MABILIS na bumangon si Arri nang marinig niya nag pag-alis ng sasakyan ng mga magulang niya. Babyahe ang mga ito papunta sa Japan. May pagpupulong na dadaluhan ang mga na gaganapin mismo sa Japan.
Gagamitin niya ang pagkakataong iyon para puntahan ang mansion sa Tierra De Muerte na pinaghihinalaan niyang posibleng pinagtataguan ng pinuno ng god's of war.
Mabilis niyang kinuha sa kabinet ang hinanda niyang gamit kanina. Isang simpleng puting t-shirt at leather jeans ang sinuot niya at kulay itim na warrior boots naman para sa kanyang mga paa. Kinuha rin niya ang itim na leather jacket sa kabinet at agad iyong isinuot. Sinunod niyang isinuot ang itim niyang sumbrero saka isinuksok ang paborito niyang baril sa loob ng kaniyang suot na jacket. Sunod niyang sinuot ang relo niya kung saan mayroon GPS para madali siyang matutunton kung may mangyari mang hindi maganda sa kaniya.
Sinukbit na niya ang maliit na body bag sa kaniyang katawan pagkakuway ay binuksan niya ang sliding door palabas sa veranda. Handa na sana siya sa pag-alis ng may magsalita mula sa kaniyang likuran.
"And where are you going?"
Bumaling ang tingin niya kay Yui na nakasandal sa pader habang magkasalikop ang mga braso.
"I... Um..."
"Huwag mong sabihin sa'kin na dahil sa trabaho kaya ka aalis? Sinabi na ni papa na hindi ka na magtatrabaho sa Iron Wolf. So, saan ka pupunta ng ganitong oras?"
Hinarap niya ito at nagpakawala ng buntong-hininga. "Okay what do you want?"
Ngumuso ito. "I just need an advice."
"About?"
"Have you ever been in love, Kuya?"
Bahagyang nangunot ang kaniyang noo. "Are we going to talk about love... right now?"
"Please?" anito na pinagdikit ang mga palad.
Sinipat niya ang suot na orasan at buntong hiningang naupo sa gilid ng kaniyang higaan. "Okay. Makikinig ako kahit wala akong alam sa love love na 'yan."
Kumurba ang ngiti sa mga labi ni Yui. "Thank you!" Lumapit ito at naupo sa upuan na nasa tabi ng kama niya.
"Dahil super duper close tayo, ipagkakatiwala ko sayo ang sikreto ko."
"Yeah, yeah, yeah. Now, tell me what is your secret you wanted to tell me?"
"Umh... I think I'm in love," nakangiwing sabi nito.
"With whom?"
Kinagat muna nito ang ibabang labi bago ito sumagot. "I know that falling in love with him is wrong, but I can't help it. Alam mo 'yung sa tuwing nasa malapit siya? Ang bilis ng tibok ng puso ko, at sa tuwing nasa tabi ko naman siya para akong nanghihina at hindi ako mapakali—"
"Wait!" putol niya sa iba pa nitong sasabihin. "Sino ang alpha na 'to? Don't tell me..."
Nangiwi ito nang makuha niya kung sinong alpha ang tinutukoy nito.
"Yeah, I'm in love with Celvestre," pag-amin nito sa huli.
Nasapo niya ang noo. "Why Tito Celvestre pa? God! Yui, twenty seven years ang agwat ninyo sa isa't-isa. Kapag nalaman nila dad ang tungkol dyan, you know what will happen."
"Kaya nga sa'yo ko lang sinasabi ang tungkol 'dun. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin."
"You know what? Stay away from him, kung ayaw mong may mangyaring hindi maganda kay Tito Celvestre."
"B-but I can't. He's my mate," malungkot nitong sabi. Nakikita niya sa mga mata nito na nahihirapan ito.
Nagbuntong hininga siya. "Ang maipapayo ko lang sa'yo, pagtuunan mo muna ng pansin ang pag-aaral mo. Gawin mong motivation kung ano man 'yang nararamdaman mo para kay Tito Celvestre, at isa pa." Itinaas niya ang hintuturo. "Pareho ba kayo ng nararamdaman?"
BINABASA MO ANG
His pheromones (GPS SG#1)
WerewolfWARNING! RATED SPG [R18] DON'T READ IF YOU'RE NOT A BxB LOVER! May angking ganda si Arri kaya hinahangad siya ng mga dominanteng alpha. pero pinalaki siya ng kanyang mga magulang na kayang protektahan ang sarili mula sa panganib. Halos nakuha niya a...