Lumipas ang ilang araw ay na sanay si Ziwin maki halubilo. Marami siyang natutunan tungkol sa maharlikha, class at estilo sa pakipag laban. Walang araw na pinalampas nito sa pag insayo ng elemento at lakas.Pinayuan siya ni Aurora na mag paturo sa Beast na may higit na kaalaman pag dating sa elemento.
Samantala dumating ang pinaka hintay ni Aurora. Kasalukuyan nasa harapan siya ng munting Fox. Ang Fox na ito ay isang Gem Beast. May pinong balahibo na kulay puti. May gem sa noo na kulay puti maging ang mga mata nito.
"Maraming salamat sa tulong mo tao. Ngayon ay ibibigay ko na sa iyo ang gan timpala nararapat sa'yo."
"Handa ka na ba?"
"Handang handa kanina pa!"
"Huwag kang kabahan. Huwag kang mag alala hindi naman masakit ang gagawin ko sa'yo. Pero bago tayo mag simula tatanungin kita ulit."
"Handa ka na ba?"
"Oo!"
"Lumayo ka sa'kin. Hindi madali ang gagawin ko. Mas mabuti na malayo ka maliit lang ang tasya na nabubuhay ka kung sa malapitan.
Umikot ang buntot ng Fox kasabay umilaw ito ng kulay puti hanggan sa makalipas ang isang minuto nag silitawan ang mga bolang niyebe.
Ang apat na bolang niyebe ay nag sanib pwersa kaya ang kinalabasan nito. Ang malaking bolang niyebe.
Bumilis ang tibok ng puso ni Aurora. Nag simula na nanginig ang buong katawan dahil sa bolang niyebe nag mula ang malamig na temperatura na parang na paralisado si Aurora.
Titig na titig na si Aurora sa Gem Beast. Gusto niya kumurap dahil hindi niya matiis ang pag hapdi ng mga mata. Nag simula na umagos ang luha.
"Kailangan mo lang mag tiwala sa'yo sarili na makakaya mo tanggapin ang Gem ko. Para sa iyong kaalaman ay maaari kang mamamatay kung hindi kakayanin ng katawan ang lamig nito."
Huminga mg malalim bago ituon ang atensyon sa pag isip na kaya niya. Nag handa ang Fox pakawalan ang Snow Transfer Ball. Isa, dalawa, tatlo sa isang isang iglap pinakawalan na nito. Mabilis ang takbo ng oras nakapaloob sa Niyebe.
Halos nahirapan na huminga si Aurora sa bilis ng tibok ng puso. Tumama sa dibdib ni Aurora ang Snow Transfer Ball. Walang nagawa ang kaawa-awa ninilang maliban sa pag sigaw nito gamit ang isip. Binalot ng nakakasilaw na liwanag ang buong katawan.
"Nararamdaman ko ang pag daloy ng enerhiya ko sa loob ng katawan ng tao. Nasisiguro ko nasa spiritwal na kalooban ang Gem ko. Sana kayanin mo Tao."
Sunod-sunod sumabog ang Snow Transfer Ball sa loob ng katawan. Sa pag hupa ng liwanag ay bumangad sa Gem Beast ang panibagong anyo ni Aurora.
Nakasuot ng mahabang dress, may sombrero na kulay puti na matulis. May pakpak sa likod na kulay puti ngunit hindi malinaw.
"Binabati Kita tao nag tagumpay ka. Pakiusap ko lamang sa iyo huwag mo sana gamitin ang kapangyarihan ko sa kasamaan dahil yan ang sinira sa'yo."
"Subukan mag palabas ng kaunting kapangyarihan."
Sinunod ang sinabi ng Gem Beast kasabay ang pag laho ng pakpak nito. Inilahad ang dalawang palad sa lupa.
Dahan-dahan may nabuo sa mag kabilang palad na niyebe. Hindi man gaano ito ka lakas nag papasalamat parin si Aurora sa Gem Beast.
"Isa kang Mage Aurora. May dalawang Stage lamang ang iyong hawak na elemento. Babala ko lamang ko sa'yo iwasan mo makipag laban sa kapwa may hawak ng Gem Beast dahil mas hihina ang iyong kapangyarihan taglay ngayon."
Pinag laho ni Aurora ang niyebe. "Naunawaan ko. Ngunit maaari mo ba akong turuan kung paano kontrolin ang kapangyarihan. Ang niyebe ay hindi bilang sa elemento ng tubig na dati kong kapangyarihan," nanabik na Saad nito.
"Pwes mag simula tayo sa pukos enerhiya mo at inner core. Unahin muna natin ang pag pukos mo bago tayo sa inner core mo. Bweno umupo ka riyan sa damuhan. Gawin mo na ang dapat gawin."
Umupo si Aurora kasabay ang pag pikit ng mga mata. Naramdaman niya ang mayaman enerhiya sa paligid. Na miss nito magnilay nilay.
Sa pag mulat ng mga mata nito bumangad sa kaniya ang walang liwanag na inner core na ibig sabihin subrang hina pa niya.
Ang kasalukuyan ranggo ni Aurora ay nasa Bronze 3rd Star. Ang Inner Core nito ay may malaking pinsala kaya mabagal humigop ng enehirya. Tumingala sita sa itaas ng Inner Core. Napangiti na lamang siya habang titig na titig sa isang Snowflake. Kung dati ang nasa itaas ay bolang tubig.
Samantala ang binata ay kaharap niya ang wolf na si Silver Gill. Gusto niya mag turo ngunit inayawan siya nito.
"Anong problema?"
"Pasensya kana wala akong sapat na kaalaman tungkol sa elemento mo. Kung ano Ituro sa'yo ng kagalang galang na Crown Monkey ay yun ang ipag patuloy mo."
Hindi na hinintay ng Wolf ang sagot ng binata. Mabilis ito tumakbo pa layo patungo sa hilaga.
"Subukan ko kaya kontrolin muli ang Dimension art baka siguro maka silip na ako. Sawa na ako palagi kamay ang gamit ko sa pag pasok ng mga gamit ko. Kainis!"
Itinapat ng binata ang kanang kamay sa puno habang hawak naman kanang kamay ang kaliwa.
Lumitaw ang munting lagusan ngunit agad naman ito nag laho. Inulit niya muli.
Lumitaw ang munting lagusan. Lumipas ang limang segundo nakita ng binata kung ano ang nasa loob ng Dimension Art.
"Wow maraming kayamanan. May mga artifact na kahanga hanga."
Nawalang ng kontrol ang binata. Dahan-dahan nag laho ang lagusan kasabay ang pag bagsak na una ang pang upo.
"Ziwin!"
Lumingon siya sa pinag mulan ng boses saka tinapunan ng masamang tingin si Aurora.
Pumulot ang binata ng niyebe saka ginawang Snow ball. Ngumiti ng nakakaloko ang binata kaya napataas ang mag kabilang kilay ni Aurora.
Sunod-sunod na binato si Aurora ng Snow Ball ngunit lumitaw sa harapan nito ang kalang ng enerhiya na sanhi na pag ka tunaw ng Snow Ball."Bronze 3rd Star! Akala ko ba wala kang kapangyarihan." Sabay pag tayo nito.
"Oo ngunit sa tulong Gem Beast nag karoon muli ako ng pagkakataon na makagamit muli ng kapangyarihan. Hindi nga lang tubig kung hindi niyebe."
"Gem Beast? Ang ibig mong sabihin binigyan ka ng Gem. Tama ba?"
"Oo naman. Isipin mo hindi ka na mag isa mag insayo. Simula ngayon ako iyong kasama na handa gabayan ka!"
"Talaga? Sundan mo ako!" Nag laho ng pigura ng binata na halos hindi makita ni Aurora ang pag alis nito.
"Kainis! Hintayin mo ako Ziwin!"
Tumakbo si Aurora habang palinga linga sa palibot nag naka sakaling maabutan si Ziwin ngunit sa kasamaan palad ay wala na ang binata.
"Asan kaya nag punta yun? Hay naku maka punta nga sa bayan malapit na maubos ko ang mga gamit ko sa pagsasanay sa pag gawa ng mga gamot."
Tumadyak ng isang beses si Aurora sa niyebe kasabay umikot sa kaniya ang niyebe.
Unti-unti nag laho ang katawan ni Aurora saka humalo sa niyebe.
BINABASA MO ANG
The Power Within: Ziwin's Stellar
FantasySi Ziwin Stellar ay isang mahinang binata subalit nagbago ang takbo ng kaniyang buhay simula nang bumagsak sa kamay ng kalaban ang buong Angkan na kinabibilangan niya. Nakatakas siya sa tulong ng kaniyang kapangyarihan, at hindi nagtagal natagpuan...