais na ng gabi ay nagkanya kanya ng uwian ang mga katrabaho ko.

"Teh? Mag OT ka?" Tanong sa akin ng isa kong ka trabaho nang makita niyang hindi pa ako tumatayo. I looked at her bago ngumiti at umiling. "Nope. Uuwi na din ako. Sinisave ko lang ang mga na type ko." Sagot ko sakanya. Tumango tango naman siya "Hintayin na kita, sabay tayong bumaba.." aniya. Tumango naman ako at inayos na ang ilang mahahalagang papel sa lamesa ko.

Dati ay si Kenzo ang nag hihintay sa akin para sabay kaming umuwi sa bahay. But that was way back then.

Huminga ako ng malalim nang makitang na save na ang ginawa ko sa computer. Tumayo na ako at inayos ang damit ko. "Tara na." Yaya ko sa katrabaho ko. Tumango naman siya at sabay na kaming naglakad palabas.

"Saan ka?" Tanong niya sa akin ng makalabas na kami ng building. Madilim na sa labas at tanging ilaw sa mga building at street lights na lang ang nagsisilbing ilaw sa paligid. "Susunduin ka ba ng asawa mo?" Dagdag na tanong niya pa. Umiling ako at sinabing may pupuntahan pa ako. Tumango naman siya at nagpaalam na ng may sasakyang huminto sa tapat namin.

Way Back Then (Completed) TOL #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon