Chapter 4:
AMBER'S POV:
Spell BORING!
A-K-O.
Mali! B-O-R-I-N-G kaya.
Ah alam ko na. Pupuntahan ko na lang si bestfriend Ethan. Mambubulabog na naman po ako.
---------------
Pagdating ko sa pinagtatrabahuang cafe ni bestfriend Ethan. Dirediretso akong pumunta sa may kitchen. Nako wag kayong magalala na baka makasuhan akong trespassing. Hinding hindi yan mangyayari kasi kilala na nila ko dito. Tsaka nandyan naman si bestfriend Ethan na Knight in cool armor ko eh.
Tsaka siya si First ko. Ano ibig sabihin ng First? Yun yung code name ko sa kanya, kasi siya yung first crush ko nung bagong salta pa lang ako nun sa school.
Naalala ko tuloy yung una naming pagkikita.
---------FLASHBACK-----------
Naglalakad lakad ako nun kasi idol ko si Dora. Joke! Naglalakad lakad ako nun kasi gusto ko alamin kung gaano kalaki yung school tsaka para makabisado ko yung mga daan at para di ako maligaw. Tsaka gusto ko rin malaman kung meron bang mga secret routes, malay mo diba. Baka pag nakahanap ako nun makapunta pa ako sa favorite anime world ko.
So ayun nga nagaala Dora the Explorer ako nun. Sa kakaexplore ko di ko namalayan na naligaw na pala ako. Di ko pa naman dala si 'The Map' non at hindi din kulay violet yung bag ko katulad nung kay Dora kasi kulay blue yung akin.
Naglakad lakad pa ko ng konti. Medyo madilim pa non kasi nga uwian na nung trip kong maging si Dora. Ang sakit sakit na ng paa ko kakalakad pero gora pa rin ako makaalis lang dito at makatulog na sa bahay. Medyo naluluha na nga ako eh. Kasi baka di nako makalabas ng eskwelahan.
Nang biglang meron akong naririnig na mga kaluskos. Syempre naging statue ako bigla. Syempre isipin mo yun nasa eskwelahan ka, magisa, madilim na, di mo alam kung nasaan ka. Baka biglang may lumabas na zombie. Ano yan 'High School of the Dead' lang ang peg. Uy wag kayong ano diyan. Di ko pinanood yun. Konti lang mga kalahati nung isang episode, pero hindi ko alam kung anong episode yun. Bigla ko kasing inexit kasi nga may ano... Yung ano... Basta... Alam niyo na yun.
Yung mga naririnig kong kaluskos palakas ng palakas tsaka feeling ko may lumalapit sa akin.
"Swiper No, Swiper." kinacareer ko talaga ang pagiging Dora ko.
May biglang humawak sa balikat ko. Edi syempre sumigaw ako. Kahit alam ko namang walang makakarinig sakin. Kayo kasi eh pinaalala niyo pa sa akin yung Anime na yun eh ayan tuloy.
"Wwaaaaaahhhh! Please, nagmamakaawa ako Mr. Zombie wag niyo kong kainin. Di po ko masarap! Tsaka wag niyo na pong pagkainteresan yung brain ko. Wala pong laman yan. Tsaka ibebenta ko pa yan. Malaki laki din po ang price niyan kasi di masyadong gamit."
Oh diba napakagalang kong bata nagpopo ako.
"Hey calm yourself down. I'm not gonna eat you."
Wow ang taray nung Zombie oh. Makapagenglish dinaig pa ako.
Hinawakan niya yung mukha ko. Pumikit ako ng mariin. Kasi nga natatakot ako. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako. Nalaman ko lang yun nung pinupunasan niya yung pisngi ko na may luha. Unti unti kong idinilat yung magaganda kong mga mata. Ay kay gwapo naman ng zombie na ire.
"Stop crying."
Tumigil na ko sa pagiyak.
"So hindi ka zombie?"
"Nope."
"Ahm... Tanong ko lang ha? Bakit ka nakamask? Ano... Ok lang kahit di mo sagutin."
"I hate fangirls."
"Ha? So you like fanboys?!" wag mong sabihing bakla siya! Wag! Sayang fez niya.
"Aray naman! Kung makabatok wagas lang."
"Why are you here?"
"Teka lang ha? Pwede ba tigil tigilan mo na yang pageenglish mo. Di ko na keri eh."
"Tsk."
"I'm here because I'm lost. Ayan tuloy napapaenglish na din ako. Eh ikaw ba't ka nandito?"
"I just want to spend time alone."
"Ah... Teka lang ano bang pangalan mo? Kanina pa kasi tayo naguusap."
"Ethan."
"Hi Ethan. Ako nga pala si Amber."
"Ethan pwede mo bang ituro sa akin paalis dito. Inaantok na kasi ako eh."
Hinawakan niya ako sa kamay.
"Hala! Ba't mo ko hinawakan sa kamay?"
"Don't think of it that way. I'm just holding your hand because you might get lost again." may palost again- lost again pa siyang nalalaman.
..........
"Uy Ethan. Malayo pa ba? Inaantok na talaga ako."
"(sigh) Fine." tas bigla siyang pumunta sa harap ko tsaka tumalikod at umupo.
"Uy! Ano ginagawa mo dyan?"
"Sakay." ay nagtatagalog pala siya.
"Huh?" bigla niyang kinuha yung dalawa kong kamay at isinukbit sa leeg niya. Tas binuhat niya ko yung papiggy back.
"Turtle." ay grabe siya oh!
"Hoy! Anong pagong! Di ako slow no. Antok lang ako."
"Aish! Don't shout!"
"Sorry."
"Where do you live." hmmm... Teka asan na ba kami?
"Diyan lang sa may kanto. Yey! Malapit na tayo."
"Don't move too much. You might fall."
"Uy, kwento ka nga o magtanong. Para di ako makatulog."
"What's your full name?"
"I'm Amber Katelyn Smith. What's yours?"
"Ethan Carter Harper."
YOU ARE READING
Blind date
RandomAko ay si Amber. At ito ang istorya ng buhay ko. Wag na kayong magtaka kung bakit naging ganre yung naging takbo nito. Si author ang may kagagawan nito. Jokes! Sisihin niyo ang mga kaibigan kong sabog. Sila ang dahilan kung bakit naging ganto ang ak...