Chapter 5:
AMBER'S POV:
"Ma, Pa. Nandito na po ako!" pagtawag ko sa kanila para pagbuksan nila ako ng gate.
"Young lady, bakit ngayon ka lang ha?! Alam mo ba kung anong oras na?!" yikes! Lagot!
"Ma, Ma. Calm down."
"Young lady, how can I calm down! Kung ang nagiisang dalaga ko ay ngayon lang nakauwi ng bahay. Honey! Halika nga dito. Pagsabihan mo naman---"
"Ma sorry na p-- Aray!" Ano ba naman tong si mama makatulak wagas!
"Who are you?" Hala! Nakalimutan ko na si Ethan.
"Good evening ma'am. I'm Ethan."
"'Nak, is he your boyfriend?" shocks! Nakakahiya kay Ethan.
"Pa! Hindi ko boyfriend si Ethan."
"Nako iho, gusto mo bang makidinner dito samin?"
"Wag na po ma'am. Nakakahiya po eh."
"I insist." napaka kulet talaga nitong si mama.
"Upo muna kayong dalawa ha. Ihahanda lang muna namin yung lamesa."
"Sige po."
Umupo na kami ni Ethan sa may sofa.
"Huy, sorry ah. Napagkamalan ka pa tuloy nila mama at papa na boyfriend ko. Tsaka nahirapan ka pa sa pagbuhat sa akin papunta rito sa bahay namin. Sorry for wasting your time."
"Why are you apologizing? There's no need for you to say sorry for. In fact, I think I like it in here. Your house feels warm."
Oh my gosh! Warm daw oh. Nako nageenglish nga pala toh! Baka hindi siya sanay ng electric fan lang. Wala pa naman kaming aircon.
"Nako naiinitan ka ba? Teka lang kukunin ko lang yung isa pang electric fan."
Aakyat na sana ko ng bigla niya akong hawakan sa kamay.
"I think you misunderstood me."
"Eh kasi naman magtagalog ka." bumuntong hininga naman siya.
"What I mean is yung pakikitungo o yung pagwelcome niyo sakin ay yung parang hindi napipilitan. Yung pakiramdam na masaya kayo na may bisitang dumating."
"Nagtatagalog ka naman pala eh. Alam mo magtagalog ka na lang."
"Why?"
"Ang cute mo kasi."
"Hey. What happened to you?" bigla na lang kasi siyang tumalikod sa akin.
Ay magulo rin pala ako noh? Sabi ako ng sabi na magtagalog siya eto naman akong nageenglish.
"'Nak, hijo, halina kain na kayo."
"Hindi po kayo kakain ha, Ma, Pa?"
"Aba'y syempre. Tapos na kaya kaming kumain. Anong oras na kaya kayong dumating."
"Sabi ko nga. Halika na Ethan kain na tayo."
Umupo na kami at kumain. Bale magkaharap lang kami ni Ethan.
"Uy, ba't ayaw mo pang kumain. Ayaw mo ba ng ulam? Ipagluluto kita ng iba."
"No, I will eat this. No need to cook another food."
"E ba't ayaw mong gumalaw? Nastroke ka na ba diyan?"
"Mask."
"Mask?" binigyan niya ko ng tingin na hindi-ako-makakain-dahil-baka-makita-mo-yung-mukha-ko-look.
"Seriously? Ano bang meron diyan sa mukha mo na ayaw na ayaw mong ipakita? May pamysterious effect ka pang nalalaman." pinaningkitan niya lang ako ng mata.
"Fine! Ito na tatalikod na po."
"Tapos ka na ba?"
"Yes."
"Ang bilis ah. Buti di ka nabulunan."
---------------------
"Ma, Pa, uwi na daw po si Ethan! Salamat daw po sa pagkain!" sigaw ko kasi malamang nasa kwarto na sila at kasalukuyang gumagawa na naman ng magiging kapatid ko.
"Ihatid mo man lang si Ethan kahit hanggang sa may gate ha!"
"Sige po."
"Ingat ka Ethan. Bye~"
"Bye."
Pagpasok ko ng bahay...
"So hindi mo ba talaga siya boyfriend?"
"Pa!"
"Sayang gwapo pa naman." Si mama talaga oh.
"Ma. Libreng ayusin ang damit pati na rin magsuklay ng buhok. Try niyo."
(sigh) Ano ba'tong mga parents ko? Hindi man lang nagayos ng konti. Halata tuloy na gumawa ng milagro. Tsk, tsk,
----------FLASHBACK END-----------
YOU ARE READING
Blind date
RandomAko ay si Amber. At ito ang istorya ng buhay ko. Wag na kayong magtaka kung bakit naging ganre yung naging takbo nito. Si author ang may kagagawan nito. Jokes! Sisihin niyo ang mga kaibigan kong sabog. Sila ang dahilan kung bakit naging ganto ang ak...
