NAGISING si Arri dahil sa pakiramdam na may ibang tao sa paligid niya. Idinilat niya ang mga mata at mabilis ang kilos na nahawakan niya ang kamay na kung sinong magtatakang hawakan siya.
Natigilan siya nang makilala ang lalaking nasa kaniyang harapan. Hindi niya mapigilan ang pag-init ng kaniyang pisngi nang maalala ang nangyari sa kanila kahapon, at para bang wala lang iyon sa binata.
"Hindi ako nagkamali sa hinala na hindi ka basta-bastang omega," anito.
Hinablot nito ang kamay mula sa pagkakahawak niya kuway naglakad papunta sa makapal na kurtina at hinawi nito iyon.
"Maghanda ka. Isasama kita sa Shelter."
Bumangon siya. "S-shelter? Hindi ba 'dun ginaganap ang underground fight? Bakit tayo pupunta roon?"
Tumaas ang sulok ng labi nito. "Sa tingin ko, hindi pa ganu'n kasapat ang alam ninyo tungkol sa Secret Society. Gusto mo malaman ang lahat diba? Isasama kita ngayon doon."
Oo, gusto niyang malaman kaya hindi niya palalagpasin ang pagkakataong iyon.
"W-wala akong damit," nakayukong sabi niya. Pinagpupunit ba naman ang mga damit niya kahapon.
"Dinalhan kita ng masusuot mo." Sinundan niya ng tingin ang tinuro nitong damit na maayos na nakatupi sa dulo ng kama.
"I will give you ten minutes to prepare. Hihintayin kita sa ibaba," anito at pagkatapos ay humakbang na ito palabas ng kwartong kinaroroonan niya.
Umalis siya sa ibabaw ng kama. Bitbit ang ibinigay nitong damit sa kaniya ay pumasok siya sa banyo at mabilis na naligo.
Pagkatapos niyang magbihis ay agad siyang lumabas ng kwarto at dumiretso sa sala. Hindi niya inaasahan na magiging maluwag ito sa kaniya. Kung alam nito na hindi siya basta-bastang omega bakit siya hinahayaan nitong mag-isang naglalakad sa loob ng mansion nito?
Natigilan siya nang maabutan si Midnight na nakatayo sa harap ng glass wall na tila may pinagmamasdan mula sa malayo. Iba ang ekspresyon ng mukha nito at tila may pinag-aalalang problema.
Nang naglikha ng ingay ang pagapak niya sa huling baitang ng hagdan ay lumingon si Midnight sa kaniya. Ang malambot nitong ekspresyon ay biglang nawala.
"Let's go," anito na nagpatiunang lumabas ng mansion at sumakay sa itim nitong sasakyan. Naiilang na naupo siya sa tabi nito.
"Saan tayo, Boss?" tanong ng driver.
"Sa Shelter," pagkasabi ni'yon ay agad na umandar ang sasakyan.
"Kilala mo ba ang panganay na kapatid ni Torichiro?" maya'y tanong ni Midnight
Nilingon niya ito. "Si Tito Zedie?"
Nang lingunin siya nito ay nakita niya ang galit sa mga mata nito pagkabanggit niya sa pangalang iyon.
"Ano ang pagkakakilala mo sa kaniya?"
"He's a nice person. Tahimik lang siya habang nakatingin mula sa malayo."
"Nice person?" mahina itong tumawa. Inalis nito ang tingin sa kaniya at itinuon sa labas ng sasakyan.
"Bakit mo natanong?" tanong niya pero hindi ito sumagot, kaya minabuti na lang niya ang manahinik.
Halos isang oras din ang ginugol nila sa daan bago huminto ang sasakyat sa isang lumang gusali. Agad na rin siyang umibis ng sasakyan ng bumaba na si Midnight.
"Good morning, Boss!" Sabay na bati ng apat na lalaking nagbabantay sa labas ng gusali.
"Itatapon mo ba rito iyang kasama mo, Boss?" tanong ng isang lalaking makapal ang balbas.
BINABASA MO ANG
His pheromones (GPS SG#1)
WerewolfWARNING! RATED SPG [R18] DON'T READ IF YOU'RE NOT A BxB LOVER! May angking ganda si Arri kaya hinahangad siya ng mga dominanteng alpha. pero pinalaki siya ng kanyang mga magulang na kayang protektahan ang sarili mula sa panganib. Halos nakuha niya a...