Kabanata 7

2.2K 65 15
                                    

Baby ko 

Tinitigan ko si Kenzo habang payapang natutulog. Inangat ko ang kamay ko para hawakan ang pisngi niya pero hindi ko tinuloy. I sighed deeply.

Inalis ko ang braso niyang nakapulupot sa bewang ko pero nagulat ako ng binalik niya iyon at humigpit pa kaysa sa unang yakap niya sa bewang ko.

"Where are you going?" He asked kaya napatingin akong muli sa mukha niya, nakapikit pa din ang isang mata niya at bahagyang nakadilat ang isang mata, ang mga kilay niya ay naka  kunot. "Tinatanong kita. Saan ka pupunta?" Mariin niyang tanong muli.

Kaya mabilis akong naghalukay ng alibi sa utak ko. Tumingin ako sakanya at dalawang mata na niya ang naka mulat. Tumaas baba ang kilay niya, hinihintay ang sagot ko sa tanong niya.

"Sa banyo." Sagot ko. Kumunot muli ang noo niya, hindi naniniwala. "Okay. Sasama ako." Aniya at akmang uupo na pero pinigilan ko. "H-hindi na. Mamaya na lang ako maliligo." Sabi ko kaya tinignan niya ako ng nagtataka bago dahan dahan na bumalik sa paghiga niya. "You sure?" Tanong niyang muli, tumango lang ako.

Niyakap niya akong muli and kissed my forehead. "Kala ko iiwan mo ako. Don't  Venice please.. kung may problema sabihin mo sa akin, susolusyunan ko huwag mo lang akong iwan."

I sighed. Ang pinaplano kong pag alis ay nasira.

Nag angat ako ng tingin sakanya inangat naman niya ang palad niya at inilagay ang takas na buhok sa gilid ng tenga ko.  "Kenzo..." nag aalinlangan na tawag ko sakanya. "Hmmm..." sagot niya sa akin habang pinapaikot ang daliri niya sa gilid ng labi ko.

Sabihin ko na ba sakanya? Kailangan mo pa bang sabihin na nakunan ako?

"Ah... wala. Nakita mo ba iyon taxi sa baba?" Tanong ko. Bigla kong naalala iyong taxi na pinaghintay ko sa akin. "Don't mind it. Binayaran ko na iyon kanina at pinaalis ko na." Simpleng sagot niya.

Itinigil niya ang paglalaro sa labi ko at idinampi niya ang labi niya sa labi ko. "I love you, Love." Aniya na ikinagulat ko. Gustuhin ko mang sagutin ang sinabi niya ay hindi ko kaya. Niyakap ko na lang ang braso ko sakanya at isinusob ko ang mukha ko sa dibdib niya.

Narinig ko ang pag hinga niya ng malalim bago nilagay ang kamay niya buhok ko. "I'll wait." Aniya.

----

"Hi. Jarrel!" Masayang bati ko sa baby ni Lexine habang nasa Jollibee kami. Napag usapan kasi namin na mag mall. Ako, si Kenzo, si Lexine at ang pamilya niya.

Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng araw na iyon. Simula ng pagtangka kong umalis.

Napasimagot ako kay Jarrel ng hindi niya ako pinansin. "Love, naiingit ka na ba?" Tanong ng kadarating lang na si Kenzo sabay lapag sa tray na bitbit niya.

Napatahimik ako. I looked at Lexine na nakatingin pala sa akin, bakas ang pag aalala sa mukha niya.

"Bakit? May problema ba?" Nag aalalang tanong ni Kenzo na nakatitig sa akin.  Ngumiti ako bago umiling.

Ngumiti na din siya at naupo sa tabi ko. Dumating na din si Jarred na may hawak na tray.

Dito kami kumain sa Jollibee dahil paborito daw ni Jarrel ang Fries dito. Kung nabuhay kaya ang anak ko at lumaki siya magiging paborito niya din kaya ang fries? Paano kaya siya ngumiti? Sino kaya ang makakapag patahan sakanya kapag umiyak siya? Bibo kaya siya? o may pag ka masungit gaya ni Jarrel.

Napahawak ako sa tiyan ko sa isipin na iyon. Naramdaman ko naman na pumulupot sa bewang ko ang braso ni Kenzo. "May masakit ba sayo?" Tanong ni Kenzo sa tainga ko.

Bumagsak ang luha ko sa kanang mata. Gusto kong sabihin pero hindi ko kaya. Pinunasan ko ang luha ko bago tumayo. "Excuse me." Sabi ko at tumakbo papuntang comfort room ng Jollibee.

Pagsara ng pintuan ng banyo ay bumukas ulit iyon at pumasok si Kenzo. Pinunasan ko ang luhang tuloy tuloy sa pagragasa pababa sa pisngi ko galing sa mga mata ko.

"A-anong ginagawa mo dito? Pambabae 'to." Sambit ko sabay iwas ng tingin. Narinig ko ang mahinang pag click, ni lock niya pinto. Tinignan ko siya at lumapit siya sa akin bakas sa mukha niya ang pagaalala.

Kinulong niya ang pisngi ko gamit ang dalawang palad niya at pinatong ang noo niya sa noo ko.

He shut his eyes and heaved a sighed. "Love, alam kung may problema. Kung ano man iyon... sabihin mo sa akin. Hindi tayo magiging maayos kung may tinatago ka... simula ng nagpakita kang muli ganyan ka na." aniya.

Huminga ako ng malalim kasabay ng paglandas ng luha ko. Pinagdikit ko ang labi ko bago umiling iling. Paano ko sasabihin? Gusto kong isumbat sakanya ang lahat pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Gusto ko siyang saktan pero walang saysay iyon dahil hindi na maibabalik ang buhay na nawala.

Humikbi ako at itinakip ang kamay ko sa labi ko.

"K-kenzo..." nahihirapang banggit ko sa pangalan niya. Hinaplos niya ang buhok ko, sinasabing ituloy ko lang ang sasabihin ko. "K-k-kenzo..." banggit kong muli sa pangalan niya.

Ibubuka ko sanang muli ang labi ko ng may kumatok sa pintuan. "Mam?" Tawag sa labas. "Mam.. buksan niyo po ang pintuan. Pila na po dito oh!" Naiinis na wika ng boses sa labas.

Mabilis pa sa alas kwatro na lumayo ako kay Kenzo para buksan ang pintuan. Nang mabuksan ko iyon ay tumambad sa akin ang naiinis na mukha ng crew "Mam? Okay lang kayo?" tanong  niya sa akin ng makita niya ang luhaan kong mata.

Hindi ko siya pinansin at lumabas ako ng Jollibee. Agad akong pumara ng taxi at sumakay doon.

Sinabi kong ihatid ako sa isang sementeryo. Nang makarating kami doon ay agad akong nagbayad at bumaba.

Ito ang unang beses na dadalawin ko siya dahil hindi ko makaya, hindi ko matanggap.

Nag lakad ako hanggang sa makarating ako sa pakay ko.

Siena Paredes
July 18, 20**

Lumuhod ako sa damuhan at hinaplos ang pangalan niya sa ibabaw ng lapida na iyon.

Itinakip ko ang palad ko sa bibig ko, pinipigilan ang hikbi ko. "Sorry... sorry.... sorry baby... sorry.. hindi ka naalagaan ni mama ng maayos. Kasalanan ko 'to dapat hindi ako nagpadala sa nararamdaman ko. Dapat hindi ako nagmaneho ng makita ko iyon, kung hindi ko iyon ginawa sana.. sana hindi tayo na aksidente. Sana buhay ka pa. Kasalanan ko 'to." Sambit ko na parang naririnig niya.

"L-love?" Napahinto ako dahil narinig ko ang boses ni Kenzo. Siguro guni guni ko lang.

Pero may anino akong nakita sa lapida kaya bumaling ako sa likuran ko at inangat ang mukha ko.

Nakita ko ang mukha niyang gulat na gulat "K-kenzo.." tawag ko sa pangalan niya. Nakatitig lang siya sa lapida at bahagyang umawang ang labi niya.

Hinawakan ko ang braso niya kaya napabaling siya sa akin. "Bakit hindi mo sinabi?" Galit na tanong niya.

Nagulat ako sa paraan ng pagtatanong niya. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya.

"Bakit?" Hindi ko masagot ang tanong niya. Hinawakan niya ang braso ko ng mahigit na pakiramdam ko ay titigil na ang pag daloy ng dugo ko doon pero sa halip na mag reklamo ay hindi ko na lang ininda ang sakit.

"Kenzo..." tawag ko sa pangalan niya nagbabasakaling baka humupa ang galit niya. "Bakit Venice!? Bakit!" Sigaw niya sa akin.

Hindi ko maintindihan. Hindi ba dapat ako ang magalit? Wala siyang karapatan na magalit.

"Kasalanan mo 'yan Kenzo! Kung may kasalanan ako mas may kasalanan ka. Kasalanan mo! Nawala siya dahil sayo. Tapos ikaw pa ang may ganang magalit? Kung hindi mo ginawa iyon sa babaeng iyon .. sana...  sana buhay pa siya..." huminto ako para huminga. Dahil pakiramdam ko sobrang pinipiga na ang puso ko at hindi na ako makakahinga dahil doon. "Pero hindi... nawala siya. Nawala ang baby ko. Ang baby ko." Pinaghahampas ko ang dibdib niya at tinanggap niya lahat iyon.

Nanghina ang tuhod ko kaya napaupo ako. "Kasalanan mo. Nawala ang baby ko dahil sayo." Sambit ko sa kabila ng hagulgol ko.

Then everything's went black.

Way Back Then (Completed) TOL #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon