Kabanata 4

2.4K 59 14
                                    

I trust him.

Nagising ako kinabukasan dahil sa hiningang tumatama sa mukha ko nang idilat ko ang mga mata ko, tumambad sa akin ang mukha ni Ken.

He smile and greeted me good morning. Hindi ko siya sinagot. I'll try not to push him away kahit masakit. Susubukan ko kahit masakit.

"Breakfast?" Tanong niya sa akin. Tumango ako. Umupo siya at inalalayan akong umupo din. He kissed my temple. "Thank you." Aniya.

Tinignan ko siya ng may pagtataka. "Thank you for what?"

"For trying not to push me away. Alam kong sinusubukan mo." Sagot niya. "I can wait hanggang mapatawad mo ako." Dugtong pa niya.

Hindi ko siya pinansin at tumayo na papuntang banyo. "Inihanda ko na ang mga kailangan mo sa banyo. Anong breakfast ang gusto mo?" Ani ni ken na nasa likuran ko na.

"Ahhh... I don't know. Kung anong meron na lang sa ibaba." Sagot ko at punasok na sa banyo. "Okay. Baked mac na lang." sagot niya ar narinig ko ang yapak palayo sa akin at ang sunod kong narinig ay ang pagsara ng pintuan.

Kinagat ko ang loob ng pisngi ko ng makita kong nakahanda nga ang lahat mula sa tuwalya hanggang sa toothbrush na may toothpaste na.

Alam kong ginagawa niya ang lahat ng pagsusuyo sa akin pero kulang pa 'to. Walang wala 'to sa nangyari sa akin.

I did my morning rituals at lumabas na ng banyo. Nagpupunas pa ako ng buhok ko gamit ang isa pang towel ng makita ko ang mga damit kong pambahay na naka handa na sa ibabaw ng kama.

Isa iyong puting v-neck shirt at pambahay na shorts. May pares din ng panloob na damit doon. A pair of black brassier and panty. Namula ang mukha ko sa isipin na hinawakan niya ang mga panloob na damit ko.

Agad akong lumapit sa kama at nagbihis na. Pagbaba ko ay nakita ko siya sa may pintuan at may kausap doon nang pag harap niya ay may bitbit siyang dalawang plastic na may logo ng sikat na restaurant.

Isinara niya ang pinto at humarap sa akin. Nang makita niya ako ay inilang hakbang niya ang pagitan namin. Nilipat niya ang isang plastik sa isa niyang kamay at pinulupot ang kamay niyang iyon sa bewang ko. He kissed my lips at nagulat ako dahil sa bilis niya. "Fuck! I miss your lips love." Aniya.

Inakay niya ako papunta sa kusina at ipinaghila ako ng silya, umupo naman ako doon. Nilapag niya ang mga plastik sa lamesa at kumuha ng plato.

Pagharap niya ang bitbit niya ang dalawang pinggan na magkapatong at ang isang palad naman niya ay may hawak na isang baso.

Ngayon ko lang napagmasdan ang suot niyang damit. His wearing a white v-neck shirt ng katulad sa akin at khaki  short. May suot din siyang relo sa kanang bahagi ng kamay niya. Ang buhok niya ay medyo magulo na halatang hindi napadaanan ng suklay. Ang mata niyang kung tumingin ay parang dadalhin ka sa ibang lugar kung saan siya at ikaw lang ang nadoon.

"Asan si manang?" I asked kasi siya ang kumikilos sa kusina. "Pinaalis ko." Simpleng sagot niya at naupo na sa tabi ko.

Pinagsilbihan niya ako ng pagkain, kahit na sinasabi kong kaya ko na.

Nang matapos akong kumain ay tumayo na ako agad naman siyang sumunod sa akin.

Sunday ngayon kaya wala akong pasok. Naupo ako sa sala at inabot ang remote, tumabi naman sa akin si Ken. "Asan sila mama?" Tanong ko habang na scan ng mga chanels. "Nag simba." Sagot niya sabay abot ng binti ko at pinatong iyon sa hita niya. I sighed. Way back then, ayaw niyang pinapatong ko ang binti ko sa hita niya. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya, pero nakatuwaan ko na iyon kaya kapag ganitong naka upo kami ay lagi kong pinapatong ang binti ko sakanya para asarin siya. "Love, gusto mong malaman kung bakit ayaw kong pinapatong mo ang binti mo sa hita ko?" Tanong niya. He's thinking the same way.

Way Back Then (Completed) TOL #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon