"YOU CAN drop me here, Dad," aniya nang malapit na sila sa building ng Iron Wolf.
"Are you sure? Malayo-layo pa ang lalakarin mo-,"
"I'll be fine."
Nagbuntong hininga ang ama niya. "Bakit kasi kailangan mo pang itago ang tunay mong pagkatao? You are my son and you deserve to be respect-,"
"We already talked about this, Dad," putol niya sa iba nitong sasabihin.
Nagbuntong-hiningang muli ito. "Stop the car, Beta," utos nito kay Beta Jajil.
"Kung ako lang ang masusunod, hindi ako papayag sa kagustuhan mong ito," sabi pa nito.
"But you can't say no to me, because you love me, Dad." Pilya niya itong nginitian at mabilis itong hinalikan sa pisngi.
Sumusukong umiling-iling ang kaniyang ama. "Ano pa nga ba ang magagawa ko?"
"Bababa na po ako, Dad. I love you!"
"I love you too."
Nang makalayo na ang sasakyan ay marahas siyang nagbuga ng hangin. Hinubad niya ang suot niyang salamin at bahagyang ginulo ang buhok, pagkatapos ay inumpisahan na niyang maglakad papunta sa building ng Iron Wolf.
Lahat ay tumuon ng tingin sa kaniya pagkapasok niya sa conference room.
"Sorry I'm late," aniya na naupo sa pinakahuling upuan.
Umismid sa kaniya ang ilang tauhan na kasama sa magganap na pagtitipon. Hindi kasi alam ng mga ito na anak siya nila Fan at Karrim Braham. Ayaw niya kasi ipaalam sa mga kasama sa organisasyon kung sino talaga siya. Gusto niyang patunayan sa sarili niya na may angkin siyang galing tulad ng mga magulang niya.
"As usual, late na naman siya," mataray na sabi ni Olvia na isang omega.
"It's better to late than never," sarkastiko niyang sagot dito.
Nang tumingin siya sa kaniyang ama na si Fan ay tipid siya nitong nginitian at pagkakuwan ay kinindatan.
Lahat sila ay bumaling ng tingin nang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang ama niyang si Karrim.
"Good morning, Mr. Brahman!" bati ng lahat sa pagdating nito.
"Good morning, everyone. Sorry if I'm late. Na-late ako dahil kasi sa tuta ko," anito.
Lahat ay nangunot ang noo sa sinabing iyon ng ama niya.
Tumingin ito sa kaniya at marahan na umiling. "Never mind. Let's start our meeting." Naupo ito sa pinaka-sentro ng lamesa.
"Balita?" pag-uumpisa nitong tanong.
"Nananahimik pa rin ho sa ngayon ang God's of War," si Olvia.
"I don't think so," sabat niya na ikinataas ng kilay ni Olvia.
"Why you don't think so?" si Karrim.
"Dahil kabikabilaang balita pa rin ang nababalitaan ko na may mga Omega na nawawala, kung hindi naman nawawala ay inaatake ng kung sino at sapilitang sinasakay sa sasakyan."
"Where did you get that information, Arri?" tanong ni Calvin sa kaniya. Ito ang head sa department niya.
"Meron akong sariling paraan para malaman ang mga inpormasyon na 'yan. If you look further, you will know it."
"May ibidensya ka bang maipapakita sa amin?" ang kaniyang amang si Fan.
"Of course." Inilapag niya sa gitna ng mahabang lamesa ang recorder tape niya at pinindot ang play button ni'yon, kasunod nu'n ay pumailanlan ang usapan nila ng babaeng kinuhaan niya ng statement.
BINABASA MO ANG
His pheromones (GPS SG#1)
WerewolfWARNING! RATED SPG [R18] DON'T READ IF YOU'RE NOT A BxB LOVER! May angking ganda si Arri kaya hinahangad siya ng mga dominanteng alpha. pero pinalaki siya ng kanyang mga magulang na kayang protektahan ang sarili mula sa panganib. Halos nakuha niya a...