Chapter 6:
AMBER'S POV:
"What's your order ma'am?"
"The usual."
"Ahm... Miss. Nandyan ba si Ethan?"
"Wow! Pati tao inoorder na rin pala." bulong ni ate waitress. Di ko siya kilala baka bago lang na nagtatrabaho, siguro.
"Ano po yun miss? May sinasabi ka po ba?"
"Ah! Nako wala yun!" o-k?
Habang iniintay ko yung inorder ko, nagbabasa ako sa 'Quotev'. Pampalipas oras kumbaga. Para hindi ako mukhang estatwa na hindi gumagalaw.
Ng biglang may uupo sana sa may kaharap ko. Yung nakuha ko kasing table is for 2.
"Kuya, taken na po yang upuan." sabi ko sa uupo sana. Hindi ko na iniangat yung tingin ko kasi nga nagbabasa ako.
"Oh, I see. It's already taken."
Wait! Wait! Wait! Kilala ko yung boses na yun ah. Yung expressionless / monotonous voice.
"Oi! Saglit lang naman! Di ko alam na ikaw na pala yan Ethan."
Hinabol ko si Ethan. Bwisit na'to! Nagwalk-out agad. Nangmahabol ko siya, hinawakan ko yung kamay niya.
"Ethan sorry na... Di ko kasi alam na ikaw yun eh. Ikaw naman talaga ang uupo doon."
"Ok. C'mon."
Bumalik na kami sa table namin kanina. Dala niya yung order ko.
"Let me guess why you're here again. You're bored?"
"Kilalang kilala mo na talaga ako."
Nagkwentuhan lang kami as usual. Habang kinakain namin yung inorder ko.
"Why don't we go out?"
"Eh saan naman?"
"Anywhere that you wanted."
"Libre mo ba?"
"Eh ano pa nga ba? Tara?"
"But I haven't finished my food yet. And one more thing, diba may duty ka pa dito? Baka mapagalitan ka?"
"Sige. Magpapaalam ako."
"Uy ba't isasama mo pa'ko?" hawak niya kasi yung kamay ko.
Naman eh! Nakakahiya. Hindi pa tapos yung trabaho ni Ethan tas aalis na siya agad. Baka mapagalitan pa siya.
"Sir."
"Bakit Ethan?"
"Magpapaalam lang po sana ako. May pupuntahan po kasi kami ni Amber." Napatingin naman sa akin yung manager nila. Ngumiti lang ako.
"Siya ba si Amber?" biglang lumapit si manager kay Ethan at may binulong,"Ang galing mo namang pumili Ethan." Siyempre di ko narinig.
"O sige pinapayagan na kita."
"Pero manager! Maraming kostumer ngayon. Mawawalan tayo ng tagapagluto. Tatatlo palang naman silang cook." biglang sabi ng isang waitress. Teka siya yung humingi ng order ko kanina ah.
"Minamaliit mo ba ang talento namin ha, Haru?" sabi nung dalawang kasamahan ni Ethan na cook din. Haru pala ang pangalan ni ateng waitress.
"Sige lumakad na kayong dalawa Ethan. Kami ng bahala dito sa Cafe." sabi nung manager nila.
"Thank you po Sir." ayun lumarga na nga kaming dalawa.
--------------------
"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Ethan habang nagdadrive siya. Motor nga pala ang sinasakyan namin.
"Just wait and see."
"Eeehhh. Sabihin mo na kasi!"
"....." leche to! Sineen zoned lang ako!
-------------------
"AAAARRRRCCCAAADDDEEE!!!" yey!
"Told you you'll like it."
"Oh my gosh! Thank you, Ethan!" niyakap ko siya ng mahigpit. "I could kiss you right now!" wait what?!
Napatingin ako sa mukha ni Ethan. Namumula yung pisngi niya. Shet! Mahahalata pa yata ako.
"Uy, Ethan! Anyare sayo? Naestatwa ka na diyan." inalog alog ko siya.
"Hoy! Joke lang yon, noh." nagkatitigan kami. Napatingin siya sa labi ko. Oh my gosh! Ito na ba yon?
ETHAN'S POV:
Papalapit yung mukha namin sa isa't isa. 5 centimeters... 4...... 3......
Nagkanda-duling duling na siya.
AMBER'S POV:
KYYAAAAAHHHH!! Ito na to bes!
Pinikit ko ang aking mga mata.
YOU ARE READING
Blind date
RastgeleAko ay si Amber. At ito ang istorya ng buhay ko. Wag na kayong magtaka kung bakit naging ganre yung naging takbo nito. Si author ang may kagagawan nito. Jokes! Sisihin niyo ang mga kaibigan kong sabog. Sila ang dahilan kung bakit naging ganto ang ak...
