Chapter 3:
AMBER'S POV:
"Amber dito!" sigaw ng mga girl space friends ko kasama na naman nila as usual ang kanilang mga boy no space friends nila at siyempre ito na naman ang lola niyo forever alone ang peg.
"Amber nakilala mo na ba yung usap usapang mga exchange students? Balita ko mga gwapo daw yon ah." -Cath
"Nakilala ko na sila."
"Ay ang daya! Ano mga gwaping ba? Ha?!" di naman halatang excited ano Ali? Tsaka hello? Andyan yung bf mo teh.
"Oo ang pogi niya! Kaso yung isa pogi-ta. Hahaha!" nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan ng maalala kong time na pala.
"Bye girlfriends!" nagpaalam na'ko sa kanila.
---------------------
"Good afternoon, students."
"Good afternoon, Sir."
"Class this month kayo naman ang may swimming sa klase ko."
"Yaaahhhhhooooo!!" sigaw ng mga kaklase ko. Nako kung alam ko lang mga manyak yang mga yan.
"Oh ano pa ang hinihintay niyo. Tara na! Magbihis na kayo." ay nakalimutan kong sabihin, siya nga pala ang teacher namin sa MAPEH. Siya yung pinakapaborito kong guro dito sa eskwelahan namin. Kasi gwapo, matalino, mabait, medyo may pagkakalog kaya nakakasakay siya sa mga kalokohan namin, matangkad, talented, in short nese kenye ne eng lehet. De joke! Ganyan yung ideal man ko. Maliban na lang sa pagkakaroon ng abs. Kyaaah! Malapit ko ng malaman yon.
Shhh! Wag kayong maingay. Wag niyong ipagsabi na may pagkamanyak ako ha? Tayo tayo lang dapat ang may alam non. Tsaka isa pa tago naman ang pagkamanyak ko noh, hindi naman ako lantarang mangmanyak eh. Kaya shhhh kayo guys ah.
Pagdating namin sa may pool nagattendance muna kami tsaka nakapagpalit na ng swimsuit. Nga pala yung swimsuit namin ay pareparehas, may uniform kasi kami para sa swimming klases eh. Ano yung itsura? Ano siya one piece na backless.
Pagkabihis namin, lumabas na kami at pumila para sa warm ups. Ang tagal naman ng mga lalaki para makita ko na yung mga abs nila lalo na si Sir Cayden!! Iiiihhh! Kinikilig na ako, paano pa kaya pag nakita ko na! Hala, baka mahimatay na ako non!
Ayan na sila. Hinanap ko agad si Sir Cayden. Kyaaaahhh!!! Si Sir na talaga, siya na ang perfect! Mayroon siyang yummy 6 pack abs!
"Pila na kayo mga boys. Para makapag warm up na tayo." Sir Cayden
"Sir ang ganda ng katawan niyo ah!" lakas ng sapak talaga nitong si Cath! Di man lang nahiya. Kababaing tao eh. Natawa na lang tuloy si Sir. Pagkatapos naming mag warm up nagshower kami tas pumunta na ng pool.
3 members kami. Alphabetical order. So Smith ako means letter S. Ang makakatabi ko ay letter T. Sana hindi yun si Mr. Hambog.
"Ms. Smith, Mr. Thompson and Mr. Tran. Dito kayo. ----" blah, blah, blah... Di ko na pinakinggan kasi narinig ko na yung pangalan ko eh.
"Hi." bati sa akin ni Benj o ni Mr. Tran.
"Hi din." kung di niyo alam, ako ay isang napakamahiyaing tao lumalabas lang ang pagiging kalog ko kapag super duper close na tayo, katulad na lang ng mga bestfriends ko.
AWKWARD...
"Aray! Ano bang problema mo ha?" sinabi ko bang mahiyain ako? Pwera na lang dito sa lalaking toh. Dito lang naman sa HAMBOG na ito.
"Epal ka rin ano? Kitang naguusap pa kami eh. Tsaka bakit ka ba nandito? At talaga pang pumagitna ka ah."
"Ako si Alex----"
"Yeah, Whatever! Wala akong pake! Pwede bang dun ka nalang sa dulo. Si Benj na lang dito sa gitna."
"Who said that you can boss me around huh?"
"Ikaw! Tsaka pwede ba wag mo kong maenglish english diyan ha." nahagip ng mata ko si Benj. Papalit palit lang yung tingin niya sa aming dalawa ni hambog. Pati pala yung iba.
"Ehem. Mamaya na kayo maglambingan diyan. Maawa naman kayo sa mga langgam nalulunod na oh." Ano ba yan napatingin pa tuloy ako sa abs ni Sir Cayden. Iiiiiihhh! Kenekeleg akech! Napatingin na lang tuloy ako sa tubig.
So ayon tinuruan kami ni Sir Cayden ng different strokes.
-----------
"Ok guys, tama na yon ngayong araw."
Hay sawakas naman Sir at nakaramdam din kayo. Hindi muna kami nagbihis magi-isnacks daw muna kami.
Pinipilit kong makaakyat dito sa pool para makapagsnacks na kaso ang bigat ng katawan ko. Huhuhu! Tulungan niyo naman ako! Hinanap ko si Cath. Aba! Walanghiyang babae na yon pinagtatawanan pa ko. Binigyan ko siya ng humanda-ka-sa-akin-look. Humanda ka talaga sa aking bruha ka!
Huhuhuhu! Wala ba talaga?
May biglang naglahad ng kamay sa harapan ko. Siyempre naman magiging choosy pa ba ko? Pero sinubukan ko siyang tingnan kaya lang nasa likod niya yung araw eh.
"Ummm..... Thank you." pagtingin ko sa mukha niya... si Mr. Hambog pala toh. Sige na nga tutal tinulungan naman niya ako di ko na siya susungitan.
"Hey, Lovers! Mamaya na kayo magmoment diyan. Mauubos na namin to oh." sigaw ng kaklase namin.
Medyo nakaramdam ako ng hiya. Kasi ba naman magkahawak pa rin pala kami ng kamay at nakatayo pa rin kami dito. Napabitaw tuloy kami parehas.
"Ano...Tara na!" pagyaya ko sa kanya.
Paglapit namin bigla akong siniko ni Cath.
"Uy! Si Amber, lumalove life!"
"Tigilan mo nga ako Cath. Teka bago ko makalimutan." sinuntok ko siya sa balikat.
"Aray!"
"Ba't di mo ko tinulungan at tsaka letche flan ka! Pinagtawanan mo pa ko!" nagpeace sign lang siya.
Kumain na rin kami.
"Cath paheram cellphone." binigay naman niya sakin. Wala ng tanong tanong, ganun kaming magbabarkada eh.
Lumapit ako kay Sir. "Sir Cayden pwede po bang papicture po tayong dalawa?" tumango naman si Sir.
Yes! Nagpicture picture kaming dalawa. Iba't ibang pose, may formal, may wacky, etc.
Binalik ko na yung cellphone kay Cath. Sinabihan ko na rin na wag niyang idelete kukunin ko pa yun. "Iba ka rin dumamoves ah." bulong niya sakin.

YOU ARE READING
Blind date
CasualeAko ay si Amber. At ito ang istorya ng buhay ko. Wag na kayong magtaka kung bakit naging ganre yung naging takbo nito. Si author ang may kagagawan nito. Jokes! Sisihin niyo ang mga kaibigan kong sabog. Sila ang dahilan kung bakit naging ganto ang ak...