DISTURBANCE
CHAPTER THIRTY EIGHT - ACCEPTANCEEliryce
I stare at the blank ceiling right above me. I don't know how many hours I've been awake now. I feel light, pakiramdam ko lumulutang lang ako. I smiled bitterly, imagine sa sobrang pangungulila ng puso ko sa kaniya, nakikita ko na yung mukha nito ngayon sa ceiling.
Her cute dimples, her sweet smile, her beautiful face, her voice.. I miss her so much.. It hurts.
It hurts because I know I won't see her again.
After that day, bumalik ako ulit sa bahay nito to talk to her once again dahil baka magbago pa yung isip nito pero she's not there anymore. They're not there anymore. I found out that she's selling the house already at nung mismong araw na nakausap ko ito, yun na rin yung araw na lumipat na sila.
So right now, I don't know where she is. I tried calling and texting her pero nakapatay lang yung phone nito. I even tried calling Yaya Mel pero hindi nito sinasagot yung tawag ko.
I wiped my tears away, tumutulo nalang kasi yun bigla bigla. Ramdam na ramdam ko na rin yung panunuyo at pananakit ng lalamunan ko kasabay ng pamamaga ng mga mata ko.
When will this stop? I'm tired.. already.
I close my eyes at nilaro ko yung necklace na binigay nito sa akin nung birthday ko. She make me really happy that day, sana pala hiniling ko nalang nun na hindi na yun matapos. If I had known na huli na yun, sana pala mas ipinaramdam ko na rito na mahal na mahal ko siya.
"Ryce, please open the door and eat something."
I opened my eyes kahit sobrang sakit nun at tumingin ako sa pintuan kung saan kumakatok si Riva.
I forced myself to stand up, kahit hanggang ngayon nanghihina pa rin ako. I felt bad for her dahil sa sofa lang siguro ito natutulog. I don't even know what day it is o kung ilang araw na akong nagmumukmok dito sa loob ng kwarto.
I slowly opened the door at mabilis akong niyakap nito ng bumukas yun. Sa sobrang panghihina ko, hindi ko man lang ito magawang yakapin pabalik.
"Oh geez, thank God!" humiwalay ito sa pagkakayakap sakin at kitang kita ko kung paano lumambot yung expression sa mukha nito, "You're getting skinny, Ryce. Let's eat something." mabilis na ako nitong hinatak pero buong lakas ko itong pinigilan.
"I-I don't want to. I'm not hungry."
"Please Eliryce. I know you're.. hurting but please take care of yourself also. It hurts to see you being like this. We're so damn worried about you, all of us."
"Okay." plain na sagot ko rito at tumango tango ako at nakita ko namang ngumiti ito.
"Great. I'll just cook something first, okay? Wait for me here." sabi nito at pinaupo muna ako nito sa sofa bed.
Saglit kong ipinikit yung mga mata ko pero natawa ako ng mahina kasi nakikita ko pa rin yung mukha nito kahit nakapikit ako-- Miss Sullivans, can you tell me how I can forget you? Kung palagi kitang nakikita sa kahit na saan. Kahit pa sa pagpikit ng mga mata ko.
After a couple of minutes ay narinig ko ng tinawag ako ni Riva sa kusina kaya iminulat ko na yung mga mata ko at nagsimula na akong maglakad ng dahan dahan.
Agad akong umupo sa bakanteng upuan at tiningnan yung niluto nito. Nagluto ito ng fried rice at paborito ko ring adobo, kung normal na araw lang siguro ngayon baka mabilis ko ng nilantakan yun at nagningning na yung mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Disturbance (EngLot)
FanfictionDis·tur·bance • the interruption of a settled and peaceful condition. • the state of being disturbed. Eliryce Sierra Evangelista was a smart third-year college student who wished to pursue her remaining college years in Manila. She's a 'typical' pro...