𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟹𝟺 : 𝚂𝚑𝚊𝚗𝚊𝚒𝚊

17.2K 595 166
                                    


DISTURBANCE
CHAPTER THIRTY FOUR - SHANAIA

Eliryce

"Ano ba naman yan padapa dapa pa kasi." inis na reklamo ko sa pinapanuod kong horror movie ngayon sa tv dito sa apartment.

Tuesday na ngayon, maaga akong nagising kanina dahil balak kong mag-book ngayon ng ticket sa terminal. Birthday ko na bukas at plano kong umuwi sa probinsya para doon i-celebrate yung espesyal na araw na yun.

Miss ko na rin kasi sila dun, lalo na si Nanay. Since free naman ako until Sunday ay itutuloy ko na yung balak kong pag-uwi, kung may available pa na ticket hanggang mamaya kukunin ko na yun o kung bukas naman, okay lang din. Late decision eh, ganoon talaga.

"Oh tingnan mo tumingin pa--"

Natigil yung sasabihin ko ng may marinig akong katok sa pintuan. Kasalukuyan kasi akong nakaupo sa sofa ni Riva, umalis na kasi ito dahil may trabaho ito ngayong umaga.

Bago ako tuluyang tumayo ay inubos ko na muna yung natirang kape na iniinom ko pero natigilan naman ako agad ng malakas itong kumatok ulit.

Sino ba 'yun?

Medyo kinabahan tuloy ako dahil nanunuod ako ng horror movie ngayon.

Ano ba yan, mag bi-birthday na nga may pa ganito pa.

Agad akong lumapit sa pintuan at para sigurado lang ay kumuha ako ng walis at itinago ko yun sa likod ko--- aba mahirap na, mamaya masamang tao pala diba? Wala naman kasi akong ineexpect na bisita ngayon.

Dahan dahan kong binuksan yung pinto at automatic na nanlaki yung mga mata ko ng makita ko si Miss Sullivans sa harapan ko. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin.

"Why did it take you so long to open the damn door? You know I hate waiting, Miss Evangelista." mataray na sabi nito at mabilis na ako nitong nilagpasan at pumasok sa loob.

What is she doing here?

"Miss Shanaia--"

"What's with that also?" sabi pa nito ng makaupo ito sa sofa at tinuro nito yung walis sa likuran ko na agad kong ibinaba, "Are you out of your mind?" mataray na sabi nito kaya alanganin akong napangiti.

"Ang lakas kaya ng pagkatok niyo, mahirap na."

"Really? You see that peephole there?" turo nito sa pintuan kaya agad akong napatingin dun sa maliit na butas sa pintuan at napakagat ako sa labi ko-- I didn't know it was there.

Hindi ko alam na may ganoon pala yung pintuan ni Riva, nakakahiya.

Ibinalik ko yung tingin ko dito at this time ay bored lang itong nakatingin sa akin.

"What are you doing here anyway? Kulang pa po ba yung mga pictures na sinend--"

"Shut up. It's your birthday tomorrow right?"

Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi nito, sa pagkakaalam ko hindi ko naman ito nasabihan.

"How did you know Miss Shanaia?"

Disturbance (EngLot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon