Chapter Six

427 37 9
                                    

NAKATANAW lang sa madilim at malawak na kagubatan si Midnight habang umiinom ng alak. Kasalukuyan siyang nasa veranda. Gusto niya muna magkulong sa kwarto at mapag-isa.

Kahit man siya ay hindi niya maintindihan kung bakit ganu'n ang inakto niya. Hindi niya alam kung bakit mahirap para sa kanya na ibigay si Aari ni minsan hindi niya ginawa sa ibang omega.

Sa loob ng ilang Lingo na nanatili sa puder niya si Aari napansin din niya na may nagbago sa ugali niya. Isa na roon kung papaano niya ito pakitunguhan. It's not him. Nagbabago siya sa tuwing kaharap niya si Aari.

Ayaw man niyang aminin sa sarili pero nararamdaman niya kung sino si Aari sa buhay niya. Yes, Aari is his mate at nasisiguro niya iyon pero pilit niya iyong itinatanggi. Ayaw niyang mabulilyaso ang lahat ng mga pinaghirapan nila ng kapatid niya. Malapit na nilang mahanap ang ama nila kaya ayaw niyang masayang lang iyon ng dahil kay Aari.

Kaya hanggat maaga pa lang ay puputulin na niya kung ano man itong nararamdaman niya. Hanggat kaya niya pang pigilan ang sarili niya. Habang hindi pa lumalalim kung ano man itong nararamdaman niya para sa omega.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto at ang pagsara ni'yon bago niya narinig ang mga hakbang palapit sa kanya. Agad na pumulupot ang kamay ng isang babae sa leeg niya at kinikintalan siya ng halik doon.

"It's been a long time since you call me, Midnight," maarteng sabi ni Rish.

Pumihit siya paharap dito at marubdob itong siniil ng halik. "I just need you," aniya ng pakawalan niya ang mga labi nito.

"Nakikita ko nga. You can do anything you want to me just like before."

"That's good."

Isinabunot niya ang kamay sa huhok nito at muli itong hinalikan habang dinadala niya ito sa loob ng kwarto.





PABALING-BALING sa higaan si Aari dahil hindi siya dinadalaw ng antok. Anong oras na pero heto siya't gising pa rin siya.

Hindi niya maintindihan ang sarili pero pakiramdam niya balisa siya at hindi mapakali. May nararamdaman siya na para bang may nangyayaring hindi tama.

Bumangon siya at umalis sa kama. Lumabas siya sa veranda pagkatapos ay humugot ng sariwang hangin. Mula sa kinaroroonan niya ay tanaw niya ang mga munting liwanag na nagmumula sa kabilang destrito.

Pinilit niyang ikinalma ang sarili at tinuon ang sarili sa ibang bagay.

Kumusta na kaya ang mga magulang at mga kapatid niya? Gumagawa na ba ng aksyon ang mga ito para mahanap at makuha siya rito?

"I miss them so much," anas niya.

Humugot siya ng malalim na hangin at pagkatapos ay tsaka niya iyon marahan na ibinuga.

Nang sa tingin niyang kumalma na siya, bumalik na siya sa loob tsaka muling nahiga sa kama. Mula sa malalim niyang pag-iisip ay dinalaw na rin siya ng antok.

Kinabukasan, maagang nagising si Aari. Naligo na siya bago bumaba para kumain ng umagahan. Pero ganu'n na lang ang pagtigil niya nang mabungaran si Midnight sa kumedor, pero hindi ito nag-iisa. Mayroon itong kasamang maganda at sexy na babaeng omega. Hindi lang 'yon, nasisiguro niyang kay Midnight ang long sleeve polo na suot-suot nito.

"Aari, gising ka na pala. Gusto mo na bang sumabay sa kanilang kumain?" tanong sa kanya ng matandang baba na isang ordinaryong tao.

"Oh! I didn't know that you have a visitor, Midnight," ani ng babae.

"He's not a visitor," malamig ang boses na sagot ni Midnight.

Lihim siyang napahawak sa kanyang dibdib dahil sa biglaang bilis nang tibok ng kanyang puso. Kahit hindi niya tanungin, alam niya ang posibilidad na namagitan sa dalawa sa nagdaang gabi dahil naaamoy niya ang pheromones ni Midnight mula sa katawan ng babae.

"You can join us—"

"Bakit hindi ka pa ba umaalis, Rish?" putol ni Midnight sa sasabihin ng babae.

"You are rude as always, Midnight. Hindi ba pwedeng kumain muna ako? Baka nakakalimutan mong pinagod mo 'ko kagabi? That's the first time you fuck me till morning."

Aari was right. Naramdaman niya ang lalong pagpintig ng puso niya na nagdulit ng kirot sa dibdib niya.

Pero alam naman niya na wala siyang karapatan na magreklamo o magalit dahil una sa lahat wala naman silang relasyon ni Midnight, baka nga siya lang ang nakakaalam kung anong merong kaugnayan sa kanilang dalawa.

"Maupo ka na, Aari," sabi sa kanya ng Manang Rosenda.

Pero hindi niya magawang ikilos ang sarili. Bigla siyang nakaramdam ng panlalamig, pero pakiramdam niya ay nag-aapoy siya sa sobrang init na nagsimulang magpanginig sa kanyang katawan at kalamnan.






MARAHAS na napatingin si Midnight sa kanyang likuran kung saan nakatayo si Aari, nang makaamoy siya ng matamis at mabangong amoy.

"Meron kang omega rito sa loob ng pamamahay mo?!" hindi makapaniwalang tanong ni Rish.

"Shut up and leave!"

Tumayo siya at lumapit kay Aari pagkakuway galit niya itong tinitigan. "You. What the hell! Go back to your fucking room and drink your suppressant!"

Tila inosenteng tiningnan siya nito. "S-suppressant?"

"Midnight—"

Galit niyang nilingon si Rish. "Get the fuck out of my house if you don't want me to throw you out my self!"

Marahas niyang hinawakan si Aari sa braso at hinila ito pabalik sa kwarto nito. At pagkatapos, marahas niya rin itong binitawan.

"Drink your suppressant!"

"You and that woman...had sex last night?" paanas nitong tanong.

"So what?"

"Ohhh..." Mapait itong ngumiti. "Then why am I still here?"

Hinawakan nito ang dibdib. "I-I don't know why I feel pain here..."

"Fuck! Stop this nonsense! Just drink your suppressant!" asik niya rito.

"But the suppressant is only for omegas that is in heat."

"You are fucking in heat, Aari!"

Tila naman kuminang ang mga mata nito na tila ba masaya pa ito sa narinig.

"Am I? T-then this is the first time."

"What? You never in heat before?"

Tumango ito.

Nakita niya ang mariin nitong pagpikit, kasunod ni'yon ay ang pagngiwi nito. "The pain kills me..."

"Fuck! Stay here. Magpapatawag ako ng doktor para suriin ka."

Akmang lalabas na siya ng kwarto ay pinigilan siya nito sa braso. "You don't want to do it with me?"

Natigilan siya at hindi makapaniwalang napatitig kay Aari. Malayong-malayo ito sa Aari na pagkakakilala niya at alam niyang dahil iyon sa heat nito.

Inalis niya ang kamay nito sa kanya. "You are not in the right mind right now because of your heat. Just take a rest and wait here—"

"Nagawa mo sa kanya, bakit sa akin hindi? Am I not enough, Midnight?"

Natutop niya ang ilong nang lalo niyang maamoy ang pagtindi ng pheromones nito. Kung magtatagal pa siya rito, baka hindi na niya mapigilan pa ang kanyang sarili na angkinin ito.

"You don't want me anymore?"

Hindi siya nakasagot. Hindi niya magawang sumagot dahil unti-onti na siyang nilalamon ng kanyang pagnanasa gawa ng kaakit-akit nitong pheromone.

Mapait itong ngumiti. "I understand. Please call someone to ease this pain—"

Ang mga labi ni Midnight ang pumutol sa iba pang sasabihin ni Aari. Tuluyan na siyang nilamon ng kanyang pagnanasa.

Hawak ang buhok nito ay marahas niya itong hinalikan na para bang hindi na siya ang may control sa kanyang katawan.

"You are mine, Aari. Only mine."

His pheromones (GPS SG#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon