Chapter Eight

596 38 11
                                    

"NOW, can you tell us what happened to you, Marri?" tanong sa akin ng ama kong si Fan.

Ilang araw na rin ang naklilipas mula nang makabalik si Marri rito sa palasyo nila. Tinatanong siya ng mga magulang niya kung ano ang nangyari sa kanya sa Tierra De Muerte pero parati niya lang sinasabi na hindi pa siya handang ikwento ang lahat.

"Marri, gusto naming malaman kung ano ang mga pinagdaanan mo roon," sabi pa ng papa niya.

"Doon ba nakatira ang pinuno ng secret society?" tanong naman ng ama niyang si Karrim mula sa pananahimik.

Napatingin siya rito at napakunok. Hindi niya gustong sabihin ang buong katotohanan. Ayaw niyang malagay sa kapahamakan si Midnight.

"Tama ako diba? What he did to you?" tiim ang bagang na muling tanong ng daddy niya.

"Pinakialaman ka ba niya, Marri?" muling tanong ng daddy niya nang hindi siya sumagot.

Nayuko lang siya at walang isinatinig.

"Did he fuck you, Marri?! Tell us, damn it!" sikmat ng daddy niya na hindi na napigilan ang galit.

"Karrim!" saway ng papa Fan niya sa kanyang amang alpha.

Hinilamos ni Karrim ang mukha sa nararamdamang galit. Sa pananahimik ng anak niya siguradong "oo" ang sagot sa tanong niya.

"Mula pagkabata mo, wala kaming ibang ginawa kundi protektahan ka, Marri! Tinuruan ka naming lumaban at iminulat ka namin sa reyalidad na buhay bilang isang omega. Pero sinuway mo kami! Mas pinairal mo ang katigasan ng ulo mo!"

"Karrim!" muling suway ng papa niya.

Tiningala ni Aari ang amang alpha. "Hindi ba ganu'n din naman ang ginawa mo kay papa? Sapilitan mo rin siyang kinuha at inangkin mo siya without his willingness," aniya.

Natigilan at nanlalaki ang mga mata ng ama niya na napatitig sa kanya. Marahil nagulat ito dahil nakapagsalita siya ng ganu'n. Hindi kasi siya ganu'n. Pinalaki siya ng mga ito na may takot at may respeto.

"Marri... Ano bang sinasabi mo?" ang papa niya.

"Our situation is different with yours. Wait. Are you comparing me with that bastard? Baka nakakalimutan mo ikaw ang naglagay sa sarili mo kung ano man ang nangyari sa'yo!" tiim ang bagang sabi ng daddy niya.

"I know! And I never blame anyone. Dad, alam ko po na nagkamali ako at wala po akong ibang sinisisi. 'Yung nangyari sa akin sa Tierra De Muerte hindi ko pinagsisisihan iyon. At hindi ko rin pinagsisisihan na nakilala ko si Midnight."

"Midnight? Midnight ba ang pangalan ng leader ng secret society?"

Gusto niyang batukan ang sarili dahil halos ipagkalulo na niya si Midnight sa ama niya.

"Hindi ka sumasagot? Are you falling in love with that criminal?"

Hindi siya nakasagot. Natatakot siyang umamin na mate niya si Midnight.

"Silent means yes." Tumalikod ang ama niya at tinawag ang beta nito na agad namang lumapit.

"Ihanda mo ang mga epsilon. Sususgod tayo sa Tierra De Muerte mamayang gabi!"

Mabilis na napatayo si Aari. "Dad, nakikiusap ako na huwag mong gawin 'yan. Nakabalik naman ako ng ligtas. Sa katunayan siya ang napahatid sa akin dito—"

"Bumalik ka na sa kwarto mo, Aari," anito na tila hindi siya naririnig.

"Dad—"

Ang gintong mga mata ng ama niya ay galit na lumingon sa kanya. "Don't make me say it again, Marri. I don't want to hurt you so, don't disobey me this time."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His pheromones (GPS SG#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon