Chapter 7:
ETHAN'S POV:
Control yourself.
Nagbrush lang yung labi ko sa labi niya at nagtuloy sa tenga niya at sinabing...
"Your joke isn't funny at all."
Shit! That was too close.
AMBER'S POV:
Alam niyo ba yung tunog ng nababasag na bagay?
Yon. Yon, ang naririnig ko ngayon. Ang shaket. Tagos na tagos sa puso mga bes. Napahiya ako ng sobra. Mas mabuti pang lamunin na ako ng lupa or in my case ng tiles.
"Oo nga naman. Hindi yun nakakatawa."
"..."
"Tara na. Kalimutan na lang natin yun." pagtawag ko sa kanya. Dumeretso na ko sa arcade. Ayokong masira yung mood.
So ayun nga, naglaro lang kami. Wala ng exciting na nangyare.
--------------------
Bwisit! Monday na naman! Aral na naman. Yung minsan gusto mo ng tanungin ng 'Saan naman namin magagamit toh'. Diba? Tulad ng sa math o kaya sa science.
Lalo na yung sa math na find x. Tas kung ano ano pang mga mathematical terms na hindi mo rin naman magagamit in real life. Tas yung sa science naman na mga sa planet tas yung sa zoology at botany eh hindi naman ako mag-aala kuya kim o pupunta ng space. Nagsasayang lang sila to be honest.
Idagdag mo pa itong teacher namin ngayon kung nagtuturo ba o basta na lang nagsasalita mag-isa. Napakahina po talaga ng boses, yung tipong ang nakakarinig lang sa kanya yung nasa first row. Tapos guys ang boring pa po ng subject. Kaya tignan mo tong mga kaklase ko ngayon, may ibang tulog na at yung ibang kay kakapal talaga ng mga mukha na paselfie-selfie na lang.
Sino ba pede kong makausap dito. Pantanggal lang ng pagka-antok. Mapipikit na ko eh. Kausapin niyo nga ako mga readers. Parang pede eh noh.
Tumingin na lang ako dito sa mga katabi ko. Tiyak na hindi ako aantukin. Kay gagwapo kasi eh. Oo na po gwapo na po silang tatlo. Sinama ko na yung hambog. Kakaawa naman kasi.
Kailan ba matatapos tong klase. Tinignan ko yung relo ko. Matagal-tagal pa pala.
Inayos ko na lang yung buhok ko tutal mahaba-haba na rin naman pwede ko na siyang ibraid...
Ok. Sobrang haba pala. Kakangawit. Abort mission na. Kaso nasa may batok na ko eh, sayang naman.
"Here let me help you." Si Mr. Cute pala to. Ang bait bait talaga niya. You're my savior!
Tinuloy na niya yung pagbebraid ng buhok ko. "Ah, thank you."
Since nasa kaliwa ko siya. Humarap ako sa kanan ko. At anak ng teteng si hambog nga pala tong katabi ko sa kanan. Kabadtrip naman oh. At ang nakakainis pa ay gising na pala siya. Kainis! Kanina lang tulog to eh at nakadukdok sa arm chair niya, ngayon dumilat na pero ganon pa rin nakadukdok sa arm chair.
"Hoy wag ka ngang tumingin dito!"
"Pake mo ba?!"
"Panget ng mukha mo eh." Tas tinakpan ko ng kamay ko yung mukha niya.
"Ew! Ba't mo dinilaan? Dugyot ka!" Kadiri toh. Pinunasan ko yung laway niya. Ew! Germs! Baka mamaya kung ano pang disease ang makuha ko.
"Yan tapos na."
"Salamat uli Johnathan." Nginitian lang niya ko.
"Uy nakatulala ka na diyan! Sobrang ganda ko ba?"
"Oh..yeah..sorry. You look beautiful."
"Ngayon mo lang napansin?" Medyo kumakapal na rin yung mukha ko hehehe.
"No! I mean you look more stunning today. Especially when you have your hair braided that way." Shucks! Wag kang ganyan baka matuluyan ako... Matuluyan akong ma-inlove niyan sayo.
"Stop it, you're flattering me. Pag di ka tumigil diyan baka maniwala na ko."
"I'm just stating the facts."
"Will you stop flirting with each other?! It's disgusting!"
Eto na naman po talaga yung epal. Hay nako KSP po talaga siya. Hambog na nga KSP pa! Tsk, tsk, tsk. "FYI we're not flirting with each other okay? We're just having some decent conversation. Alam mo lagi ka na lang epal. Tuwing kausap ko si Johnathan o si Benj you are always there. Sinisira mo yung atmosphere. You're ruining our moment. My Ghad! Tapatin mo nga ako, may gusto ka sa akin noh? Hmm?"
"W-what the fuck are you talking about!?"
"Yes or no lang naman yung sasabihin mo eh. Di ka makasagot. Ha! Crush mo nga talaga ako noh."
"(Sigh)... Yes. You are right."
Oh yes naman pala eh. What!!! Yes as in oo?! Wait a minute did I hear it right? Nabibingi na ata ako. Kung ano-ano na itong naririnig ko.
YOU ARE READING
Blind date
LosoweAko ay si Amber. At ito ang istorya ng buhay ko. Wag na kayong magtaka kung bakit naging ganre yung naging takbo nito. Si author ang may kagagawan nito. Jokes! Sisihin niyo ang mga kaibigan kong sabog. Sila ang dahilan kung bakit naging ganto ang ak...