Kabanata 50

187 17 2
                                    


Kabanata 50: Ang nakaraan ni Damon

Tumalon pa atras si Inwin nang makita hinigop ng dalawang kaluluwa ang mga kaluluwang ligaw sa labas ng harang na pinag taka ng nasa labas. Mabilis pumasok sa katawan ng dalawang kaluluwa na sanhi ng unti unting paglaki na halos umabot sa mala higante halimaw.

"Hindi ko kakayanin talunin siya ng ganun kadali, habang tumatagal ay unti unting nauubos ang enerhiyang mula sa elemento ng tubig. Kung pwede ko lang sana gamitin kanina ko pa ito na talo."

Hindi niya magawa muli umatake sa pagkat mabilis ang bawat  atake ng dalawa at mabigat ang bawat tumama na enerhiya sa katawan niya. 

"Ngayon tiyak na ang iyong kamatayan! Ang final form ng techniques na yan ang tatapos sa iyo." 

"Hindi ako papayag  na hanggang dito na lang ako. Hindi pa ako nag seryoso," mahinang sambit nito. 

Tumama ang sunod sunod na kamao ng kalaban sa katawan niya. Kahit tumagos ito ngunit nag iiwan ng hindi maipaliwanag na sakit na labis pinang hinaan ng loob siya. 

"Oras na para subukin ang kapangyarihan ko." 

Naglaho ang kadena maging ang espada ngunit katakataka ang kaniyang ginawa na alisin ang pang huling harang sa katawan niya. Dahan-dahan tinakpan ang kanang mata gamit ang kaliwang kamay. 

Hindi maintindihan ng kalaban kung anong nangyayari. Upang hindi makita ng lahat kung anong kaganapan ang nangyari sa kanila sabay pinakawalan ng dalawang ang magkasalungat na kakayahan upang takpan ang harang. 

"Talagang gusto mo mamatay na walang saksi. Pwes gagawin ko ang nais mo!" 

Binuhos lahat ni Damon ang buong enerhiya sa dalawang kaluluwa hanggang sa dahan-dahan lumitaw ang mga tela na mabilis pumalibot sa dalawang kaluluwa. 

Sa kumpas ng kalaban mabilis umatake ang dalawang kaluluwa na halos hindi niya na maiwasan ang bawat atake nito. Gagawin pa  sana niya a salagin ang atake ngunit pulupot sa kaniyang katawan ang puting tela na mula sa dalawang kaluluwa. 

Ginamit niya muli sa huling pagkakataon ang Ghost Watah Techniques upang makawala sa higpit ng kalaban. Nakawala man siya pero sunod sunod tumama sa kaniyang tiyan ang tela ng dalawang kaluluwa na naging dahilan na bumulugsok patungo sa ibaba. 

Sa pag bagsak niya sa kinaroroonan ni Lazz ay malaking pagsabog ng nagawa na naging dahilan ng tumilapon  si Lazz at nawalan ng malay. 

Hindi siya pinayagan ng kalaban na makabangon sa pamamagitan sa pag pa ulan ng mga tela sa kaniyang kinaroroonan. Nag pagulong gulong sa lupa ang binata upang maiwasan ang sunod sunod na muntik na tumama sa kaniya.

Sa muling pag atake ng kalaban ay biglang naglaho si Inwin na hindi malaman dahilan ng kalaban. Hindi niya maramdaman ang aura ng binata na tila na para nag tagumpay siya sa pagpatay dito. 

Bumaba ang kalaban sa lupa na may ngiti sa labi habang nasa harapan nito ang dalawang kaluluwa. Ang hindi niya alam nasa harapan niya ang binata na kasalukuyang anyong tubig na sumanib sa lupa, dahan-dahan nanumbalik ang lakas nito sa pag higop ng enerhiya ng kalikasan. 

Hindi namalayan ng kalaban dahan-dahan gumapang ang putik na hindi nakikita sa kaniyang paanang  hanggang umabot sa bewang.  Nanlaki ang mga mata ng kalaban na biglaan lumitaw sa harapan niya ang binata. Mabilis niya ganamit muli ang dalawang kaluluwa upang salagin ang suntok ng binata ngunit sa hindi malamang dahilan ay hindi magawang kontrolin ng kalaban ang sariling taktika. 

The Power Within: Ziwin's Stellar Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon