13 1 0
                                    

Chapter 1:

AMBER'S POV:

Hay salamat at tapos narin magdiscuss si teacher.

"-------Oy Amber. Amber? Amber!" -Cath

"Ahehehe. Sorry, sorry Cath."

"Hay naku Amber saan bang lupalop napupunta yang isip mo ha? Lagi ka nalang ganyan." -Cath

"Sorry na nga eh diba? Tsaka nakakainis naman kasi yung teacher namin kanina ayaw pang magpaawat eh overtime na kaya. Sarap lang pektusan!"

"Sino yang pinagsasabi mong sarap pektusan ha?! MS. SMITH?!"

"Edi walang iba kundi si Ms. Ortiz!"

Syet lagot narinig ako ni Ms. Evangeline Lillian Ortiz aka Ms. Line ang aming terror teacher. Oh no! It's dooms day na! OA ako masyado no? Oo inaamin ko super ako sa ka-OA-an, over attractiveness.

"Ah Amber sa tingin ko kailangan mo nang tumakbo." bulong sakin ni Cath.

"Ok mukhang tama ka nga. Tatakbo na ko baboo." at ayun nga kumaripas nako ng takbo, kumbaga nag ala flash nako. Syempre binelatan ko muna si Ma'am linya, hohoho.

"MS. SMITH HUMANDA KA SAKIN!!"

"Nyenyenyenyenye. Catch me if you can Ms. Line!" at mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Hahahaha, ang sarap talagang manginis ng isang terror teacher.

------------------------

*pant* *pant*

lingon sa kanan >_>

lingon sa kaliwa <_<

hohoho, wala na si Ma'am linya.

*beep* *beep*

"Ay abs ni Sebastian Michaelis!" anu ba naman yang lumalabas sa bunganga ko. Napatakip tuloy ako ng bibig. Pero ang hot talaga ni Sebastian lalo na pagnakita niyo yung abs nya, ulalam! Kulang nalang kanin. ----

"Hey you! Magpapakamatay ka ba?! Kung pwede lang ha sa ibang sasakyan ka nalang magpakasagasa, magagasgasan mo pa tong kotse ko!" sino ba tong pesteng to, kitang nagdadaydream pa ko ng abs ni Sebastian eh.

"Hoy!---" di ko na natuloy pa yung sasabihin ko. Kasi matutulala ka talaga sa itsura ng lalaking nasa harapan ko. Meron siyang mapupungay na mata na pag tinitigan mo para kang malulunod, matangos na ilong, mapupulang labi na masarap halik-halik----

"Hey miss done checking me out?" ay ang gaspang pala ng ugali nitong gwapong to, sayang yung looks niya.

"Miss tumutulo na laway mo." at dahil dun sa sinabi niya para bang bumalik ako sa wisyo. Pinunasan ko naman yung tumutulo ko 'daw' na laway.

"Hoy ka ren! Anong laway eh wala naman. Tsaka hindi kita tinititigan noh, kapal mo! At higit sa lahat hindi ako magpapakamatay noh."

"Done talking?"

"Yes."

"Now move."

"O edi aalis! Tse! Kala mo kung sinong hari." at ayun umalis na nga yung supladong gwapo.

"Oy sis ayos ka lang. Mukang napasabak ka dun ah." -Cath

"Oo nga eh. Pero ang gwapo niya kaya lang yung ugali medyo pumalpak."

"Eh ano bang gusto mo sa isang lalaki ha Amber?"

"Hindi ko alam eh."

"Ok total ito naman ang napili nating subject na paguusapan today meron lang akong gustong ishare. Kung ang pipiliin mo ay ang mga good boy maaaring ito ang maging sitwasyon, dahil nga sa sobrang bait nya maaari ka niyang ipaubaya sa mas best 'daw' para sayo. Pero kapag bad boy naman ipaglalaban ka niya. Walang makahahadlang sa inyong pagiibigan kaya lang maaari kang mapahamak. Pero minsan hindi naman natutuloy yang mga ide-ideal man na yan. Alam mo kung bakit? Kasi ang pagmamahal di mo kailangan ng rason para mahalin ang isang tao. Di mo mapepredict yang pagtibok ng puso mo." -Cath

"Hoy mukhang seryoso kayo diyan ah. Ano ba yang pinaguusapan niyo?" ay anubayan sa sobrang kaseryosohan namin dito sa paguusap tungkol sa love-love na yan di namin namalayan na dumating na pala itong sila Aaliyah Kylie Collins.

"Love."

"Aysus yun lang pala. Ito may isha-share lang ako. "Love is like pi: natural, irrational and very important." by Lisa Hoffman." -Ali

"Ako din may isha-share. "Love is like an hourglass with the heart filling up as the brain empties." by Jules Renard." - Kathryn Jade Cooper

"Ay ganon ba bigayan ng quotes tungkol sa love? Game!" -Cath

Ayun at nagbigayan na kami ng kanya-kanyang love quotes at mga payo na rin tulad ng...

"Don't settle for a relationship that won't let you be yourself." by Oprah Winfrey.

"Love is like playing the piano. First, you must learn to play by the rules, then you must forget the rules and play from your heart."

"Love is hard to find, hard to keep and hard to forget." by Alysha Speer.

"You know when you're in love when you can't fall asleep because reality is finally better than your dreams." by Dr. Seuss.

"Wow grabe naman san niyo yan pinagkukuha?"

"Diyan sa tabi tabi lang. Joke! Kay pareng Google syempre." -Ali

"Oh andyan na pala mga bf namin. Bai bai. Love you bes." tingnan mo tong si Jade nangasar pa talaga bago umalis. Hay ito na naman ako loner ang peg. Makauwi na nga.

Blind dateWhere stories live. Discover now