Chapter Five

406 33 1
                                    

UMANGAT ang tingin ni Midnight nang bumukas ang pinto ng opisina niya at iniluwa ni'yon ang kapatid niyang si Fatima, ang anak ng ama niyang si Michael at ni Czedric.

"Why are you here?" agad niyang tanong.

"Hindi ko ba pwedeng bisitahin ang nakakatanda kong kapatid?" anito nang maupo sa gilid ng lamesa niya.

Nagkibit siya ng balikat. "Sa tuwing pumupunta ka rito, kung hindi dahil sa bilin niya ay may ibabalita ka sa akin na hindi maganda."

Nagbuntong-hininga ito. "Totoo bang may ibinabahay kang omega?"

Kunot ang noong tiningnan niya ang kapatid. "Kanino mo naman nalaman iyan?"

"I have my ways to know everything happens to you, Kuya. Tell me, totoo ba?"

"Correction, hindi ko siya binabahay. He's a spy from Iron Wolf."

"A spy? Kung ganu'n, why haven't you killed him yet?" may pagdududang tanong nito.

"Dahil alam kong mapapakinabangan ko pa siya."

"Tulad ng?"

Mariin siyang pumikit. "Fatima," mariin niyang tawag sa pangalan nito.

"Kuya, never na may tumagal sa'yong omega rito sa mansion, maliban sa omegang iyon."

"Fatima, walang ibang ibig-sabihin kung bakit pa nananatiling buhay ang omegang 'yon."

"Paano mo maipapaliwanag ang mga omegang nasa Shelter?"

"Kasunduan namin 'yon ni Arri. Kapag natalo niya si Halfblood, palalayain ko ang mga omega. Wala akong maling nakikita sa ginawa ko. Milyong pera naman ang naipasok niya sa akin dahil natalo niya si Halfblood."

"Alam na niya ang tungkol sa pagkatalo ni Halfblood." Pagbibigay alam nito. "Mr. Hernaez went there para kausapin siya. That old man interested in that omega, handa siyang magbayad kahit ilang milyon pa, kaya asahan mong kakausapin ka niya dahil sa omegang inaalagaan mo ngayon."

Pagak siyang natawa. Lihim niyang nakuyom ang kamao. Ngayon pa lang gusto na niyang paslangin ang matandang hukluban.

"You shouldn't show any emotion for that omega, Kuya. Pero base sa nakikita ko, you are interested with that omega."

Kunot ang noong nag-angat siya ng tingin dito. "What?"

"Nakikita ko ang galit sa mga mata mo para kay Mr. Hernaez dahil sa omegang 'yon. Mas mabuti pang ibigay mo na lang siya kay Mr. Hernaez-"

"He's mine, Fatima," putol niya sa iba pa nitong sasabihin. Kasabay ni'yon ay nagbago ang kulay ng kaniyang mga mata at ng ikinatigil ng kapatid.

"Kuya, malayo na ang narating natin. Hindi pwedeng masayang ang lahat ng mga pinaghirapan natin ng dahil lang sa omegang 'yan!"

Mariin niya muling ipinikit ang mga mata at marahas na nagpakawala ng isang buntong-hininga. Nakikita niya sa mga mata nito ang frustration at pagod sa kung ano man ang sitwasyon nila ngayon.

"I know."

"Then let go with that omega!"

"Fatima, anak ni Karrim Brahman ang omegang 'yon. Magagamit natin siya laban sa kaniyang ama. Kapag natalo natin ang Iron Wolf, ibibigay niya sa atin kung ano ang gusto natin."

Tumayo na ito. "Make it sure, Kuya. Kapag nakita kong magiging sagabal ang omegang 'yon sa mga pinaghirapan natin, ako mismo ang papatay sa kaniya. Mark my word." Pagkasabi ni'yon ay humakbang na ito palabas ng opisina niya.

Mariin niya lalong nakuyom ang mga kamao. Tama ang kapatid niya hindi dapat mabulilyaso at masayang lang sa lahat ang mga pinaghirapan nila. Pero hindi niya alam ang dahilan kung bakit hindi niya magawang madispatya si Arri. Parang may pumipigil sa sarili niyang gawin iyon.

His pheromones (GPS SG#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon