𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟷𝟶 : 𝙵𝚛𝚒𝚎𝚍 𝚁𝚒𝚌𝚎, 𝙷𝚊𝚖 𝚊𝚗𝚍 𝙱𝚊𝚌𝚘𝚗

16.6K 644 270
                                    


DISTURBANCE
CHAPTER TEN - FRIED RICE, HAM AND BACON

Eliryce

"Good morning students! We would like to announce that our University will be participating at this year's National Math Quiz Bee. All of the students are allowed to join. If you wish to participate go to the Mathematics Club today for the examination that will start at 1pm. Students who wished to participate will be excuse till the end of the day. That will be all, thank you." nanggaling ang announcement sa mga speakers na nakapalibot sa buong University.

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ngayon at nakain ng lunch. Monday na ngayon, isang linggo na simula nung magsimula akong magtutor kay Yohan at isang buwan na ako rito sa Maynila. Okay naman yung buong nakaraang linggo ko, maraming quizzes at activities kami na ginawa per unit subject lalong lalo na kay Miss Sullivans, after class naman diretso sa bahay nito para magtutor kay Yohan at pagkatapos naman ay ihahatid lang ako nito pauwi.

Apat na araw kaming ganoon ni Miss Sullivans matapos nung Monday, bale mula Tuesday hanggang nung Friday. Madalas ay tahimik lang kami nito parehas sa byahe. Sa bahay naman nito ay hindi ito nalabas ng kwarto, iti-text lang ako nito kapag nagpadeliver na ito ng food at lalabas lang ito ng kwarto niya kapag eksaktong 8pm na at uuwi na ako. Puro fast food tuloy yung kinakain namin ni Yohan, napag alaman ko rin dito na palaging ganoon yung set up nila ni Miss Sullivans dahil hindi raw ito marunong magluto. Yung yaya naman nito ay tuwing umaga lang nandito sa bahay para magbantay kay Yohan kapag wala pa si Miss Sullivans.

Kahapon naman na linggo, akala ko ay may volunteer kami sa Orphanage pero tinext ako ni Natasha na wala raw ulit volunteer day dahil may surprise visit daw sa Orphanage yung ibang mga interested na sponsors. Nakuha nito ang number ko kay Riva. Nanghihinayang man dahil hindi ko makikita ulit si Anya ay wala rin naman akong magagawa kaya buong araw lang akong nagpahinga kahapon.

Ngayong araw ko naman malalaman kung magpapatuloy pa ba akong maging private tutor ni Yohan dahil ii-evaluate ni Miss Sullivans yung magiging performance nito sa school, kung may natututunan ba ito sa pagtututor ko.

Hindi rin mawala sa isip ko yung sinabi nito last Monday, sure akong narinig ko na tinawag ako nitong 'El' pero hindi naman na yun naulit.

So baka guni guni ko lang? Hay ewan.

"Uy Eliryce bakit hindi ka sumali?" biglang tanong sakin ni Chantal at tumango tango naman sa tabi nito si Riva.

"Oo nga Eliryce, for sure madali lang para sayo yung examination diyan. Marami din yang incentives na makakatulong sa pagiging scholar mo." sabi naman ni Phoebe sa akin.

Napakamot naman ako sa ulo dahil medyo hesitant ako na sumali. Tingin ko kasi ay hindi ko kakayanin yung pressure.

"Go for it Eliryce, we know you can do it." dagdag pa ni Cross.

"After lunch so maya maya na, wala akong review. Kinakabahan ako." sabi ko sa kanila at nagtinginan naman ang mga ito at nagsingitian.

"Review? Nako girl, hindi mo na need yun." sabi ni Chantal at nagthumbs up naman sina Riva, Phoebe at Cross na ngayon ay ngiting ngiti pa sa akin.

"Fine, I'll do it." sabi ko sa mga 'to.

"Yun oh! Fighting!" sabay sabay nilang sabi.

Disturbance (EngLot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon