Prologue :
Hi guys~
Ako ay isang NBSB girl. At alam niyo ba kung anong masaklap sa pagiging NBSB ito oh...
(drum roll)
Lahat ng kabarkada ko may mga BOYFRIEND na!!! Diyosmiyo! Biruin niyo, ako ang pinakamatanda sa grupo naunahan pa akong magkaboyfriend ng mga baliw kong mga kaibigan! Nasaan ang hustisya, diba?
Kaya nga ayaw ko nang makasama yung mga yun eh! Ganito kasi ang nagiging scenario kapag kasama ko sila:
1. Nagchichikahan kaming magbebestfriends nang biglang dumating ang kanilang mga BOYFRIEND, edi parang naging ghost ang lola niyo kung maglambingan naman kasi parang wala nang bukas. Edi eto ako aalis nalang, tapos pagumalis na ko tsaka nila ako mapapansin, huhuhu. Tapos sisigaw sila ng "Bitter", e ang sweet-sweet ko nga dahil umalis ako para mas magkaroon sila nang space para maglambingan, tapos yung mga ugok naman nilang mga BOYFRIEND eh mga tatawa lang. Upakan ko pa sila dyan isa-isa eh.
(Maghunosdili ka Amber Katelyn Smith. Wag kang masyadong magbeast mode. XD)
2. Pagdating naman ng lunch magsusubuan sila. Hello~ mayroon kaya silang sari-sariling mga kamay.
3. Paguwian na. Kukunin nung mga BOYFRIEND nila yung bag nila, tapos mangiinis pa yung mga kumag kong mga kaibigan
Kukunin yung bag ko kunyari daw eh sila yung BOYFRIEND KO.(sigh) Buhay nga naman oh!
"---- Oy Amber nakikinig ka ba samin" - Catherine Claire Gomez
YOU ARE READING
Blind date
RandomAko ay si Amber. At ito ang istorya ng buhay ko. Wag na kayong magtaka kung bakit naging ganre yung naging takbo nito. Si author ang may kagagawan nito. Jokes! Sisihin niyo ang mga kaibigan kong sabog. Sila ang dahilan kung bakit naging ganto ang ak...