DISTURBANCE
CHAPTER TWENTY FIVE - COMPLICATIONSEliryce
"Come on girls, hurry up." excited na sabi ni Chantal kaya nagsibabaan na kami ng kotse nito.
Kakarating lang namin ngayon sa harap ng Modern Mansion nina Cross. Kasalukuyan kaming nasa parking lot, napansin agad namin yung napakaraming sasakyan na nakaparada. Lahat ng mga yun ay mamahalin kahit yung mga motorcycle, alam kong mamahalin din.
Wala kaming kaalam alam na sobrang yaman pala talaga nito, anak pala ito ng isa sa mga successful business tycoons sa buong mundo.
Naglakad lakad na kami at luminga linga naman ako sa paligid, ngayon lang ako nakakita ng ganitong mansion. Kadalasan nakikita ko lang yung mga ganito sa foreign movies, meron din palang ganito sa Pilipinas.
"Ganda naman dito." sabi ni Riva, nakasuot ito ngayon ng classic black dress at nagmukha na naman itong babaeng babae.
"I agree. We also have a mansion pero mas modern yung design nito, sobrang ganda." sabi naman ni Chantal na nakasuot ng silver satin dress.
"Sabi ni Cross he'll be waiting for us sa front gate." bumaling naman ang tingin ko kay Phoebe na nakasuot ng green dress.
"Teka picture muna tayo guys." sabi naman ni Chantal at inilabas nito yung phone sa dala dala niyang pouch bag.
Nagselfie muna kami nung una tapos isa isa kami nitong pinicturan.
"Angat talaga kagandahan netong Eliryce natin." natatawang sabi ni Chantal ng tingnan nila yung picture ko dahil last niya akong kinuhanan.
Lumapit naman ako sa mga ito at ipinakita sakin ni Chantal yung kuha nito sa akin, "Tingnan mo girl."
"Bobolahin niyo pa ako, tara na nga." sabi ko sa mga ito at alanganin akong ngumiti.
"Humble pa." pahabol ni Phoebe at nagthumbs up naman yung dalawa sa kaniya.
Nagsimula na kaming maglakad, maya maya lang ay nakarating naman agad kami sa front gate. Pinagbuksan kami nung nagbabantay na Guard, bumungad naman sa amin si Cross na nakasuot ngayon ng black na turtle neck na pinatungan nito ng coat at tinernuhan nito ng pants. Nakangiti itong sumalubong sa amin at dumako ang tingin nito sa akin kaya nginitian ko ito agad.
"Oh my gwapo! Happy Birthday Crossy!" bati rito ni Chantal at niyakap ito.
"Happy Birthday!" sabay na bati rin dito nina Riva at Phoebe.
"Thank you guys, thank you also for coming." sabi nito sa amin ng nakangiti.
"Happy Birthday." bati ko naman dito kaya mabilis nitong ibinalik yung tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Disturbance (EngLot)
FanfictionDis·tur·bance • the interruption of a settled and peaceful condition. • the state of being disturbed. Eliryce Sierra Evangelista was a smart third-year college student who wished to pursue her remaining college years in Manila. She's a 'typical' pro...