Cute and Hambog

9 1 0
                                    

Chapter 2:

AMBER'S POV:

"Guys we have a new students here. Please treat them nicely."

"Mr. Tran, Mr. Castro and Mr. Thompson. Please introduce yourselves."

Wow ang wa-wafu pala ng mga transferee eh. Talagang ittreat namin sila ng maayos.

"Hi I'm Benjamin Brandon Tran. Benj for short. Please treat me nicely." *smile*

"Ohayou gozaimasu. Boku no namae wa Castro, Johnathan Troy desu. Yoroshiku ne." *smile with dimples*

"Eh!?"

'Ano daw sabi niya, tiga saang planeta ba siya? Pero kahit ibang linguwahe ang sinabi niya ang cute-cute parin niya!'

"Arigatou." sabi niya ng nakatingin at nakangiti sakin.

'Oh shit narinig ba niya ko?'

"Hai." naghi-hi ba siya?

"Um... Hi din?" *while waving*

Tumatawa siya. Bakit kaya?

"You know what? You're funny. I think I like you."

Sanay naman pala siyang mag-english eh. Pinahirapan pa niya akong intindihin kung ano mang linguwahe yung sinasabi niya kanina.

Wow grabe naman tong si koya napaka straight forward. Nag "I like you" daw ba sakin. T-teka... P-pwede bang ireplay.

"You know what? You're funny. I think I like you."

"You're funny. I think I like you."

"I think I like you."

"I like you."

W-what Gusto daw niya ko? Yieeeh. I'm so keleg!!

"Oh look you're blushing. Kawaii!" tas lumapit siya sakin at pinisil yung mga pisngi ko. Emerghed.

*ehem* *ehem*

Napatingin naman kaming lahat sa kanya. W-wait parang kilala ko siya.

"Ikaw! Ikaw yung lalaking gwapo-este hambog na muntikan ng makasagasa sakin kahapon!!" sigaw ko.

What a small world.

"Ikaw! Ikaw rin yung babaeng pangit-este tatanga-tanga na muntikan ng gasgasan ang kotse ko!!" letche to, ginaya pa talaga yung boses ko.

Aaaaargh! Nagiinit at kumukulo talaga ang dugo ko dito sa hambog nato. Namumula na yata ako sa sobrang inis!

"O tama na yan. Baka magrambulan pa kayo dyan. Umupo na kayo." siyempre pagkasabi ni sir nun ay umupo nako at tinignan kung may vacant seat akong katabi. And guess what? Meron nga! Sa harap, kanan at kaliwa ko. Bakit kaya walang tumatabi sakin. Huhuhu. Di naman ako nangangagat ah.

Please Lord, sana makatabi ko si Mr. Cute at hindi si Mr. Hambog. O kaya yung isa nalang basta wag lang si Mr. Hambog.

Lord naman eh! Sabi ko yung isa nalang eh, bakit si hambog pa.

"Hi. Pwede bang umup-" Mr. Cute. / Johnathan Troy Castro.

"Yes! Yes, pwedeng-pwede!"

"Hindi pa nga tapos eh. Sumagot na agad." Mr. Hambog.

Tinaasan ko siya ng isang kilay tsaka ko siya inirapan sabay sabi ng "Che!". Epal rin to eh noh.

(timeskip) lunch

"Waaah!" ano ba yan porket lunch na nagsitakbuhan na sila. Kaya ito ako ngayon nasasama sa stampede ng mga hayop-este mga kaklase ko at kasalukuyan ng nahuhulog. Ipinikit ko nalang yung mga mata ko.

Huh? Ba't parang ang lambot yata ng sahig at ang bango pa!

*sniff* *sniff*

"Mabango ba?"

"Oo. Sobrang bango nga eh." Teka ba't parang gumalaw yata yung sahig at saka nagsasalita din. Idinilat ko na yung mga mata ko.

Oh my Goddess! Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa ni Mr...

Hambog!

"Talaga? Kung gusto mo buong araw nalang tayong ganito."

What I can't believe it. "..."

"Baka matunaw naman ako niyan."

"H-hindi na noh. No thanks nalang." tas tumayo na ko.

"Why are you following me?" kainis tong hambog na'to ah, sunod ng sunod sakin.

"I'm not following you. Nagkataon lang na parehas tayo ng pupuntahan. Wag ka ngang feeling!" Ouch! Pahiya konti. Well whatever! Walang forever!

"Hmp!"

Blind dateWhere stories live. Discover now