[Ziwin]Nag madali ako tumakbo nang malapit na ako sa Demon Beast kasabay ang pag talon ko bago pa man saksakin ang ahas ay na unahan ko na siya.
Tumama ang hawak ko na espada sa likod. Tumalon ako paatras.
Ngayon ko lamang napansin ako isa na ako gold rank. Ang Demon Beast ay may dalawang skill lamang ang alam nito. Una ang bolang item na enerhiya at pangalawa ang Thunder black Energy.
Sumigaw ang Demon Beast sa galit. Nag simula mag apoy ang katawan nito. Nakakatiyak ako na gagamitin niya sa'kin ang pangalawang skill.
Minabuti ko mag handa. Sa panibagong antas at lakas ko sigurado ako kakayanin ko tapatat ang Demon beast.
Lumipad sa eri ang Demon Beast. Isang oras na ang lumipas ngunit hindi pa rin bumaba ang Demon beast pero kahit ganon nag handa pa rin ako.
"Bulletproof Skin."
Ang Bulletproof Skin ay panibagong kong skill natutunan. Salamat sa alaala ng temple monkey ay nagawa ko buohin ang Bulletproof Skin.
Sa isang oras na lumipas ay umalis na ang mga beast samantala ako nanatiling nakatayo. Nararamdaman ko mula sa kalangitan ang malakas na itim na enerhiya na paparating sa pwesto ko.
Hindi ako nag alala sa katawan ko sa tulong Bulletproof Skin kahit malakas ang atake ay hindi masyadong ma apektuhan ang katawan ko.
Dumilim ang kalangitan kasabay ang pag buhos ng malakas na kidlat.
"Clone Trikery."
Lumitaw sa tabi ko ang dalawang clone ko. Tumama sa unang Clone ko Ang Thunder. Sunod-sunod tumama ang Thunder ngunit sa tulong ng Clone Trikery ay nalilito ang kalaban.
"Mighty Cloud!"
Mula sa kalangitan bumaba ang ulap na anyong bola. Pag karating sa harap ko. Agad ako tumalon dito saka lumipad pa itaas. Na iwan ang dalawang Clone ko.
Narating ko ang itaas. Na tanaw ko ang kalaban na kinontrol ang nag kalat na bakas ng kilad saka binuo niya ito bago pinakawalan sa ibaba.
Nag laho ako saka lumitaw sa ulunan. Buong pwersa ko hinampas ng tungkod ko. Dahil sa panibagong skill na mula sa temple monkey. Habang pabulogsok ito pababa ay hinabol ko ito saka pa ulit ulit hinampas ng tungkod.
Huminto ako nang maabot ko ang limitasyon ng skill. Habol hininga ako habang nakatingin sa kalaban tumama sa malaking bato.
"Boom!"
Hindi ko napuruhan ang kalaban. Ano ito? May pangatlong skill siya pero hindi niya ginamit. Nakakatiyak ako na hindi pa niya ito gamitin. Mag ingat ako sa bawat kilos ko baka nag hintay lamang ito ng pagkakataon.
"Papatayin kita tao. Isa ka lamang munting nilalang sa paningin ko na mahalintulad sa maliliit na insekto!"
"Talaga lang ha? Nahihirapan ka nga natalo ako patay pa kaya?" Patawang wika ko.
Sunod-sunod nag pakawala ng bolang itim na enerhiya ang kalaban sa direksyon ko. Sa bawat atake ng kalaban ay aking hinampas ng tungkod kahit mabilis ito mag hagis ay nasabayan ko.
Nag laho ako saka lumitaw sa harapan niya sabay hinampas ng tungkod ngunit nahawakan nita ito. Pero malakas ko sinipa ang mag kabilang paa nito.
"Ruyi Bang!"
Buong pwersa ko itinulak ang tungkod kasabay ang paulit-ulit na pag tama sa kaniyang dibdib. Hindi nag tagal ay nabitawan ng kalaban kasabay ang pag tilapon nito pa atras.
"Ngayon lamang ako nasasayahan sa tao makipag laban. Bweno ngayon araw tatapusin kita!"
Ewan kung ilang beses na sinabi na papatayin ako pero ito buhay na buhay ako. Hay puro salita lamang siya.
Siguro gagamitin niya ang pangatlong skill. Nanabik ako na masaksihan ngunit medyo kinakabahan.
"Mag ingat ka tao. Ang pangatlong Skill ng Demon Beast ay malubhang mapanganib," natatakot na wika ng isang beast.
Sa isang iglap may bumalot sa mag kabilang paa ko ang itim na enerhiya. Hindi ako maka alis dahil subrang higpit nito na halos mabali ang buto ko.
Hindi pa ito ang third skill ng kalaban pero nahihirapan na ako. Hindi maaari mangyari ang binabalak ng kalaban.
"Pag na patay kita tao. Madagdagan ang bilang ang pag patay ko ng tao. Pag makaabot ako ng isang libong na patay na tao. May panibagong na naman skill ang matutunan ko."
Sinusubukan ko gamitin ang sarili kong skill ngunit hindi kaya mag palabas ng enehirya. Tinitigan ko ang putik nasa harapan ko. Hindi ko na kaya gamitin ang water gem upang mag anyong tubig sa pagkat hindi ko na master.
Dahan-dahan lumutang ang putik patungo sa'kin bibig kasabay ang pag nganga ko. Napabaling ako ng tingin sa kalaban na kasalukuyan pinakawalan ang nag aapoy na enerhiya. Bumulugsok ito patungo sa'kin bago pa man tumama sa'kin. Nakain ko na ang putik kasabay ang pag anyong putik ko.
Malakas na sumabog ang itim na apoy kahit nakatakas man ako. Halos hindi ko kinaya bumalik sa dati kong anyo ngunit bumalik parin ako sa paging putik.
Anong gagawin ko? Anong laban ko? Hindi na ko mapalagay. Ang sakit ng mag kabilang kamay ko. Hindi ko ma kaya mag palabas ng lupa.
Nag laho ang tungkod ko dahil nawala ako sa kontrol at hindi ko na kaya ito suportahan.
Malakas tumawa ang halimaw. May nalaman pang kumanta hindi naman maganda ang boses sa halip ang sakit tenga pakinggan mabuti na lamang nasa anyo akong putik.
"Sa wakas umabot na din isang libo ang na patay ko na tao. Sa wakas may panibago na ako skill. Masubukan ko nga. Sa tagal ng panahon ngayon lamang ako ulit nakapatay ng tao."
Pinag masdam ko lamang siya. Kasalukuyan abala ito sa pag pukos. Sinuntok ng dalawang beses ang bato sa hindi ko malaman dahilan.
"Bakit ayaw gumana? Na patay ko na ang tao pero hindi kaya..."
Nilibot ang tingin nito ngunit hindi niya ako mahanap dahil humina ang enerhiya ko na mahirap tukuyin nito.
"Hay naku! Hindi pwede makatakas ang tao!"
Na numbalik ang lakas ko. Hindi ako nag dalawang isip na mabilis gumapang patungo sa paanan ng kalaban. Bago ko pa man gawin ang balak ko. Mas pinalawak ko pa ang sakop mg aking kapangyarihan sa lupa. Dahan-dahan nabasa ang lupa sa palibot kasabay ang pag madulas ng kalaban.
Mabilis kumapit ako sa buong katawan niya. Sa subrang higpit na pag hawak ko nahihirapan ito gumalaw. Naputol ang mga kuko at ibang parte bahagi ng katawan nito dahil sa pag pumilit na kumilos.
"Wala ka na magagawa pangit na Turo."
"Ikaw pala akala ko na patay na kita ngunit nag ka mali ako."
Nag pagulong-gulong ang kalaban agad ako humiwalay saka sumanib sa lupa. Akmang tatayo na ito pero muli na naman ako dumikit sa mag kabilang binti at kamay na sanhi na pag dugo nito.
"Ano pangit na turo ? Asan yong yabang mo?"
Nanginginig ang kalaban sa subrang galit. Dahan-dahan ko humiwalay sa kaniya na naramdaman uminit ang kaniyang katawan. Nag madali sumanib sa lupa. Gumapang ako patungo sa mag kabilang direksyon.
Hindi pa naman ito nakatayo. Pinaalon ko ng lupa patungo sa kaniya.
Sunod-sunod tumam ang alon ngunit hindi nag patinag ang kalaban. Kita ko sa kaniyang mga mata ang pag gamit ng boung enerhiya.
Nag tagumpay ako sa binabalak ko. Sisiguraduhin ko maubusan ng enerhiya sa maikling oras.
"Insekto mag pa kita ka!"
"Ano ako tanga? Hanapin mo ako!"
Sa huling alon pinakawalan ko nag pagulong-gulong ang kalaban dahil sa subrang lakas ng impak na tumama sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Power Within: Ziwin's Stellar
FantasySi Ziwin Stellar ay isang mahinang binata subalit nagbago ang takbo ng kaniyang buhay simula nang bumagsak sa kamay ng kalaban ang buong Angkan na kinabibilangan niya. Nakatakas siya sa tulong ng kaniyang kapangyarihan, at hindi nagtagal natagpuan...