Maaga ako gumising upang mag hersisyo. Ito ang unang gawain ko sa tuwing magising ako. Minsan may umatake sa'kin na mga Normal Stage na Beast. Wala akong magawa kung hindi patayin sila at i-uwi sa bahay. Bahala na si Aurora kung anong gagawin niya.
Nakausap ko ang usa. Ayon sa kaniya kailangan ko palakasin ang katawan ko bago mag simula sa pagsasanay ng kapangyarihan. Tama nga naman siya. Hindi kakayanin ng katawan ko nong unang subok ko. Muntik na ako mawalang ng malay mabuti na lamang dumating si Aurora at tinulungan ako.
Huminto ako. Hindi ko na kaya. Pagod na pagod na ako. Nanakit na ang binti ko halos hindi ko na kaya tumakbo kahit makatayo man lang. Bumagsak ako sa niyebe sabay pikit ng mga mata.
Napansin ko habang ang gawain ko sa pag takbo ay bumilis ako at hindi mabilis ma pagod. Bumangon ako muli tumakbo pauwi. Nandito sa bandang kanluran ng kagubatan kung saan makikita ang karamihan Silver Stage na beast.
Habang tinahak ko ang daanan na tubig na hanggan tuhod ko ang abot nito. Tumalon ako nang gumalaw ang tubig sa harap at lumapag ako sa matulis na bato na muntik na ako matusok nito kung hindi binalutan ko ng bato na parang sapatos.
Umahon sa tubig ang kakaibang beast na ngayon ko lamang nakaita sa tanang buhay ko. Ang katawan ay ahas samantala ang ulo ay sa ibon, may pares ng pilak na mga mata. Hindi ako gumalaw dahil hindi ko alam kung anong panganib mararanasan ko sa tulad niya.
Nag simula na kumilos ang kakaibang beast. Napansin ko sa bawat galaw ay lumalabas ang de koryente. Hindi ko mapigilan kabahan nang makita ang papalapit na isda sa kakaibang beast.
Sa pag lapat ng ulo ng Isda sa kakaibang Beast. Dumaloy ang kuryente ng kakaibang nilalang patungo sa ulo ng isda.
Nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan. Isang electric beast nasa ranggo ng gold stage. Pag tumapak sa legend ang tulad niya sigurado ako mas mapanganib sa tulad ko.
Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan ng naka alis ang kakaibang beast. Sa subrang kaba baka may makakita sa'kin ng malakas na beast. Hindi ko namalayan tumakbo ako s ibawbaw ng tubig. Subrang bilis ko tumakbo halos wala na ako marinig na ingay.
May biglaan dumaan sa harapan ko. Tumilapon ako nang tumama ako sa matigas na kung ano man. Bumagsak ako sa nag yelong tubig. Dahan-dahan nag karoon ng lamat.
Nag madali ako bumangon nang marinig ko ang bilis na pag ka watak watak ng yelo patungo sa direksyon ko. Tumalon ako sa gilid at lumapag sa niyebe nanginginig.
Lumitaw ang libro sabay palipat lipat sa ibang pahina hanggan sa huminto sa blangkong pahina. sunod-sunod nag silitawan ang mga salita na mag ka hiwalay.
“Water Form!”
Pumalibot sa buong katawan ko ang tubig. Ito na siguro ang sinasabi nila na unang anyo ng elemento. Dahan-dahan nabuo sa mag kabilang kamay ko ang espada na malapad. Sa pag laho ng tubig tuluyan nakapag palit ako ng unang anyo.
Nakatali ang mahaba kong buhok. Nakasuot ng manipis na tela. Sa mag kabilang balikat ko nakapatong ang brilyante.
Sinubukan ko tumapak sa tubig. Hindi ko akalain makakalakad na ako sa tubig. Sinubukan ko lumikha ng bolang tubig sa eri nong una nahihirapan ako alalayan ang kanang kamay ko dahil sa matinding enerhiya na hindi kontrol ko ang linabas nito.
“Wow magaling!”
Hinanap ko ang pinag mulan ng tinig ngunit wala akong makita maliban sa munting ibon na kulay berde. Ang mga pakpak nito ay parang dahon na pinag tagpi.
"Ang galing!"
Tinitigan ko mabuti ang kakaibang ibon. Napansin ko na paulit-ulit lamang ang binigkas na mga salita nito. Hindi ko matukoy ang ranggo nito. Siguro isa lamang ito Normal Stage na may kakayahan gumaya ng salita ng tao.
Lumipad ang ibon patungo sa kalangitan. Bumalik ako sa pag pukos mas ginalingan ko ang pag kontrol ng daloy ng enerhiya sa palad ko.
Nang matapos ko ma perpekto ang bolang tubig. Kusang lumutang ang katawan ko habang papasok sa bolang tubig. Nang tuluyan makapasok nakaramdam ako ng nakakakilabot na Aura mula sa loob.
Sumabog ang bolang tubig ng biglaan na ikina hulog ko at bumagsak sa tubig na una ang ulo. Napasigaw ako sa sakit.
Bumalik ako sa normal habang parang nag lalaho ang katawan at bumalik ng paulit-ulit.
Nawalang ako ng malay nang bigla tumama ang ulo ko sa nagyeyelong tubig.
Nagising ako na subrang sakit ng ulo. Hindi ko ma igalaw ang mag kabilang kamay ko. Bumangon ako habang nakahawak sa ulo. Gusto ko sumuka ngunit wala akong ma isuka. Nandito na ako na sa loob ng silid ko.
Bumukas ang pinto. Pumasok si Aurora na may malungkot na tingin sa'kin ngunit nang makita niya ako nag kungwari ito masaya sa pamagitan na pag ngiti.
“Kumusta Ziwin?”
“Hindi ako ayos.”
Napakunot noo siya. Nilapag sa mesa ang hawak niya na tasa. Tinitigan niya ako na para bang sinuri ang kalagayan ko.
“Bakit may masakit ba sa'yo!?”
Nanatili lamang siya nakatayo. Hindi mapalagay siya. Para bang may gumulo sa kaniyang isipan.
“Subrang sakit ng ulo ko!” paiyak na saad ko. Bumagsak ang mag kabilang kamay ko nang sumakit din ito.
Nataranta si Aurora lumapit sa'kin. Hinawakan niya ang kamay ko saka tiningnan ang palad ko.
“Masama ang lagay mo. Hindi ko alam kung anong nangyari sa'yo. Naabutan na lamang kita sa labas ng bahay na walang malay.”
Nagtaka ako sa kaniyang sinabi. Kung hindi siya. Sino? Napasigaw muli ako sa subrang sakit ng ulo ko. Na para bang mabibiyak na.
“Mapulang palad na may mga sugat na maliit na magkahiwalay. Sigurado ako pwersahan mo ginamit ang iyong kapangyarihan. Lalo na hindi sanay ang iyong katawan na gumamit ng maraming enerhiya.”
“Na bigla ang iyong katawan sa pag gamit ng maraming enerhiya, kaya sumakit ang iyong ulo at palad. Payo ko lang sa'yo huwag mo biglain sa halip mag simula ka sa kunting enerhiya upang ma sanay muli ang iyong katawan.”
Binigyan ako ng maliit na bote. Agad ko naman ininom. Medyo nawala ang sakit ng ulo ko.
Limang araw ang hirap na dinanas ko. Halos oras-oras ako umiyak. Mukhang hindi ko na kaya ngunit sa tulong ng kapangyarihan ng Temple Monkey ay bumalik ang lakas at sigla ko. Nag hilom ang sugat sa palad ko.
BINABASA MO ANG
The Power Within: Ziwin's Stellar
FantasiaSi Ziwin Stellar ay isang mahinang binata subalit nagbago ang takbo ng kaniyang buhay simula nang bumagsak sa kamay ng kalaban ang buong Angkan na kinabibilangan niya. Nakatakas siya sa tulong ng kaniyang kapangyarihan, at hindi nagtagal natagpuan...